CNW 79: Take Risks

6.4K 366 17
                                    

Should be Alpha's POV pero mahihirapan ako at baka magmukhang bakla sya so kay Yvonne nalang. Hihihi.

---

Catnip
Yvonne Seraphina Stuart's POV

I was really in shock when I opened my eyes in this hospital. The cold air conditioner that's touching the surface of my skin. The loud crying of my family who almost lost their hope of seeing me open my eyes. Inangat ko ang kamay ko at tinitigan ang namumutla at pumayat kong kamay, kasabay ng pagbalik ng alaalang aking pinagdaanan sa napakatagal kong pagtulog.

Akala ko ay mamamatay na ako. I clearly saw it with my own eyes, the look on Lev's face when I was disappearing. Gusto nya akong pigilan pero hindi nya alam kung paano nya iyon gagawin at kahit gusto nyang lumaban, ang mga mata nya mismo ang nagpapakita na sumusuko na sya.

Pero hindi ko maintindihan, ngayong nakatayo kami sa labas ng kwarto nya sa hospital, halos lahat ay may malay maliban na lamang sa kanya na wala.

I've been crying since I came here in front of her door, pero hindi ko magawang pumasok sa loob. Maybe… I was really scared? Maybe… I don't want to see her in that state while we're here, alive and kicking?

I know Lev. In fact, she was my idol. Kilala sya sa university dahil sa angkin nitong ganda at talino. They even said she's talented, magaling sumayaw, kasama sa drama club, at magaling pang kumuha ng litrato kung saan bawat litrato nya ay may kwentong nakapaloob. They said hindi ito basta-basta. She's not a journalist for something. At mas matunog ang pangala nito dahil sa mga laro.

Actually, I once played with her. Sinali kasi ako ng isang kaibigan sa Gamer's Club, at hindi ako nagsisisi doon dahil doon ko sya mas nakilala. Everytime we are playing, doon ko mas nakikita kung sino talaga sya. She's not the typical girl who are fake, and she's not afraid to let everyone to see who she really is.

“Ma'am, visiting hours is done. Magpahinga po muna kayo.”

Nakita kong umiiyak na lumabas ang nanay ni Lev habang inaalalayan ito ng isang nurse. Ang nakababata nitong kapatid ay patuloy ang pag iyak sa isang gilid habang pinapatahan ng kanyang tiya. Hindi ko maiwasang malungkot habang pinapanood ang mga ito.

It's not just Levina's family. Kahit ang mga… players na nakasama namin doon ay nandito. Pero… ang sabi sa amin ay nakatulog lang kami, at simula noon ay hindi na kami nagising muli?

Napasabunot ako sa aking ulo. Shit. I don't know what to do! Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan!

Napakaimpossible na sabay-sabay kaming makatulog, managinip ng magkakasama at nasa loob ng isang laro gamit lamang ang aming utak. Ang pangyayari lamang na iyon ay—

Natigilan ako sa aking naisip. If I was right…

Mabilis akong lumapit sa mga nakasama ko sa laro. I recognized them as their face didn't change inside the game… on our minds. Kung ano ang itsura nila sa loob noon ay gan'on din ang itsura nila dito ngayon kaya't mabilis ko silang nakilala.

“Guys,” Pagkukuha ko ng atensyon nila ngunit parang wala silang narinig, lalo na si Alpha na nanatiling tulala sa kawalan. If we're not in this state, siguro'y kikiligin na ako sa kagwapuhan nito. Pero… now that we need a brainstorming for this problem as… “Our fight hasn't ended.” Dagdag ko na nakakuha ng kanilang atensyon.

“What do you mean?” Dustine asked. Kahit hindi ito umiiyak ay siya namang ikinapula ng mata nito, para bang kanina pa sya nagpipigil ng iyak. Huminga ako ng malalim.

“Isn't this case is similar to a VRMMORPG virus? The one which… enters the mind of the player?” Kahit ako naman ay hindi ko matanggap kung sakaling ganito ng nangyari kay Levina. It's brain… and our minds has the control of our body.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon