Chapter 33

27.9K 738 13
                                    

"ANO?! Baliw ka ba! Bakit ka magpa-file ng annulment? Alam mo namang may amnesia si Kuya Kael kaya wala siyang alam sa nakaraan niya. Huwag kang gumawa ng decision na hindi mo pinag-iisipang mabuti!" Sabi sa akin ni Fanot. 

Nag-decide na akong ipa-annul ang kasal namin. Wala naman akong magagawa may iba na siya. Ano pang kahahantungan ng relasyon namin? Kahit na ba buntis ako hindi naman niya ako maalala at ang worse pa doon nakabuntis siya ng ibang babae.

"Ayoko na Fanot hindi ko kayang nasa kandungan na siya ng iba. Nakita mo naman nabuntisan niya ang babae.  Ano pa bang magagawa ko? Ni hindi niya nga ako maalala. Ibig sabihin may nanalo na! Uwian na!" Tumulo ang mga luha ko. Naupo sa tabi ko si Fanot at pinakalma niya ako.

"Baks, tahan na, gagawa ng paraan si Kuya Alexandro para ma-convince niya si Kuya Kael na bumalik na dito sa Manila at magpagamot." Pagkumbinsi niya sa akin.

"Ang sakit, baks. Baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Kaya habang maaga gagawin ko na ito." Final na wika ko.

"Baks, please pag-isipan mo munang maigi ang annulment chu chu na 'yan. Makakaalala rin si Kuya Kael. Hindi niya hahayaang na mawala ka. Magtiwala lang tayo na babalik ang alaala niya." Napayakap ako sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi maniwala na lamang sa sinasabi ni ng bestfriend ko.

 Wala akong nagawa kung hindi maniwala na lamang sa sinasabi ni ng bestfriend ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xxxxx

"BAKIT mo sinabi sa kanila ako ang ama ng ipinagbubuntis mo? Sinabi mo pa na ako ang boyfriend mo pero hindi naman." Inis na turan ko. Naupo ako sa kawayan na upuan. Napahilot ako sa sintido ko.

Napulot nila ako sa isang bangin na malapit dito sa barrio nila. Sugatan at may tama ng bala. Pagkagising ko ay wala akong maalala ni kahit ang pangalan ko. Hindi ko alam kung sino ang pamilya ko. Pero pagkalipas ng ilang araw unti-unting nanunumbalik ang alaala ko. Nang magpasya akong sabihin sa kanila na nakakaalala na ako ay nakita ko ang babaeng salarin ng lahat ng nangyayari sa amin. Magkausap sila ni Sabel.

Narinig kong lahat ng pinag-usapan nila. Binayaran nito si Sabel ng malaking halaga para manahimik. Sa huli pumayag ito dahil malaking halaga ang ibinigay ng babaeng iyon. Paano siya nakawala? Ang pagkakaalam ko ay nasa kulungan siya. Iba nga naman nagagawa ng pera.

Kaya nagplano akong hindi ibunyag na bumalik na ang alaala ko upang mapagplanuhan ko ang lahat. Gusto kong masukol sa sarili kong kamay ang babaeng iyon. I will kill her with my barehands! Nagtagis ang bagang ko. Walang kapatawaran ang ginawa niya sa akin. Wala naman akong maalalang ginawan ko ito ng masama. She is a psycho! Naturingan pa naman siyang sundalo pero hindi niya ginamit sa kabutihan.

Kaninang nakita ko ang asawa ko. Gustong-gusto ko na siyang yakapin. Pinigilan ko lang ang sarili kong gawin iyon dahil manganganib ang buhay niya kapag ginawa ko iyon. Dahil alam kong nakapaligid lang ang mga spy ng babae. Baka malaman nila na bumalik na ang alaala ko.

Ang sakit sa puso makitang umiiyak ang mahal kong si City. Kung alam lang niya. Gustong-gusto ko siyang sugurin ng halik at mahigpit na yakap. Mahal na mahal ko siya kaya masakit sa akin na nasasaktan ang asawa ko. Lalo pa ngayon magkakaroon na pala kami ng anak. Nakita kong malaki na ang tiyan niya. Nagbunga ang honeymoon namin. Sobrang saya ko sa nakita ko. Gusto ko sana mapa-yahoo kanina. Muntik ko ng makalimutan may amnesia pala ako.

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon