Six

377 25 0
                                    

Park Jimin

"Hindi ba masyadong madami tong pag kain?" tanong ni Taehyung sakin.

"Kulang pa nga to eh" sagot ko sa kanya.

Tinatanong ni Taehyung yung tungkol sa pag kain na dala namin. Kina Suga kasi kami tutulog dahil may magaganap na group study sa kanila.

Kahit mas higher level silang apat samin sasama kami sa kanila para mang gulo pero mag aaral din kami syempre.

"Teka nga lang naisip ko bigla si Meir. Diba ang kasama niya sa bahay ay sina Namjoon?" napatango ako sa bilang sagot sa tanong niya.

"Kung kasama sila sa group study natin sinong kasama niya sa bahay?" tanong niya ulit.

"Hindi mo ba narinig kanina na iniimbitahan ni Meir si Sophia? Edi malamang sila yung mag kasama ngayon" narinig ko kasi sila kanina na nag uusap bago mag recess.

Monday ngayon. Wala. Share ko lang.

"Teka sino ka ba kasi?!"

"Sabing layo! Wag mo siyang hawakan!"

Napa hinto ako sa pag lalakad ng may marinig akong pamilyar na boses. Pati nga si Taehyung napa hinto din eh.

"Layuan mo nga siya!"

Iisa lang yung boses na naririnig ko, namin, pero mukhang may prinoprotektahan siya? Ganon.

"Ito sayo. Hmm! Ayan pa!"

Parang si...

"Si Sophia ba yun?" tanong ni Taehyung.

"Wag mo rin akong hawakan! Tu-" naputol yung sinasabi niya pero halatang nasigaw pa rin siya kahit may taklob yung bibig niya.

May taklob yung bibig niya?

"I think nasa panganib siya" hinanap ng mata namin kung saan nanggagaling yung ingay na yun hanggang sa makita ko sa kabilang kalsada ng subdivision si Sophia.

May tao na tinatakpan ng mahigpit yung bibig niya. At may tao din na naka handusay sa kalsada.

She looks familiar!

"Nahanap ko na. Tara" saad ko kay Taehyung at naunang tumakbo papunta sa pwesto nina Sophia.

Malapit na kami sa pwesto nila ng bigla niyang binitawan si Sophia sa kalsada. Lumapit naman siya sa isang babae na naka handusay, na sa tingin ko ay si Meir.

Naka rating na kami don ng tangka na niyang buhatin si Meir.

"Hoy!" tawag ko sa kanya.

Pero bago siya maka lingon ng ayos sakin binitawan ko muna yung hawak kong pag kain tyaka siya sinalubong ng suntok ko.

Ganon ko siya binati ng hi.

Natumba naman siya sa sahig kaya kwinelyohan ko siya.

"Jimin hinay hinay ka muna!" sigaw ni Taehyung pero hindi ko siya pinansin.

"Sinong nag utos sayo nito?" inis na inis na saad ko.

"Y-yung boss po" takot na takot na sagot niya.

"Sinong boss?!"

"Jimin tama na yan" hindi niya ako sinagot kaya inis ko siyang binitawan.

Nag madali naman siyang tumayo at tumakbo palayo.

"Ano tatalikod ka na lang? Hindi mo ko tutulungan?" napa lingon ako kay Taehyung na hindi na niya maintindihan kung pano niya bubuhatin si Sophia kaya napa tingin din ako kay Meir na naka handusay sa sahig kaya agad ko siyang nilapitan.

Bakit ganto siya?

"Bakit nag dudugo ilong niya?" totoo naman kasi inano kaya siya?

"Eh?" tanong ni Taehyung at nilapitan kami


"Oh oh. Kita mo na? Dalhin na muna natin sila kina Suga" napa tango siya sa sinabi ko.

Binalikan ko yung iniwan kong pag kain kanina at tinago na muna sa bag ni Meir.

"Makiki lagay lang po"

Tinanggal ko yung bag na bitbit niya at nilagay yun sa likod ko. Nilagay ko naman yung kaliwang braso ko sa may batok niya at yung isa sa may ilalim ng hita niya bago ako tumayo ng tuluyan.

Nang maka tayo na ako dun ko lang napansin na naka tayo na rin pala si Taehyung.

On the way na kami papunta sa bahay nina Suga. At habang nag lalakad kami madaming tanong ang napasok sa utak ko. Gaya ng.

Bakit may gustong kumuha kay Meir? Bakit mukhang si Meir lang talaga ang pakay ng lalaki? Paano siya naka pasok dito sa subdivision namin? At sino yung boss na tinutukoy niya?

"Oy pre lagpas ka na" napa lingon ako sa likod at nakita ko siya na nasa tapat na ng bahay ni Suga at ako nga yung lagpas.

Dahil sa hindi naman namin makakatok yung pinto mahina na lang namin sinipa yun. Maya maya naman binuksan yun at unang sumalubong samin si Jin.

"Omy! Anong nangyari sa kapatid ko?!" binigyan niya kami ng daan para maka pasok kami sa loob.

Binigyan nila kami ng pwesto sa may sala kaya don namin sila nilapag.

"Anong nangyari sa kanila?!" natatarantang tanong ni Jin.

"May lalaki na nag tatangka na kunin si Meir kanina" sagot ni Taehyung sa kanya.

"Pano niyo nasabi na si Meir ang kukunin nila at hindi si Sophia?" tanong naman ni Jhope.

"Nakita ko kasi na pinipilit niyang kunin si Meir pero dahil kay Sophia nahirapan siya. Kaya tinakpan niya muna yung bibig niya hanggang sa hindi na siya naka hinga ng ayos. Nang maging okay na kukunin niya talaga si Meir" mahabang paliwanag ko.

"Pero sino naman yung hayop na gusto siyang kunin?" inis na tanong ni Namjoon.

"At anong gusto niya o nila sa kanya?" tanong din ni Jungkook.

"Dapat pala mas mababantayan ng ayos si Meir. Hindi lang pala si Meir. Lahat ng babae na mag ugnay satin" napa tango kaming lahat bilang sangayon sa sinabi ni Suga.

*knock* *knock*

Napa tingin kaming lahat sa may pinto ng biglang may kumatok. At katulad ng katok nung isang araw.

"Ako na" pag prisinta ni Namjoon.

Pag kabukas niya walang tao ang sumalubong sa kanya. Kundi may sulat ulit katulad ng nangyari samin nung isang araw. Kinuha niya ito at pumasok. Nilock naman niya yung pinto.

"Sino ba ang nag papadala nan?" tanong ni Suga.

Binuksan niya ito at malakas na binasa.

"I just want my girl back" pag babasa niya.

Girl? Sino?

"Hindi kaya si Meir ang tinutukoy niya?" tanong ni Shyl.

Kasama pala niya yung bf niyang si Jungkook.

"Bakit parang galing lang siya sa iisang tao?" tanong ni Jhope.

"Galing talaga siya sa iisang tao" sagot ni Suga.

Nung isang araw ang naka sulat sa sulat ay: "I'm back. Get ready"

Ngayon yung sa babae? Kung si Meir nga talaga yung babae bakit?

Pero may kutob ako kung sino to.

AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon