CHAPTER 26: You Make Me Perfect.

29K 446 14
                                    

CHAPTER 26: You Make Me Perfect.

 

Dedicated kay Ate Mimhytot ! Yan po yung 2nd account niya ! :) para sa naghahanap ng main account ni Ate Mimhytot paclick yung external link, magaganda po yung story niya! Lalo na yung Let Me Be The One, tutulo uhog mo!! HAHAHA, joke! Nakakaiyak yun promise :) ! THANK YOU !

 

ALEXIS P.O.V

 

the number you have dialed is either unattended or out of coverage area..

the number you have dialed is either unattended or out of coverage area....

 

Tss, bat naman kaya patay cellphone nung lalaki na yon? Busy? Busy saan?! Oo alam kong nagtatrabaho na siya sa Daddy niya dahil sakin.. sa 100 million pesos na yon.. -_- , hays. Pero hello? 1am na nagtatrabaho pa din siya? 3 days na din yung nakalipas nung maging kami na talaga..

“Alexis! Kailangan ka na sa loob!” – sigaw ni Diane.

Nandito ako ngayon sa coffee shop, naka duty parin.. 24 hours nga pala ‘tong coffee shop at pang gabi ako ngayon.. bago ako pumasok tnary ko ulit tawagan si Matthew..


the number you have dialed is either unattended or out of coverage area..

 

Yaaaaaaa! Wala talaga! Pinasok ko na sa bulsa ng apron yung cellphone ko at padabog na pumasok sa coffee shop.. kaming dalawa lang ni Diane ngayon ang nakaduty, buti nalang ilan ilan lang ang tao..

“O, nakabusangot nanaman yang mukha mo.” – puna ni Diane habang inaayos yung mga kape sa counter.

“Hindi ko siya macontact.” – bulong ko habang gumagawa ng brewed coffee na inorder ng isang customer.

“Si Sir.Matthew ba?” – natatawang tanong niya.

“Here’s your brewed coffee Sir.” – nakangiting inabot ko sa customer yung kape.

“Oo.” – si Diane lang yung nakasundo ko dito sa coffee shop, pati pala si Akina.. tapos karamihan na sa mga kasamahan namin inis sakin, hindi ko alam kung bakit!

“Alam mo bang pinagchichismisan ka nila Crissa?” – sabi niya.

Hindi na niya kailangang sabihin yun dahil alam ko naman yun.

“Na ano? Na inakit ko si Matthew?” – sarcastic na sabi ko saka inayos yung espresso machine.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon