Chapter 28

27.3K 718 19
                                    

'BUTI na lang nakatakas ako sa mga lalaking kumuha sa akin. Akala ko mga pulis. Buti nagamit ko ang baril na binigay sa akin ni Kael. Hindi ko nga alam gamitin basta itinutok ko sa lalaki hindi ko naman natamaan. Pero nagtatakbo ang walanghiya. Buti dumating ang savior kong pogi. Kung hindi baka pinaglalamayan na ako.

Kaso nainjured ang isa kong paa. Dahil sa kakatakbo napatid ang paa ko sa naka-usling ugat ng puno. Kaya hindi ako makalakad ngayon. Binuhat pa nga ako ng savior kong napakapogi at macho.

Walanghiyang Kael malibog na iyon, sabi niya siya bahala sa akin! Nasaan na siya ngayon! Buwisit na iyon humanda sa akin kapag nakauwi ako! Walang honeymoon na magaganap!

Nasaan na ba akong parte ng Pilipinas. Mindanao na ba ito? Ang OA huh. Nasa Batangas kaya tayo. Sabi ng isip ko.

Pumasok ang lalaking tumulong sa akin. Infairness ang pogi niya at ang macho. Siguro nasa 35 na ito. Tsaka mayaman yata ang lalaki. Malawak ang lupain na kinatitirikan ng bahay niya. Parang hacienda ang lugar.

"Here's the clothes. I borrowed it from my wife." Sabi nito. Nginitian ko siya. My gosh, may asawa na pala siya, akala ko puwede pa.  Nakalimutan ko may asawa na rin pala ako. 

" Thank you so much for helping me. I owe you my life. By the way, I'm Felicity Dela Costa." Sabi ko. Nakipagkamay sa akin ang lalaki.

"I'm Clifford Mondragon." Pakilala nito sa akin. Napatingin ako sa pumasok na babae. Siguro magka-age lang kami. Lumapit si Clifford at hinapit sa baywang at saka hinagkan sa noo ang babae. So siya pala ang asawa ni Clifford.

"By the way she is my wife Natalie Mondragon" Pakilala sa asawa. Ganda niya para siyang artista.

"I hope magkasya ang damit ko." Sabi nito.

"Salamat. Kasya naman siguro itong damit mo. Magkapareho lang tayo ng katawan." Kiming sabi ko.

"Tinawagan na namin ang doktor para matingnan ang mga paa mo. Masakit pa ba?" Tanong ni Natalie.

"Medyo masakit pa lalo kapag ginagalaw ko." Feeling ko may nabaling buto sa bukong-bukong ko.

" Do you have a number of your relatives? Baka nag-aalala na sila sa iyo. Here, use my phone you can call them" Sabi ni Mr. Cliff Mondragon.

Napaisip ako siguro kailangan bigyan ng leksyon ang asawa ko. Naiinis ako sa kanya. Kasalanan niya kung bakit nangyari sa akin ito. Nandito ako ngayon hindi makalakad. Sabi niya siya ang bahala sa akin. Pero nasaan na ang pangako niya? Nangilid ang luha ko.

Umiling ako ng iniabot niya sa akin ang phone niya. 

" Sana po wala munang makaalam na narito ako sa inyo Mr. Mondragon. Gusto ko munang lumayo muna sa kanila. Baka mas lalong manganib ang buhay nila kapag umuwi ako kaagad. " Pinahid ang luha ko na pumatak sa pisngi ko.

Naikwento ko kay Mr. Cliff na may humabol sa aming armadong mga lalaki. Nasabi ko na sundalo ang asawa ko at bagong kasal lang kami. Papunta na sana kami sa lugar kung saan ang honeymoon namin. At ito nga ang nangyari.

"Mas mabuti kung tawagan mo sila. Baka nag-aalala na sila lalo na ang asawa mo." Sabi ni Natalie.

"Tatawagan ko na lang ang bestfriend ko. Para sabihin okay lang ako. Puwede po bang dito muna ako mag-stay?" Tanong ko sa kanilang mag-asawa. Kakapalan ko na ang mukha ko. Wala na akong mapupuntahang iba. Lumapit sa akin si Natalie. She hold my hand.

"Okay lang mag-stay ka muna dito. Ginagalang namin ang kagustuhan mong huwag muna ipaalam sa pamilya mo na nandito ka. " Ngumiti siya. Napaluha ako. Namiss ko na si Kael malibog. Pero kailangan kong bigyan ng leksyon ang lalaking iyon. Manigas siya! 

GUSTO kong magwala at pagdudurugin lahat ng makita kong gamit sa loob ng opisina ni Alexandro.

"Fuck! We need to find City! Ilang araw na wala pa bang lead?" Halos sigawan ko na ang pinsan ko sa sobrang frustration ko na mahanap ang asawa ko.

Halos 1 week na wala pang news  kung nasaan siya. Napahilamos ako sa mukha ko. Para tuloy wala akong silbi dahil pinabayaan ko ang asawa ko. Ilang araw na wala akong matinong kain at tulog dahil sa kaiisip sa asawa ko.

"Don't worry bro mahahanap din natin ang asawa mo. Puwede bang kumalma ka muna." Iyon na lang ba palagi ang litanya niya sa akin kumalma ako?! Papaano ako kakalma. Tangina naman buhay ito! " Isang linggo ka ng parang papatay ng tao. Kung nakuha si City ng mga taong humahabol sa iyo sana tumawag na sila. Alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat. Walang iba kung hindi ang ex mong maganda." Sabi ng pinsan ko na parang nang-iinis pa. Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanya.

Kapag nakita ko lang ang babaeng iyon. Patawarin ako ng diyos papatayin ko siya! I'll wring her neck hanggang hindi na siya makahinga oras na may nangyaring masama sa asawa ko!

"Sasama ako sa operation niyo. Magbabayad ang babaeng iyon!" Sabi ko.

"Bro, hindi puwede. Alam mo naman ang protocol. Kailangan pa nating humingi ng permit sa commander niyo at remember you're on a vacation. Kaya mas lalong hindi puwede." Tinapik niya ang balikat ko.

Wala na akong magagawa sa ngayon kung hindi maghintay. Pero ibahin nila ako. Gagawa ako ng sarili kong diskarte. I am a soldier sumusugod sa giyera kahit buhay ko pa ang kapalit. Babalik ako sa pinangyarihan. Titingnan ko kung anong lugar na malapit na puwedeng puntahan ni City.

NAGPASYA na akong tawagan si bakla. Pinalipas ko muna ang isang linggo noong una tatawagan ko sana si bakla hindi ko na muna tinuloy.

"Oh, my god baks! Nasaan ka na! Mukha kaming tanga kakahanap sa iyo. Iyong si Kuya Kael nababaliw na sa pag-aalala sa iyo gaga ka! Mukha ng mamamatay tao!" sigaw ni fanot sa akin.

Napanguso ako kasi ng marinig ko ang pangalan ng asawa ko dumagundong ang puso ko.

"Okay lang ako fanot may taong kumupkop sa akin. Mababait sila at inalagaan nila ako. Nainjured ang paa ko kaya medyo pilay akong maglakad. Pero ayos naman na ako. Please baks huwag mo sabihin sa kanila na nakausap mo ako." Pagsusumamo ko sa kaniya.

"Ano baks?!" Bingi ba ito? Ang linaw ng pagkakasabi ko ah? Parang may narinig akong bumagsak na bagay sa background.

"Hoy! Fanot, ano'ng ginagawa mo?" Natahimik saglit. Tiningnan ko ang phone ko pero nasa line pa rin naman si bakla. "Bakla!" Sigaw ko sa kanya.

"Oh my god! Shit!" Hala anong nangyayari kay bakla. Kinagat na ba ito ng ahas. Oh, ibang ahas ang kumakain 

" Baks hello! Anyone there? Knock! knock! Are you there?! Yuhuuuuu!" Narinig ko ang malalim na paghinga niya. Napairap ako sa hangin. Siguro nanalakay na naman ang babaeng sawa walang iba kung hindi si Alonah.

"Baks , sorry may ano kasi.. Shhhh" Pinapatahimik ni fanot ang babaeng sawa. Napakunot noo ako ng may naulinigan akong babae na umuungol.

"Hoy, bakla, kayong dalawa tigilan niyo nga muna maglandian! Mga buwisit kayo!" Naiinis na sabi ko. Talagang tinaon pa na kausap ako! Nakakaloka! Alam na nilang tigang ang mayora niyo.

"Sasabihin ko sa kanila na okay ka. Just tell me saang lugar ka puwede nila masun.." Hindi na naituloy ni bakla ang sasabihin ng putulin ko ito.

"Hoy, bakla huwag na huwag mong sasabihin kung hindi magkakaalaman na ng sikreto. Oh, ano sasabihin mo pa!" Pagbabanta kong sabi sa kanya.

"Sabi ko nga di ba? Narinig mo naman na hindi ko sasabihin."

"Good boy!" Napangiti ako.

"Ano'ng good boy?! Girl! Good girl!" Sigaw nito. " Tangina, Alonah, stop it! Kanina mo pa nilalapirot ang ano ko! " sigaw na sabi ni fanot. 

Hala ang laswa ng mga buwisit. Inendcall ko na baka may marinig pa akong kakaiba. My god hindi ko keri. Naupo ako sa upuan habang nakatingin sa malawak na lupain ng Mondragon.

Naalala ko ang asawa ko. Alam kong nababaliw na iyon sa kakahanap sa akin. Kahit nami-miss ko na siya, pero kailangan ko talaga muna huwag magpakita sa kanya. Palaging nasa panganib ang buhay namin sa tuwing magkasama kami.

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon