Chapter 27

27.4K 688 18
                                    

"Congratulation apo dahil sa wakas nahanap mo na ang babaeng para sa iyo" Wika ni Lola sa akin. Buti hindi nagalit kay Felicity ng malaman na hindi naman magkasintahan sila ni Stefano.

"Thank you, La." Pasasalamat ko hinakan ko ang kanyang noo.

"Granny. " Lumapit ang asawa ko kay Lola at yumakap sa kanya.

"Hija, dapat kapag nakabalik na kayo galing sa honeymoon, siguraduhin niyong may apo na ako. Time is gold!" Natawa kami sa sinabi ni Lola.

"La, huwag kang mag-alala. Hinasa ko na ang sandata ko kaya surebol na makakabuo kami baka triplets pa! Gagalingan ko ang performance ko!" Pagmamayabang ko kay Lola na ikinatawa naman ni Lola. Samantalang si City ay namumula na ang mukha. Kinindatan ko siya ngunit lumabi lang sa akin.

"Oh, sige nandiyan na ang gagamitin niyong sasakyan. Mag-ingat kayo mga apo" Humalik na si Lola sa amin ni City. Nakapagpaalam na din kami kila Mommy at sa mga biyenan ko pati na sa mga barako kong pinsan.

"Babe, ready ka na ba sa giyera natin mamaya?" Tinaas baba ang kilay ko.

"Ano naman paghahandaan ko? Maghuhubad lang naman ako tapos ano.... Basta iyon na!" Natatawa ako sa reaksyon niya dahil hindi niya itinuloy. Ako na ang nagdrive papuntang lugar kung saan kami maghahoneymoon. Excited na ako sa gilingan portion namin ni City.

Hindi pa kami nakalalayo nang mapansin ko ang isang sasakyan na sumusunod sa amin. Kinutuban ako sa sasakyan na iyon. Malakas ang instinct ko palaging tama iyon. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang pinsan kong si Alexandro ang pulis na matulis at ang lalaking walang pahinga. Ring ng lang ring ang phone ng pinsan ko. Ano na naman ang ginagawa ng tarantadong iyon!

"Goddamnit, Alexandro, kanina pa ako tawag ng tawag! I need backup right now! Track this number ASAP! May sumusunod sa aming mga sasakyan. Tatlong sasakyan. Goddamnit!" Napamura ako ng binangga ang gilid ng sasakyan namin ni City.

"Tangina naman, bro, malapit na ako sa climax! " reklamo niya sa akin. May ginagawa na namang milagro ang tarantado.

"Baka gusto mong ilagay ko na ang buhay mo sa pinaka climax! I need your men! Right now!" Sigaw ko sa kanya. " Stay on the line!" Utos ko sa kanya.

"Oh my god! Kael, ano na naman ito!! Diyos ko bakit ba ako nagpakasal sa iyo lagi na lang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko!" Takot na takot si Felicity.

"Yumuko ka muna babe akong bahala sa iyo. Here hold this." Ibinigay ko sa kanya ang baril na nasa dashboard ko.

"Anong gagawin ko diyan!?! " Takot na takot ito habang nanlalaki ang matang nakahawak sa baril. Bigla niya itong itinutok sa akin. Jesus!

"Goddamnit! Huwag mong itutok sa akin iyan! Just hold it, kapag may taong lalapit at magtatangkang kunin ka shoot them!" Bilin ko sa kanya tumango naman siya sa sinabi ko.

"Hold on!" Pinabilis ko ang pagpapatakbo para makalagpas sa humahabol sa aming mga sasakyan. Sino na naman itong mga asungot na ito. Kung kailan honeymoon ko tsaka naman sila nang-iistorbo! Shit! Magkabilaan na ang bumabangga sa sasakyan namin ni City. Hindi na magkamayaw sa kakasigaw ang asawa ko. Chineck ko kung may sumusunod sa likod ko. Nang makita ko na wala naman dahil nasa harapan ko na ang isa pang kotse. Walang sasakyan sa kalsada maliban sa amin.

"Hold on, babe. Magprepreno lang ako!" Nakita kong nanginginig na sa takot.

Bigla akong nagpreno. Kaya ang mga sumusunod sa amin ay hindi napaghandaan ang ginawa ko. Kinuha ko ang pagkakataon upang makatakas kami. I grab my phone and hold her hand. Nagmadali kaming bumaba ng kotse.

"Hurry up, babe, baka maabutan nila tayo." Dahil nga naka-dress at nakatakong pa ang asawa ko. Inalis ko ang sapatos niya at itinapon sa kung saan. Sagabal lang kasi iyon tangina lang! Pinangko ko na ang asawa ko para makatakbo ako ng maigi. Pumasok kami sa kasukalan. Hindi ko alam kung nasaang lugar kami. May nakita akong makapal na damuhan at mga puno, doon kami nagtago ni City. Ibinaba ko siya. Nakakapit si City sa akin ng mahigpit habang nakatakip ang kamay nito sa bibig habang impit na umiiyak.

" Hush now babe. Walang masamang mangyayari sa atin. Nandito lang ako." I kiss her forehead. Tumango tango lang ang asawa ko. Pero bakas pa din ang takot sa mga mata niya. Nakarinig kami ng mga yabag ng paa. Kaya naging alerto ako. Buti nakasilent ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Alexandro. Sinagot ko pero hindi ako nagsalita. Inilagay ko lang iyon sa bulsa ko. Para lang matrack nila ang kinalalagyan namin. Dumapa kami ni City nang may naaninag kaming mga flashlight. Sinenyasan ko si City na tumahimik. Hinanda ko ang baril ko kung sakaling may lumapit sa amin. Nang matiyak ko na malayo na sila. Tiningan ko kung nasa linya pa si Alexandro.

"Hello, bro where the hell you are now?! I need your men right now!" Singhal ko dito pero pabulong lang.

"Nasa area na kami bro tangina naman kasi!" Naiinis ang pinsan dahil nabitin sa ginagawa nitong milagro. " 12 o'clock bro " Wika nito.

"Babe, tahakin mo ang daan na 'yan, okay. May malapit na mga pulis doon. Remember kapag may lumapit sa iyo na hindi mga pulis. Shoot them okay?!" Bilin ko sa asawa ko.

"Bakit ako lang. Sumama ka na sa akin. Please?" Pakiusap nito sa akin. Hinila niya ang kamay ko.

"Kailangan kong iclear ang lugar. Para mas safe tayong makakaalis dito." yumakap ito sa akin at hinalikan ko ito sa labi niya.

"Mag-ingat ka okay?" bilin nito sa akin.

"I will, babe. Para sa honeymoon natin." sabay ngiti ko. Napanguso ito sa biro ko. Nang masiguro ko ng nakalayo na si City. Sinundan ko ang daan kung saan nagpunta ang mga sumusunod sa amin.

Nakita ako ng isang lalaki at pinaputukan niya ako. Nagtago ako sa isang puno. Sinilip ko ang lalaki at inasinta ko ang paa nito. Sapol ang paa. Napaluhod ang lalaki kaya sinugod ko ito. Binigyan ko ito ng sipa sa mukha. Nawalan ito ng malay.

Naglakad pa ako ng nasalubong ko pa ang iba pang mga lalaki. Pinapatukan ko ang mga ito. Inasinta ko ang mga paa nila para hindi na makatakas pa.

"Shit! Goddamnit!" nawalan ako ng bala. Tinawagan ko ang pinsan kong si Alexandro.

"What the fuck where the hell is you!" Galit na sabi ko.

"Malapit kami sa kinalalagyan mo." Nakarinig ako ng mga putok kaya tinapos ko na ang tawag.

HINDI ako makapaniwala. Akala ko nasa kanila na si Felicity.

"What the fuck Alexandro! Akala ko nakita niyo si City. Pinapunta ko siya kung saan ang mga kasama mo!" Galit na galit ako dahil hindi namin matagpuan ang asawa ko! Ang akala ko nasa safe na siya iyon pala nasa panganib na naman ang asawa ko.

Napahilamos ako ng mukha. Umaasa akong nasa mabuting kamay ang asawa ko. Sana naligaw lang siya at may nakakuha sa kanya na may mabuting kalooban. Hindi ko mapapatawad ang sino man oras na saktan ang asawa ko! I will kill them all!

 Hindi ko mapapatawad ang sino man oras na saktan ang asawa ko! I will kill them all!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon