Chapter 12 - Shokoy

5.6K 158 1
                                    

- DANIKA -

Ilang araw na rin akong hindi sinusumpong ng kasungitan at kamalditahan ko. I don't know why yet pero everyday mas nagiging excited ako to what this new day will bring to me especially kapag nakikita ko si ana.

Dati rati naman okay lang sa akin na lumipas ang isang araw na halos wala akong ginagawa kung hindi ang magbabad sa phone for gerald and surf the internet.  Pero ngayon iba na, minsan ko na lang ito hawakan mas feel ko kasi makipag usap kay ana kahit halatang naiinis na ito sa kakulitan ko.

And kagabi medyo kinilig ako although nakaramdam muna ako ng inis at tampo dahil akala ko hindi niya pinansin yung egg na pinagprito ko. Mabuti na lang nagkamali ako ng akala. Kaya ayun kinain niya rin naman alam ko medyo sunog yun pero....ahm kinain niya pa rin.

chuckles here!

Then we kissed for the third time. Hindi ko alam kung bakit kami nag kikiss, hindi naman kami at imposibleng maging kami dahil una mahal ko si gerald na boyfriend ko na since first year college ako. Nameet ko siya during the launch of my own clothing line business, invited kasi yung family nila. Investor din kasi sila sa isa sa marami naming kompanya at first encounter pa lang nag click na kami and so it went.

Pangalawa may boyfriend din siya.

Pangatlo pareho kaming babae at straight or baka katulad si ana ng bestfriend niyang si riley? o ako katulad ako ni nika???? Napataas ang kilay ko sa thinking na ito. Ay hindi hindi if ever man si ana ang les at hindi ako - hay ano ba yan hindi ko na nga iisipin ang sakit sa ulo eh. Pwede naman mag kiss ang magkaibigan...

Pero wait, sa lips? at thrice na yun ha...

Ahmm oo pwede naman......yata? hmp bahala na nga.

Hay naku nababaliw na ata ako nagsasalita na ako mag isa.

Iwinaksi ko muna ang iniisip kong yun at nagbihis na ulit sa pang 6 na pagkakataon. Pupunta kasi kami ni Ana sa.... sa..... basta dun bibili daw kami ng para sa food stock namin dito sa dorm.

'' danika matagal ka pa ba? '' sigaw na naman ni ana, kanina niya pa ako tinatanong niyan, parang sirang plaka lang?

'' wait a sec I'm near na talaga '' sagot ko naman na kanina ko pa rin sinasabi sa kanya.

Lumabas na ako ng kwarto at pinakita sa aburidong si ana ang napili kong dress and ofcourse hindi na naman niya yun nagustuhan. Nagsimula na siyang magsungit at magkasalubong na naman ang mga kilay nito. Lumapit ako sa kanya at iniunat ang umaarko na naman niyang kilay at sinabing huwag niya yun gagawin at papangit siya then bumalik ako sa kwarto at nagbihis na namang muli, ginaya ko na lang ang suot niya para naman hindi na niya ako masermonan and thanks god okay na ito sa panlasa niya.

Una nagbangayan kami sa damit. Pangalawa sa kotse naman. Gusto ko kasing dalhin yung sa akin, siya naman ay yung kanya. Mas maganda kaya ang sports car ko, tapos sabi naman niya yun na nga daw ang point sports car ang sa akin kaya hindi yun bagay sa pupuntahan namin kaya nagpatalo ako.

Pasalamat ka Ana ang cute mo, hindi pa naman ako nagpapatalo kahit kanino, minsan lang pala kay dad. Hmmmm, speaking of him matext nga sila including mom.

Bago pa man lang kami makarating sa lugar na tinutukoy niya ay nakapag text na ako sa parents ko. Pumasok na kami sa grocery store at inilibot ko ang mga mata ko sa loob.

Ganito pala ang itsura nito, dito kasi namimili sila yaya eh, naririnig ko sila kapag nag uusap usap.

Natuwa talaga ako sa dami ng mga paninda na nakalagay sa mga stalls. Kuha lang ako ng kuha, chocolates, biscuits, doritos at iba pa. Si ana naman ang kinukuha soysauce, vinegar, catsup, fish etc etc.. Kaloka hindi marunong mag grocery. tsk!!!!!!

kahiya sa akin diba hahaha- maarteng tawa.

Ayan puno na ang cart namin so magbabayad na kami ni ana, hahawak sana ako sa braso niya pero may biglang humila sa kanya na ikinagulat namin pareho.

Pagtingin ko si sam pala na mukhang shokoy. Hinapit nito ang bewang ni ana at hinalikan niya ito sa labi at mas idinikit ang katawan nito sa kanya. Nagtatama na ang mga anek nila sa isa't isa, kadiri yuck!!!

Kakainis ang shokoy na ito bakit ba kasi ito nandito, pasira ng mood tapos ito namang isa tuwang tuwa. May pasundo't sundot pang nalalaman sa tagiliran at patapik tapik sa pisngi, mukhang nakalimutan ng kasama niya ako. Kakairita silang tingnan pareho.

Busy ako sa pagmamasid sa lovebirds ng tinawag ako nung cashier kami na pala ang next sa pila. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinawag ko na sila na agad naman lumapit. The time na magbabayaran na ay sabay sabay kaming kumuha ng wallet, cards sa amin ni shokoy at cash kay ana.

Pero sabi ng cashier cash lang daw sila ngayong araw kaya si ana ang nagbayad.

Itinulak na ni shokoy at inilagay sa sasakyan yung mga pinamili namin at hindi pa rin ito nagpapigil at nagpakasweet pa kay ana. They even kissed ULIT sa harapan ko kaya sumakay na ako sa kotse. Hindi naman sa nagseselos ako why would I? diba?

Pero ewan naiinis talaga ako kaya hindi ko pinapansin si ana kahit sinabihan niya ako about sa seatbelt at pagdating sa dorm? hindi ko siya tinulungang magbitbit bahala naman siya... nakipaglandian eh yan ang payment niya sa akin, hmp!

Nang makabalik na siya sa loob ay nasa kwarto naman ako at nagbibihis. Kakahubad ko pa lang ng pants ko ng bigla siyang pumasok. Hindi naman kasi ako na lock ng pinto so yun agad agad itong nagdrama pagka bukas niya.

'' ALAM MO IKA --- BAKIT NAKA PANTY KA LANG!!!!!! ''  gagalitan niya siguro ako pero nagbago ang isip ng nakita niyang wala akong suot sa baba kung hindi panty.

'' Oh bakit? alangan naman, magbibihis kaya ako, ikaw ang basta basta pumapasok dyan eh '' sarkastiko kong tugon, nakatalikod ito sa akin.

'' hindi ka kasi na lock!!! ''

'' so??? tayo lang naman nandito, and what's wrong with me wearing my undergarment?? ''

'' w..wala, basta magbihis ka na nga!!! '' umalis na ito.

tse problema ba niya? naghuhubad pa nga ako minsan eh...kaloka ang pangit na ito.

- ANA -

Ready na akong pagsabihan na naman si danika sa wala na namang katuturang kasungitan at ka bratinela-han nito pero mukhang ako ang hindi ready ng makita ko siya in her underwear.

Sa bilis ng mata ko na hanapin ang naiiba napatingin ako kaagad sa baba niya. Nag init agad ang katawan ko, ang kinis kasi at ang slim ng legs nito not to mention na ang puti niya talaga.

Parang wala lang sa kanya ang pagsusuot nito sa harap ng ibang tao, so liberated ba siya? oo siguro dahil madalas ganun ang anak mayaman. Ako kasi conservative pa kahit naman may pagkabastos akong kausap kay riley lang naman yun, sa iba hindi.

Even me and sam hindi pa kami nag gaganun, si danika kaya at yung boyfriend niya? ginagawa kaya nila yun madalas? alam ko kasi na nag aanek na sila sa tagal ba naman nilang magkarelasyon malamang sa malamang nagganun na sila. Pero bakit parang nakakaramdam ako ng selos? o selos ba ito? siguro naman hindi dahil hindi naman ako into girls.

Pero bakit maisip ko pa lang na nakikipag halikan at mag ano sila ni gerald parang gusto kong masuka??

Normal ba ito? sana nandito si riley para masagot niya mga tanong ko, pero huwag na pala at baka tumawa yun sa akin lalo na kapag nalaman niyang nagkakaganito ako dahil kay danika na mortal kong kaaway noon pa.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now