Huwag Na

260 3 0
                                    

(Requested by: Joan_Rachel07
P.S. Sorry kung ngayon lang nagawa at na-publish ito. Busy kasi sa mga gawain sa school kaya di na rin ako masyadong nakapag-focus sa paggawa ng panibagong piyesa. I hope you'll like it at sorry ulit kung natagalan. Feel free to correct me if ever na may maling detalye sa tulang ito. Salamat.)

~~~~~
"Huwag Na"
By: OtakuZone

Naranasan mo na bang umasa?

Yung tipong asang-asa ka na babalikan ka pa niya.
Yung umasa ka na magiging "Happy Ending" ang istorya niyong dalawa.
Hanggang sa sinampal sayo ng realidad na imposible talaga.
Dahil hindi naman pala ikaw ang makakatuluyan niyang prinsesa.

Tanga. Isa kang malaking tanga.
Iyan ang ipinakita at ipinaramdam niya.
Para bang sigurado siya na kahit iwanan ka niya, tatanggapin mo pa rin siya.
Tatanggapin nang paulit-ulit dahil minamahal mo siya nang sobra.

"Hindi. Hindi ka tanga."
Iyan ang sinasabi mo sa sarili mo nung muli ka niyang iniwang mag-isa.
Pilit mong itinatatak sa iyong isipan na nagkamali ka kaya binitawan ka niya.
Kahit alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat para lang manatili siya.

Masakit, hindi ba?

Masakit dahil umasa kang babalik siya.
Masakit dahil alam mo na kahit bumalik siya, iiwanan ka pa rin niya.
Masakit dahil akala mo sapat ka na para sa kanya.
Ginawa at ibinigay mo na ang lahat pero kulang pa pala.

Minsan na kong umasa na babalik ka.
Umasa ako na baka pwede pa.
Mahal kasi kita kaya nagawa kong umasa.
Hanggang sa napatunayan kong nakakapagod pala maghintay sa wala.

Nakakapagod palang masaktan.
Nakakapagod palang mawalan.
Nakakapagod palang maiwanan.
Nakakapagod palang maging talunan.

Palagi nalang ganito, wala na bang bago?
Palagi mo nalang binabasag ang aking puso.
Oo, napasaya mo ako noong mayroon pang, "tayo".
Pinasaya mo ko ng husto subalit iniwanan mo din ako banda dulo.

At ngayon, bumabalik ka.
Ang sabi mo, mananatili ka na.
Sabi mo, hindi mo na ko iiwanang mag-isa.
Mahal mo pa ko kaya nais mong ibalik ang samahan natin na nawala.

Ang sarap pakinggan ng mga salitang iyan.
Aaminin ko, gusto ko rin sanang paniwalaan.
Pero mahal, pasensya na ngunit hindi na kita kayang pagbigyan.
Hindi ko na kayang sumugal dahil takot na kong maiwan.

Huwag na.

Huwag na nating ipilit pa.
Huwag na natin kalabanin ang tadhana.
Huwag na natin pahirapan ang ating mga puso.
Huwag na natin ituloy ang istoryang tinapos mo.

Kaya kung babalik ka pa, pakiusap huwag na.
Huwag na natin ipilit ang impossible talaga.
Tanggapin nalang natin na mas mabuti ang ganito para sa ating dalawa.
Mas mabuti na yung lumayo at maging malaya para magmahal ng iba.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon