CHAPTER 3

1.6K 39 10
                                    

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER THREE

 

 

Natulala ako. Napatitig lang ako sa kanya. He’s really goodlooking. Maganda ang mga mata, malamlam, long lashes; at ang ilong, matangos; ang lips, mamula-mula; makinis ang skin niya, may kaputian; may nunal siya sa gilid ng kaliwang mata; at ang tenga niya –

            Teka! Talagang pati tenga, mapansin?

           Parang ang tagal…parang tumigil ang oras para mapansin ko lahat iyon sa kanya. Pero ang totoo, sandali lang iyon. Dahil agad-agad siyang yumuko at hinawakan ako sa braso para itayo.

            “I’m sorry, miss. I didn’t see you,” sabi niya. At ang lambing ng boses niyang nagpapaumanhin.

            Yung galit ko kanina, nagdisapir. “It’s…it’s okay,” sabi ko na halos magkandautal ako. At hindi ako makatingin sa kanya. Nagpapagirl talaga?

            “Are you sure?”

            “Yeah,” nakangiti kong paniniguro. Ngiting pagirl, hindi nakikita ang ngipin.

            “Okay, good.” Yun lang at bumaba na siya ng hagdan.

            Ako naman, sinundan ko siya ng tingin. Kung movie ito, bigla siyang lilingon at ngingiti sa akin sabay kaway.

            Hindi ito movie…pero lumingin siya sa akin…nag-smile…at nag-wave.

            Ohmyyyyggaaaaddinheaveeeeennnnthykingdomcome!!!!

            Nagtititili ako sa loob. Gusto kong magsayaw. Magtatalon. Magsisigaw.

            Sa loob yon. Dahil ang totoo…

Nakatulala lang ako.

* * * * *

            “Nakakainis! Nakakainis talaga!” sabi ko kay Karen pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari. Nasa classroom kami at hinihintay ang teacher namin sa Physics. “Para akong tanga na hindi nakapagsalita. Para akong nabudul-budol.”

            “Cute talaga?”

            “Sobrang cute!”

            “Baka siya yung bagong transferee. Sabi nila, may bagong lipat daw sa school natin, e.”

            “Ano’ng name? Ano’ng year? Ano’ng section?” tuluy-tuloy kong tanong.

            “Hindi ko alam,” narinig ko lang yung mga girls na nag-uusap sa girls’ room kanina habang nagli-lipstick ako.”

            Yan si Karen, bukod sa hindi mo maaabala kapag nanonood ng movie o tv, deadma rin siya sa earth kapag nagme-make-up. Make up is Karen’s bestfriend. Minsan, bago matulog, nagme-make up yan. Para raw kapag nanaginip siya ng cute guy, at least, maganda pa rin siya.

            Sasabihin ko na sana kay Karen na nakita ko na ang guy na iyon. Sa sinehan. Na iyon ang bumatok kay Ramil. Pero noon lumapit sa amin si Ramil. Mainit ang ulo.

            “O, bakit?” tanong ni Karen.

            “Tinukso ako nina Gordon. Nabatukan daw ako sa moviehouse. Sino sa inyo ang nagkuwento sa nangyari yesterday?”

            “Me. Ay, hindi ko naman alam na hindi pala dapat ikuwento,” buong kainonsentehang sagot ni Karen, nagtaas pa ng kamay. “Nagkukuwentuhan kasi sila tungkol sa Guardian of the Galaxy. May sinasabi silang part na hindi ko alam, noon ko naisip na iyon yung lumabas tayo dahil sinundan natin yung nambatok sa iyo. Kaya naikuwento ko na.”

            “Ikaw talaga, Kar! Sinisira mo ang image ko! Crush ko pa mandin si Gordon, ngayon pinagtatawanan lang niya ako.”

            “Sooo sorry!”

            “Naku, makita ko lang talaga yung lalaking nambatok sa akin, lagot sa akin yon.”

            Now, paano ko pa maikukuwento na yung lalaking nambatok sa kanya ay nakabunggo ko rito sa school?

* * * * *

            Twenty minutes late si Mr. Patalen, ang teacher namin sa Physics. Nasa Principal’s Office daw.

            “Bakit?” tanong ni Karen.

            Hindi sumagot si Ramil na mainit pa rin ang ulo.

            Nagkibit-balikat lang si Karen, na deadma kapag nage-emo si Ramil. Alam naman niyang sandali lang yon. Madalas mag-away ang dalawa, pero madali ring magkabati. Siyempre, friends for life naman kami, e.

            “Like, C.R. muna tayo,” yaya ko kay Karen.

            “Let’s go,” agad na sabi ni Karen. Madali yayain itong friend ko sa girls’ room dahil chance niya iyon para makapag-retouch. Ako, iba ang reason ko sa paglabas. Gusto kong hanapin ang aking mysterious Mr. Right.

            Ito yung sinasabi kong hanap ko sa isang guy e. Yung may air of mystery. May tatalo pa ba sa pagka-mysterious ng guy na ito? Imagine, nakita ko sa moviehouse. Binatukan ang friend ko. Tapos biglang nawala. Tapos biglang sumulpot sa school namin. Imagine that. I mean, can you imagine that???

            Panay ang silip ko sa ibang classrooms. Hoping na makita ko si Mysterious Mr. Right.

            Taka naman si Karen. “May hinahanap ka ba?”

            “Wala,” sagot ko. Pero parang binabanat ang leeg ko sa kasisilip sa isang classroom kung saan nakatalikod ang isang male student. Siya kaya yon? Pero tinitigan ako ni Miss Dagampat, ang teacher ng Biology. Natakot ako. Terror yon e. Saka hinila na ako ni Karen sa comfort room.

            Retouch-retouch si Karen. Panay ang daldal. Blah blah blah! May sinasabi siya tungkol sa make-up, tungkol sa damit, tungkol sa Mommy’t Daddy niya. Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. Sabagay, mahirap intindihin ang mga sinasabi ni Karen dahil parang tren tumakbo ang utak niya.

            Saka ang nasa isip ko lang ay si Mysterious Mr. Right. Paano ko ba siya makikita ulit?

            “Let’s go,” sabi ni Karen. “Baka naroon na si Mr. Patalen. Mapagalitan pa tayo.”

            Naroon na nga si Mr. Patalen. And true enough, pinagalitan kami.

            “Where have you been, you two girls?”

            “Sir, nag-c.r. lang kami. Call of beautiful nature,” buong pagpapa-cute ni Karen kay Mr Patalen. Call of beautiful nature? Saan galing iyon? Only Karen can think of things like that. Makapagpalusot lang.

            And it worked. Napangiti na lang si Mr Patalen at pinaupo na kami sa mga seats namin.

            Pero may nakaupo sa seat ko. Isang guy. Nakatalikod sa akin.

            “By the way, you have a new classmate.”

            At humarap sa akin ang guy na nakaupo sa silya ko. At sino pa nga ba kundi ang kanina ko pa hinahanap but very elusive Mysterious Mr. Right.

            “Hi, I’m Ward. Ward Carballo,” nakangiti niyang sabi sa akin sabay abot ng kamay ko.

            At siyempre, napatulala na naman ako.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon