Party

1.1K 33 0
                                    

A/N: Imagine the characters in their younger years. 4th year college.

Tinanghali na ng gising si Vice kaya nagmamadali syang naligo at namili ng damit na kanyang susuotin. Halos lahat ng laman ng kanyang cabinet ay nilabas nya at nagkalat din sa buong kwarto ang mga sapatos nya.
BILLY: Vice, bumili na 'ko ng--- Woah! Anong nangyari dito? Ang gulo ah.

Nakasilip sa pintuan ng kanyang kwarto ang bestfriend at the same time ay ka-dorm na si Billy.
VICE: Naghahanap ako ng damit.
BILLY: Halata nga... Para saan ba yan?
VICE: Yung party natin mamayang gabi.
BILLY: Ah... Ano bang gusto mong suotin?
VICE: Simple pero hindi very basic.
BILLY: Ano?
VICE: Wait.

Dinampot ni Vice ang napili nyang tatlong pantaas na damit at saka tinuro kay Billy.
VICE: Yan yung top three ko.
BILLY: Hmm... Wag 'to, masyadong simple... Wag din 'to, overdressed ka na pag ito sinuot mo... Ito nalang.

Tinulungan na rin sya ni Billy mamili ng pantalon at sapatos na susuotin nya. Pagkatapos ay naligo na si Vice at saka gumayak.
VICE: Oh bakit nakatambay ka pa rin dyan?
BILLY: Di ako aattend.
VICE: Ha? Baliw ka ba? Lahat ng students required umattend.
BILLY: Ayoko. Umattend ako last year, boring naman.
VICE: Sira ka! Sayang yung plus points.
BILLY: Hindi na. Besides, may importante akong kailangan puntahan bukas ng umaga.
VICE: Hay. Bahala ka nga dyan. Basta pagbuksan mo 'ko ng pintuan mamaya ah.
BILLY: Eh late ka naman na uuwi mamaya. Dalhin mo nalang yung susi, di naman na ako lalabas ngayong araw.
VICE: Sige. Sabi mo eh.
BILLY: Ay teka!

Tumayo si Billy at tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Saglit lang ito sa loob at lumabas din agad. May dala itong dalawang kwintas.
BILLY: Mas maganda sa outfit mo, may kwintas.
VICE: Hala wag na. Mamaya mawala ko pa 'to.
BILLY: Okay lang. Hindi naman mahal yan.
VICE: Sige. Salamat.
BILLY: Sya nga pala... Pupunta ba si Karylle?
VICE: Ha?
BILLY: Alam ko namang kaya ka lang pupunta kasi gusto mong makita si K.
VICE: Hindi ah. Sayang din kasi yung points na incentive pag umattend.
BILLY: Sus! Palusot! (laughs)
VICE: Ewan ko sa'yo. Osya, mauna na ako. Alas sais yung event, babyahe pa ako. Baka maipit pa ako sa traffic.
BILLY: Gusto mong hiramin yung motor ko?
VICE: Di na. Magcocommute nalang ako. Atleast ang baba ko, malapit na sa venue.
BILLY: Sige. Bahala ka.
VICE: Alis na 'ko.
BILLY: Enjoy!

Isang oras na ang nakalipas ngunit nasa byahe pa rin si Vice. Deep inside ay natataranta na sya dahil 5:30 na ng hapon at malayo-layo pa sya sa pupuntahan nyang party.
VICE: Boss, para po!

Sinenyasan ng konduktor ang driver para gumilid ito. Bumaba si Vice at saka sumakay ng tricycle para sa looban nalang sya dadaan.
VICE: Sige na kuya.
TRICYCLE DRIVER: Nako, hindi talaga pwede. Malayo pa yung sinasabi mo eh.
VICE: Kuya, please. Dadagdagan ko nalang po. Nagmamadali lang po kasi ako.
TRICYCLE DRIVER: Hay sige na nga!
VICE: Salamat po.

Marami-rami na ang mga tao sa venue nang makarating si Vice. Nahihiya man ay pumasok na sya sa loob, di bale na kahit wala syang masyadong kaclose doon.

Awtomatiko namang napadako ang mga mata ni Vice sa direksyon ng isang babae. Nakapwesto ito sa ikalawang round table mula sa stage. Napatingin ito sa kinaroroonan nya at nang makita sya nito, ngumiti ito sa kanya at kumaway.

Nakahanap ng mga kaklase si Vice sa round table malapit sa buffet. Pero dulong dulo na ito kaya maayos syang nagpaalam at naghanap ng ibang mauupuan.

Nakita nya rin sa wakas ang ilan nyang mga kaibigan at inalok sya ng mga ito ng pwesto sa mesa nila. Unang mesa ito mula sa pintuan kaya medyo malapit sila sa stage at sa babaeng kanina pa nya tinatanaw.
VHONG: Brad, akala ko di ka dadating. Sabi kasi ni Billy di daw sya aattend eh.
VICE: May lakad daw sya... Excuse lang, Vhong, may kakausapin lang ako.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon