CNW 75: Island of the Lost

5.5K 351 20
                                    

Can you feel the ending? Hehehe

--

“Good morning, beautiful.” He whispered while carefully brushing my hair. Paminsan-minsan nya ring hinahalikan ang aking noo habang ako'y nakaunan sa kanyang dibdib at nakayakap sa kanya. Pumihit ako paharap sa kanya at tsaka sya nginitian.

“Good morning too, handsome.” Bulong ko pabalik kay Alpha.

Nasa isang bahay kami ngayon, at nandito pa rin kami sa pangalawa sa huling lumulutang na isla at nagpapahinga. True enough, this is the only peaceful island among the other ones. Dito, ay walang kahit na anong dapat yariin at dito lamang pwedeng magpahinga. Pangalawang araw na rin namin dito at ngayon talaga nakaplano ang pagpunta namin sa kahuli-hulihang isla para kuhanin ang dapat naming kuhanin.

I don't know if the information we got is right, but the last island is kinda lost. I mean, yes, makakapasok ka sa islang iyon pero kung hindi ka sigurado kung ano ang dapat mong makuha ay hindi ka makakaalis doon hangga't hindi mo iyon nakukuha. That's also the reason why we decided to stay here and be sure of whatever we want to get. Iyon lang, hiwalay kami ni Alpha sa mga ito. They gave us two days to think about it thoroughly and that time ends here. Today is the day that we need to go there.

Nag ayos na kami ni Alpha. I wore my simple and signature costume while he wears his usual armor, too. Naghihintay sya sa labas nang pinto at nakahilig doon habang nakahalukipkip na umayos nang tayo nang marinig ang pagbukas ng pinto kung saan ako galing. Pinasahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Then, a proud smirk slowly appears on his lips.

“You're becoming beautiful as time goes by.” Bulong nya sabay pagpulupot ng kanyang braso sa aking baywang nang makalapit ako. He kissed my hair as he hugged me more. “Your beauty is regal, my wife.” Dagdag pa nya. Kinurot ko sya sa kanyang braso habang kinikilig na humagikhik.

“Tara na nga!” Tinalikuran ko sya habang may ngiting nakapiskil sa kanyang labi.

It's not new to me to see Alpha smiling this happy, but it is new to my companion seeing how happy he is. Nagulat sila nang makita ang ngiti ni Alpha— mula sa paulit-ulit na pagpapakilig… este pag iinis sa akin. Kung hindi lang ito tinawag ni Dustine para kausapin ay hindi ito mahihiwalay sa akin.

Mabilis namang tumabi sa akin si Yvonne at Archangel. “Kamusta?” There was a glint of mischief on their voice that… hindi ko maiwasang mamula.

“Hiyang, ha? So that's what marriage could do.” Wika ni Yvonne na ikinatawa ni Archangel.

“Oo, pakasal na rin kayo ni Stan para magloving-loving na rin kayo.” Dahil sa sinabi ni Archangel ay namula ng husto si Yvonne.

“Shut up!” Napailing na lang ako habang nangingiti. Hindi ko mapigilang matawa sa kanila.

Ngunit sa aking ginawa, sa akin tuloy nabaling ang atensyon nila. Lumapit sila sa akin na para bang may pag uusapang sikreto… at meron nga!

“Tell me, masakit ba?” Bulong ni Yvonne. Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong. Anong masa—

“Sa pagkakaalam ko, masakit daw talaga ang una lalo na kung…” Archangel said and trailed off. That's when I realized what they are talking! Biglang nag init ang aking pisngi ng sobra-sobra. Oh. Shit!

“Walang nangyari!” Mahina ngunit pasinghal kong sabi. Ngunit hindi naniwala ang dalawa sa sinabi ko at tinaasan lang ako ng kilay.

“Oh? Hindi kami naniniwala. Newly wed pero walang nangyari? Nako, Levina. 'Wag kami, 'hano?” Archangel looked at Yvonne, asking for her agreement of whay she said. Yvonne being Yvonne, sunod-sunod itong tumango.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon