CHAPTER SEVEN

86.6K 1.1K 62
                                    

"Oh ano? Bat ayaw mo pang kumain? Marunong na rin naman ako gumamit ng tinidor ah." Tanong ni Summer kay Clyde. Paano ba naman kasi, kanina pa hindi ginagalaw ni Clyde yung mga pagkain na in-order niya.

At oo, marunong na ngang gumamit ng kutsara't tinidor si Summer, buti nalang at fast-learner siya, at magaling ang teacher niya (or baka madali lang talagang matutunan ang paggamit nito?)

"Pabayaan mo ako," pasusungit nito. Aba! Edi sige! Yan pala gusto mo ha. Sabi ni Summer sa kanyang isipan.

Dahil dyan, ipinagpatuloy nalang ni Summer ang paglamon niya sa kanyang spaghetti—ang kanyang makabuluhang spaghetti. Ang spaghetti na nagdulot sa kanya ng kahihiyan, kasiyahan, at kabusugan.

At dahil sa sunod-sunod na paglalamon ni Summer, nakaramdam siya ng pagsisikip sa dibdib at pagkain na hindi niya mailunok. Nabubulunan siya!

"CLYDE! NUMBER DALI!!! NABUBULUNAN AKO!!!" sabi ni Summer.

"Ha? Tubig muna kaya?"

"ANO BA!!! NUMBER NGA KASI!!! DALIAN MO!!"

"Ah—eh...ELEVEN!!"

"BILANGIN MO YUN DALI!!" Pagkasabi niya nun, saka lang siya kumuha ng tubig para uminom. At habang umiinom naman si Summer, nagbibilang si Clyde.

"E, F, G, H...." Bulong niya. Umiinom pa rin siya, ngayon niya lang na-realize na masarap pala ang tubig!

"LETTER K!" Sigaw ni Clyde.

Letter K? Isa lang ang pumasok sa isip ni Summer ngayon—si Kier! Ang fafa Kier niya na poging pogi at gentleman at sweet pa! Destiniy na ba ituu?

At dahil sa sobrang gulat ni Summer sa kanyang nalaman, nabugahan niya ng tubig si Clyde na nasa harapan niya lamang. Sa sobrang galit naman ni Clyde, kulang nalang ay magkaroon siya ng usok sa kanyang mga ilong at tenga.

"Kung bakit ka pa kasi ipinanganak sa mundong ibabaw, Summer." bulong niya na halatang galit na.

****

"Kakainin mo pa ba yan?" Tanong ni Summer habang naka-nguso pa sa pagkain ni Clyde.

"Di mo man lang ba itatanong kung bakit hindi ko yan kinakain?" pagd-drama naman nito.

Inirapan nalang siya ni Summer. "Sir, bakit po ayaw mo po kainin yung pagkain mo po?"

Tumingin lang sa kanya si Clyde, at na-inlove naman si Summer sa kanyang kagwapuhan.

"Si Lian." Sagot nito.

"Oh? Anong meron dun?" Tanong ni Summer.

Alam naman ni Summer na meron talagang past sina Lian at Clyde eh, ayaw niya lang sabihin at nagpapa-inosente lang. Hindi naman sa chismosa siya, pero halatang-halata kasi eh.

"Ito yung madalas naming puntahan. At ito rin ang madalas naming ino-order." Malungkot na kwento ni Clyde.

This time, naglakas-loob na talagang magtanong si Summer tungkol sa kanilang dalawa at sa kung anong namamagitan sa kanila. "N-naging kayo ba?"

"Sort of." Diretsong sagot naman ng binata.

"Mag-kwento ka naman!"

Pumikit si Clyde at huminga ng malalim habang si Summer naman ay naghihintay sa kanyang ik-kwento.

"Since grade three kasi, bestfriends na kami ni Lian eh. Palagi kaming magkasama kasi magkasundo rin ang parents namin. Pero kasi naman diba, opposite gender kami kaya hindi maiiwasang mag-fall ang isa sa amin. At ako yun."

Tahimik lang na nakikinig si Summer sa kanya.

"Second year highschool, umamin ako sa kanya. Pagkatapos ng ilang linggo, niligawan ko na nga siya. Sigurado akong mahal ko siya eh. Tapos yun, naging kami."

Maganda talaga si Lian at mabait pa. Kaya naman impossibleng hindi siya magugustuhan ni Clyde.

"Masaya kami. Sweet. Pati nga ang mga schoolmates namin, naiinggit. Holding-hands dito, holding-hands doon. Yakap dito, yakap doon. Sa kiss? Hanggang cheeks lang. Bata pa kasi kami masyado eh. Basta! Masayang-masaya kami nun. At ang relasyon namin ay tumagal ng mahigit isang taon. Hanggang nung mag-Fourth Year kami....graduating."

Nagbago ang facial expressions ni Clyde kaya naman nag-iba rin ang naramdaman ni Summer.

"Nakipag-usap siya sa akin at sinabing may iba na siyang mahal. Na hanggang bestfriends lang talaga kami. Sa kalagitnaan ng pagsasama namin, binitawan niya ako."

Napatingin bigla si Summer kay Clyde nang malaman niyang si Lian pala ang umayaw. Si Lian pala ang nagmahal ng iba. Si Lian pala ang nangiwan.

"Tapos yun. We've decided na bestfriends na lang kami." Pinipilit ni Clyde na ngumiti pero halatang halata na nasasaktan pa rin siya.

"Kumusta ka naman 'nun?"

"Yun na nga eh. Kitang-kita ko sa mga mata niya na moved-on na siya. Tapos ako...eto. Siya pa rin ang mahal. Buti nga eh naging close ulit kami at kaya kong mag-act na parang okay na ako. Pero sa totoo lang...inlove na inlove pa rin ako sa kanya." Kwento nito. Tinignan ni Summer ang mga mata niya...malungkot ito.

"Hindi ko nga alam kung saan ako nagkulang at bigla niya na lang akong inayawan." naguguluhang sabi ni Clyde.

"Ikain mo na lang yan," Alok ni Summer. Totoo naman eh! Kapag may problema ka, kumain ka lang!

"Ibang klase ka talaga. Nagda-drama na nga ako dito, pagkain pa rin nasa isip mo."

"Alam mo ba kasi, sa probinsya, walang ganito kasasarap na pagkain. Kaya nga sinusulit ko na eh!"

Hindi sinusulit ni Summer ang mga pagkain. Ang totoo niyan, gusto niya lang talaga na ma-distract si Clyde para hindi na siya malungkot. Hindi kasi siya sanay na nakikita ang boss niyang masungit, mayabang, at gwapo, na nagiging problemado dahil lang sa isang babae.

Pinilit pang ilito ni Summer ang kanyang boss gamit ang iba't-ibang topics. Katulad nalang ng school na papasukan ni Summer. Napag-usapan nila ang magandang university na kung saan ay pwede ang probinsyanang 'yun. Simple lang naman ang gusto ni Summer eh, ang makasama si Kier. Hehe, ang landi noh? Kaya naman napagdesisyunan nilang dalawa na pumasok sa iisang paaralan dahil sa taglay na kalanjotan ng ating probinsyana.

"Summer," tawag ni Clyde. "Alam kong madaldal ka kaya wag mong ipagsasabi yung mga pinag-usapan natin kanina ha?"

"Oo na, oo na!"

Madali lang naman siyang paki-usapan eh. Kapag sinabing wag siyang maglilikot, mas lalo siyang maglilikot. Kapag naman sinabing wag siyang maingay, mas lalo siyang mag-iingay. Mabait siya eh.


***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon