G.S.P.

569 2 3
                                    

( Requested by: Xhell01
P.S.
Hello, good day. Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with school and exams, kaya hindi ko na napagfo-focusan yung pagsusulat ng mga tula. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~~~~~
"G.S.P."
By: OtakuZone

Aaminin ko, wala akong ideya tungkol sa tema ng tulang ito.
Dahil hindi ako sumali sa mga programang tulad nito.
Subalit, hindi iyon magiging hadlang upang tanggihan ko ang hiling mo.
Nandyan naman si Google para sagutin ang mga tanong ko.

Bilang panimula, nais kong bigyang linaw ang mga nakasulat dito.
Lahat ay naka-base sa mga nasaliksik ko.
Humihingi ako ng paumanhin kung may mga detalye na hindi sakto.
Ang hinahangad ko lamang ay makagawa ng tula tungkol sa temang ito.

Marahil may ideya na ang lahat tungkol sa samahang tinutukoy ko.
Halos lahat ng mga kababaihan ay nakasali na dito at naging miyembro.
Ito ang samahan na iisa lamang ang layunin.
At iyon ay ang maihanda ang bawat batang babae sa mga responsibilidad na haharapin namin.

Sa tahanan, sa kumonidad, o di kaya'y sa buong mundo.
Layunin nitong gabayan ang bawat kababaihan upang kami'y matuto.
Tulad ng mga kalalakihan, may mga kailangan din kaming gampanan.
Dapat lamang na maging responsableng mamamayan, huwag natin gamiting dahilan ang kasarian.

Taong 1918, nang ang samahang ito'y itinatag ng mga Amerikanong misyonaryo.
Naipa-ilalim ng pamamahala ng Estados Unidos dahil dito ito naka-rehistro.
Dito sa Pilipinas, pinangunahan ito nina Ginoong Lim at Binibining Escoda.
Sa taong 1940 at sa tulong nila, ng B.S.P. at iba pang organisasyon, nagkaroon din nito sa ating bansa.

Ito ang samahang G.S.P. , o ang tinatawag na Girl Scouts ng ating bansa.
Nahahati ito sa lima at may mga angkop na edad ang bawat isa.
Ang Twinkler, Star, at Junior Scouts ay para lamang sa mga kinder at elementarya.
Samantala ang Senior at Cadet Girl Scouts ay para naman sa mga highschool na at mga kolehiyala.

Maraming batas na nakapailalim sa samahang ito.
Mga ordenansa na dapat sundin at isagawa ng bawat miyembro.
Hindi man mabigat, kailangan pa rin itong panghawakan.
Dahil iyon ang magiging basehan upang maging responsableng miyembro at mamamayan.

Hindi man ako naging miyembro, masasabi kong kahanga-hanga ang layunin ng samahang ito.
Dahil mula sa murang edad, natututo na ang mga bata at namumulat na sa mundo.
Hinihiling ko lamang na sana'y hindi mabaon sa limot ang mga natutunan niyo kahit pa hindi na kayo miyembro.
Sapagkat ang mga bagay na natutunan dito'y hindi lamang isinasaisip, sa halip ay dapat din itong isapuso.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon