Chapter 6: Papa Jeydon

1.9M 46.6K 22.5K
                                    

"NOONA, KAYO NA bahala kay Mom. Hindi pa ako handang bumalik sa bahay. I'll come back soon," sabi ko.

Niyakap ako ni Ate. "We'll wait for you." Ngumiti na lang ako sa kaniya. Ramdam ko na-miss na rin niya ako.

Hinarap ko si Mom na nakasakay sa wheelchair niya. "Magpagaling ka kaagad, Mom. I'll come back soon so just wait for me." Lumapit ako tapos niyakap ko siya.

"Hihintayin kita, anak."

Tumayo ako at hinarap ko naman si Jayshin. "Jayshin, ikaw na muna ang bahala, ha?"

"Yes, hyung. Hihintayin ka pa rin namin." Ginulo ko 'yong buhok niya pero hindi siya umangal at ngumiti lang siya. Aminin man niya o hindi, alam kong siya ang pinaka na-miss ako.

Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa, hinatid ko muna sila sa sasakyan kung saan naghihintay sina Baron at Bryan.

"Young master, welcome back," bungad agad sa 'kin ni Baron. "Babalik na po ba kayo?"

"Hindi pa, Baron, pero malapit na. Sabihin mo 'yon sa kanilang lahat. At oo nga pala, congrats sa inyo ni Sunny." Bigla na lang namula 'yong pisngi niya kaya muntik na akong matawa. "Kayo na bahala mag-uwi kina Mom."

As usual, tahimik lang si Bryan hanggang sa makaalis sila. Gusto ko man silang samahan sa mansion, hindi pa ako handang makita ulit si Dad.

Bumalik na ako kina Candice.

"Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" tanong sa 'kin ni Candice.

"Hindi pa sa ngayon, baby girl."

"Okay, sa bahay ka muna pumunta. Naghihintay na sina Mama sa 'tin."

Sumakay kami sa van ni Charles. Hindi na sumama sina Tita Candy at Serina dahil hindi pa sanay sa biyahe si Skie. Kaya 'yong tatlong ugok na lang 'yong sumundo sa 'min. Wala pa rin silang pinagbago, mga gago pa rin sila. Pero nakakatuwa na magkakapatid pa rin 'yong turingan namin after all these years.

"So, niligtas ka ni Shawn?" tanong ni Charles habang nagmamaneho siya.

"Oo, niligtas ako ng mokong na 'yon at ngayon may utang na loob na ako sa kaniya."

Pinalo ako bigla ni Candice sa braso ko. "Huwag ka ngang ganiyan kay Lucas! Magkaibigan na naman ulit kayo, 'di ba?"

"I'm just kidding." Tumawa ako tapos niyakap ko siya.

"Wala ba kayong ibabalita sa 'min?" biglang tanong ni Troy. Napatingin agad kami ni Candice sa isa't isa at ang sama ng tingin niya sa 'kin.

Kahit hindi siya nagsasalita, alam ko 'yong gusto niyang sabihin. "Sinabi mo ba sa kanila?" Ganiyan 'yong sinasabi ng tingin niya with matching kunot ng noo pa. Umiling na lang ako para sabihin na wala akong sinasabi na kahit ano sa kanila.

"Ha? Wala naman, may dapat ba kaming sabihin?" sagot ko na lang.

Napakamot na lang ng ulo si Troy. "Ah, wala. Never mind."

"Tumigil ka nga, Jaydee! Sinungaling!" sigaw ni Marky tapos binato niya ako ng plastic bottle.

"Ano ba? Iyong guwapo kong mukha!" angal ko.

"Wala nang manggugulo sa inyo ngayon dahil wala na si Stella, kaya bakit hindi pa kayo lumagay sa tahimik ni Candice?" tanong ni Marky.

Bago pa kami makasagot ni Candice sa tanong niya, huminto na kami sa tapat ng bahay nina Candice. Saved by the bell.

"Bumaba na agad kayo, 'yong anak ko excited na excited na," utos ni Charles.

Tinanaw namin sa bintana si Skie at halatang excited na nga siya. Inalalayan kong bumaba si Candice tapos niyakap niya agad 'yong mama niya. Si Skie naman lumapit agad sa kaniya. Binuhat niya ito. "Hi, Skie! Did you miss me?" tanong niya.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon