Chapter 32

27.4K 725 28
                                    

Iyak ako ng iyak dahil hindi pa tumatawag si Kael sa akin. Tinatawagan ko ang phone niya pero out of coverage area na.

'Buti na lang walang sumunod sa amin, nakarating kami ng maayos ni Stefano sa pinakamalapit na kampo ng mga sundalo.

"Baks, kumalma ka nga, baka kasama na nila ni Kuya Alexandro si Kuya Kael." pagpapanatag sa 'kin ng bestfriend ko. Hinaplos niya ang likod ko.

"Paanong kasama, eh, kaninang tumawag ka sa Kuya mo hindi nila nakita si Kael. Baka may nangyari nang masama sa asawa ko." Mas lalong lumakas ang iyak ko. Hindi malaman ni Stefano kung ano'ng gagawin niyang pagpapatahan sa 'kin.

Hindi ko kayang mawala ang asawa ko. Ngayon pa na mag-asawa na kami saka naman dumating itong pagsubok na ganito. Juskolerd, maaga ba akong mabu-byuda? Mas lumakas pa ang atungal ko.

xxxxx

PINUNTAHAN ni Stefano ang pinsan para alamin kung nakita na nila si Mikael.

"Ano na baks, ang balita kay Kael?" Tanong ko nang dumating si Stefano galing sa pinsan niyang si Alexandro.

Kinabahan ako nang makita ko ang hitsura niya na parang may dala siyang masamang balita.

"Baks, n-nakita na ang sasakyan ni Kuya Kael na nasa bangin at sunog na sunog."

Parang tumigil ang mundo ko sa narinig sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Stefano at sa nanginginig na mga labi ay tinanong ko kung nakita ba si Mikael. Ayokong isipin na nasa sasakyan siya at hindi na nakalabas ng buhay. Hindi ko kakayaning mawala na lang ng ganoon si Mikael.

" S-Sabihin mo sa akin na wala si Kael sa sasakyan niya! Hindi siya patay. Nangako siyang babalik sa akin. Narinig mo naman iyon hindi ba?" Niyugyog ko si Stefano.

Nakita kong napapaluha na rin si Stefano.

"Baks, hindi pa naman nila sinabi na si Kuya Kael nga nasa kotse nito. Kailangan pa ng DNA test para masigurong siya nga iyon." Hinawakan ni Stefano ang likod ko at hinaplos.

Umiling-iling ako. Nakaramdam ako ng panghihina ng mga tuhod kung kaya napakapit ako sa braso ni Stefano. Hindi ko na napigilan ang umatungal ng iyak.

Tanging yakap na lang ang nagawa ni Stefano para makiramay sa nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

(2 months later)

TUMUKO ang luha ko nang makita ko ang larawan ni Kael. Walang araw na hindi ko tinitingnan ang mukha ng asawa ko sa aking cell phone. Sobra na ang pagka-miss ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay wala pang lead kung nasaan na si Kael. Ang natagpuang bangkay na sunog na sunog ay hindi niya katawan kundi ibang tao.

'Kael, umuwi ka na may surprise ako sa iyo.'

Mula ng mawala ang asawa ko nawalan na ako ng gana na maging masaya. Naging malulungkutin na ako. Ang dating Felicity na puno ng kasiyahan ay wala na.

"Baks, mag-unwind ka naman. Ilang buwan ka ng ganyan, palaging nasa loob ng bahay. Ayaw mong makisalmuha sa ibang tao.  Nami-miss ko na ang dating Felicity na lagi akong inaaway." Malungkot na wika ni Stefano. Umupo siya sa tabi ko at saka ako inakbayan. Idinantay ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Nagsimula na namang manubig ang aking mga mata.

"Wala akong gana, baks. Gusto ko lang dito sa bahay at nakatitig sa picture ni  Kael." Pinahid ko ang mga luha ko sa mga mata.

"Baks, kailangan mong alagaan ang sarili mo. Hindi lang naman sarili mo ang dapat mong isipin pati na 'yang ipinagbubuntis mo. Sa tingin mo ba gugustuhin ni Kael na pabayaan mo ang sarili mo? Please naman baks, isipin mo ang kalusugan mo." Pag-aalala na wika niya. Bigla akong umiyak. He hugged me to comfort me.

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon