Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

PROLOGUE

1M 11.4K 961
                                    

LEILA PEREZ

KAPA-PARK KO LANG dito sa tapat ng Rioscents, ang perfume shop ng pinsan kong si Vanessa, nang sa wakas ay sinagot niya na rin ang tawag ko.

"Vannie!" bungad ko agad. "Sorry ang labo kong kausap kanina no'ng tinawagan mo ako. E kasi may ginagawa ako no'n. Nandito ako sa shop mo. Nasa'n ka? Nandito ka rin ba o natuloy ka kay Allen?" Allen is her husband but they're not on good terms.

"Ah, ok lang. Oo, natuloy ako."

"Hoy! Bakit ang cold mo namang sumagot." 'Yong boses niya kasi parang wala siya sa mood makipag-usap. "Galit ka ba? Nag-sorry na nga ako. Bawi ako! Dinner tayo mamaya."

"Hindi ako galit. Uhm, hindi ako pwede mamaya. May gagawin ako."

"Ano? Hindi kita marinig." Sinilip ko saglit 'tong screen ng cellphone. Bakit gano'n, malakas naman ang signal dito sa tapat ng Rioscents pero hindi ko pa rin siya maintindihan? Tinapat ko ulit 'tong phone sa tainga ko at saka nagpatuloy. "Alam mo hindi kita masyadong marinig. Nasa'n ka ba ngayon? Bakit ang hina-hina ng boses mo?"

Ang tagal bago siya nakasagot. "Natutulog kasi si Allen dito sa tabi ko. Baka magising."

Nanlaki ang mga mata ko! "AHA! Malandi ka! Sinasabi ko na nga ba e! Bumigay ka sa kanya, 'no? May pa-'moved on, moved on' ka pang nalalaman. 'Yon pala kakalampag ka pa rin diyan sa asawa mo!" sabi ko sabay tawa nang malakas.

"Tsk, tumigil ka nga."

Pero hindi pa rin ako huminto sa katatawa. Ewan ko, pero nakatutuwa lang malaman na magkasama ulit sila ni Allen ngayon, knowing na may problema silang mag-asawa. At mukhang hindi lang sila basta magkasama, ha?

"Ano, nagkabalikan na ba kayo ulit?" kantyaw ko. "Akala ko ba idi-discuss mo lang ang annulment niyo kaya mo siya pinuntahan? E bakit parang may iba pa yata kayong ginawa."

"Stop it, Leila. Wag mo akong simulan. Walang nangyari, okay?"

"Sus! Maniwala ako sa inyo! Si Allen pa?"

"Wala nga sabi. Tumigil ka na."

"Okay fine! Galit agad? Halatang defensive. Hoy, pero seryoso ako ro'n sa sinabi ko kanina, ha? Let's have dinner later. Tapos samahan mo ako, may pupuntahan akong art exhibit. I accept no excuses, dear."

"Hindi nga ako pwede. Marami akong gagawin mamaya."

"E ano bang gagawin mo? Mas importante ba 'yan kaysa sa sarili mong pinsan? Hindi ba 'yan pwedeng ipagpabukas?"

Hindi siya sumagot kaya nangulit ulit ako. "Ano na? Susunduin kita sa condo mo."

Narinig ko siyang huminga nang malalim. "Oo, sige na. Ang kulit mo kahit kailan."

"Okay, great! O siya, ba-bye na. See you later!"

"Bye," paalam niya na rin.

Kaso may bigla akong naalala kaya humabol agad ako bago niya pa tuluyang maibaba ang tawag. "Vannie!"

"O?"

Ngumisi ako nang pilya bago nagpatuloy. "Naka-ilang round kayo ni Allen?"

Aba, binabaan ako ng telepono! Bruhang 'to!

Napailing-iling na lang ako habang sinisilid ang cellphone ko pabalik sa back pocket ng suot kong skinny jeans.

Ang sarap mang-asar. Mukhang may tinatago sa 'kin 'yong pinsan ko. Hindi nag-kwento nang mahaba-haba e. Ni hindi nga ako tinanong kung bakit nandito ako sa perfume shop niya. Pumunta ako kasi wala akong shoot ngayon. I work as a professional photographer. Kaso wala naman pala rito si Vannie at nando'n pa rin sa puder ng asawa niya.

Tulad ng sabi ko, Vanessa and her husband Allen are not on good terms. Maghihiwalay na nga yata 'yong dalawang 'yon.

Kauuwi lang ni Vannie galing sa London. At bukod sa Rioscents na bagong business niya, isa pa sa mga plano niyang pagka-abalahan dito sa Pilipinas ay ang annulment case nila ni Allen. Mahabang kwento kung paano sila umabot sa ganito, pero isa lang ang masasabi ko, ayoko sana silang maghiwalay.

Kaya nga natutuwa akong malaman na magkasama sila ngayon. At mukhang may ginawa pang kababalaghan. Naku, mamaya talaga ay huhulihin 'ko 'yong si Vannie e. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya kinukwento sa 'kin kung naka-ilang rounds sila ni Allen.


TUMULOY NA AKO ng pasok dito sa loob ng Rioscents. Tatambay na lang ako saglit para naman hindi masayang ang punta ko.

Sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Claire, ang assistant ni Vanessa rito sa shop.

"Hello, Ms. Leila," bati pa sa 'kin.

Kinawayan ko siya, tapos dumeretso ako sa counter kung saan siya nakapwesto. "Kumusta ka naman?"

"Okay naman po." Abala siya sa pag-aayos ng mga papers. "Ay oo nga pala, naco-contact niyo ba si Ms. Vanessa? Kanina ko pa kasi siya sinusubukang tawagan, kaso hindi sumasagot."

Napangisi ako sabay talikod at sandal dito sa counter. "Naku, hindi mo talaga maco-contact 'yong amo mong 'yon ngayon. Wag mo na munang guluhin. Busy, may ibang tinatrabaho."

"I-ibang tinatrabaho?"

Sinilip ko siya. "Oo. Nagpapaligaya pa siya ng asawa." Sabay kindat ko.

Napangiti naman siya dahil na-gets niya agad.

"Ii-inform ko lang kasi sana na na-pick up na 'yong isang set ng pabango kani-kanina lang," sabi niya. "Tapos 'yong umorder sa amin ng 300 perfumes, tumawag. Nakiki-balita."

Bigla akong napatuwid ng likod at napaharap sa kanya. "300 perfumes? Seryoso?"

Natawa naman siya sa 'kin. "Alam niyo, ganyan na ganyan din ang reaksyon ni Ms. Vanessa no'ng unang binalita ko 'yan. Mag-pinsan talaga kayo."

"Ano na nga kasi! 300 orders talaga?"

"Oo, 300."

"Ang dami! Saan daw gagamitin?"

"Uhm, sa kasal yata. Parang 'yon 'yong sinabi sa akin n'ong customer namin e. Gagawin yatang giveaways."

"Wow, ang sosyal! Ibang level na talaga 'tong si Vannie. Sino raw ang ikakasal? 'Yong customer niyo mismo?"

"Ay, 'yan ang hindi ko alam. Pero wag naman sana, kasi ang gwapo n'ong umorder sa 'min na 'yon, e. Parang artista sa Hollywood! Sayang naman kung ikakasal na kaagad."

Napaikot ako ng mga mata. "Diyos ko, tumigil ka nga. May anak ka na, ha."

Natawa lang naman ulit siya sa 'kin. "Pero seryoso, Ms. Leila. Ang gwapo talaga n'ong si Mr. James Alarcon. Sana lang talaga hindi siya 'yong ikakasal. Sana 'yong kasama niya na lang na lalaki. Kuya niya yata 'yong kasama niya noong umorder siya rito."

Biglang namanhid ang mga kamay ko. Siningkitan ko agad siya ng mga mata. "Sino? Anong pangalan?"

"James Alarcon. Bakit?"

Saglit akong natigilan. Kanina masaya ako, pero ngayon, ewan ko na. Nakararamdam ako ng pamilyar na sakit dito sa dibdib ko.

I looked at Claire again. This time, ang tapang na ng tingin ko at nakataas pa ang isang kilay. "Ano 'yong huli mo pang sinabi? May kasamang lalaki 'yong James?"

Tumango siya. "Gwapo rin 'yon! Levi yata ang pangalan. Narinig ko e. Kuya Levi pa nga ang tawag ni Sir James. Kilala niyo ba sila?"

Napangisi na ako. Kunwari walang epekto sa 'kin, pero ang totoo, nanginginig na 'tong mga kamay ko ngayon dahil sa pinaghalong inis at galit. Sa simpleng pagbanggit lang ni Claire sa lecheng pangalan na 'yon, bumalik na lahat ng kirot na akala ko'y hindi ko na mararamdaman ulit.

Levi.

Of course, kilala ko siya. Kilalang-kilala. Paano ko nga ba siya makalilimutan e siya lang naman ang lalaking minsang pumatay sa 'kin. So, he's back, huh?

• • •

AUTHOR'S NOTE: Levi is pronounced as "Le-vee"

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon