Rich, Hard

11 1 0
                                    

Hindi ko inaasahan na sayo'y mahuhulog
Sa iyong mga tingin nagsimulang mahubog
Ang nadaramang nagpapabilis ng aking puso
Kahit alam kong ang larong 'to ay napakatuso

Ika'y kasama siya at ang binubuo niyong pamilya
Ako'y kapiling siya sa relasyon na hindi ko alam kung masaya
Alam kong ako lang ang may gusto
Pero patuloy na umaasa ng husto

Na baka sakaling mayroon kahit papaano
Sa mga pambobola mong sana may totoo
Sa mga tinginan mo na nagpapakabog ng aking puso
Kahit una pa lang, alam kong ito'y biro

Hindi na pwede, mali at bawal
Mga katagang aking binitawan
Na aking lubos na pinagsisisihan
Dahil ngayo'y hindi na tayo nagpapansinan

Pwede bang bumalik tayo sa dati
Kung saan may koneksyon pa tayo
Na tila'y tayo ang para sa isa't isa?
Kasabay ng mga panunukso nila?

Pwede bang kahit hanggang hapon kunwari'y akin ka?
Na parang masaya tayong dalawa?
Na sakin ika'y may pagpapahalaga
At pag uwian ay kanya-kanya na?

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now