PROLOGUE

7.7K 141 4
                                    

NOTES

Ipagpaumanhin niyo po kung may mapapansin kayong wrong grammar and errors.

Hindi ko pa po na e-edit. Bare with my imperfections.

Read at your own risk.

Kung may pagkakahawig man po sa iba pagpasensyahan niyo po baka nagkataon lang.

Respect is a must, I do not force you to read this.

Thank you po.

•••

PROLOGUE

"Handa akong maging mistress Seth!"

Lumuhod ako sa harap niya, nakatingalang nakatingin sa perpekto niyang mukha. Pinipigilang tumulo ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. Pinatayo niya ako at niyakap.

"P-please Seth... ako na lang ulit. Ako na lang." I beg at him.

Kung kinakailangang mag-makaawa ako, gagawin ko. I can do everything to win him back. I am willing to be a mistress and be a mother of his child. Hinimas niya ang likod ko, Hindi ko na kayang pigilan pa at tumulo na ang luha sa aking mga mata. Pinipilit niyang umaklas sa aking yakap pero hindi ako nagpatinag.

"Kasal na ako Jash, alam mong ayokong nasasaktan ka. Please palayain mo na ang-"

Humiwalay ako sa yakap at hinaplos ang pisnge niya at pilit na hinahagilap ang mga mata niyang hindi nakatingin sa akin.

"No! Seth makinig ka, ayos lang naman sa akin na dalawa kami eh, 'diba mahal mo naman ako? Mahal mo pa ako."

I may sound so desperate pero mahal ko siya at wala ng iba pa. Nag-iisa lang siya sa puso ko.

"Jash mahal kita, pero kasi-"

Mabilis ko siyang pinigilang mag-salita. Atleast I am right. He love's me until now.

"Sa ngayon panghahawakan ko 'yang sinabi mo. Mahal na mahal din kita Seth."

Ngumiti ako sa kaniya, like I always do.

Iniwan ko na siya, hindi ko na inantay pa ang mga sasabihin nya. Ayoko, hindi ako papayag na mawala pa siya sa akin. Buong buhay ko siya lang ang lalaking inibig ko, Siya lang at wala ng iba pa. Kahit ilang taon pa ang lumipas, siya lang 'yong lalaking laman ng puso't isip ko.








• • • •

"Coleen, nakabalik ka na pala?"

Napahinto ako nang may babaeng humarang sa daan ko, she was smiling at me.

"Oo andito na siya, kinausap niya ako."

Kahit hindi ako lumingon, alam kong si Seth 'yon. Ang lalaking mahal ko, lumapit siya kay Hannah at hinagkan ang pisnge nito.

"It's good to see you Coleen, bigla ka na lang nag laho. Kamusta ka na?"

Gusto ko mapairap sa hangin.

'Ikaw kamusta na? Hindi halatang naka abot ka na sa rurok ng pangarap mo puny*ya ka.'

"Im fine, very fine. Kinausap ko lang si Seth, I mean Levi Seth. Kayo na pala 'no? Sa wakas natupad na rin 'yong pangarap mo."

Matamis ko siyang nginitian at nilagpasan sila matapos ko sabihin 'yon. Hinawakan ni Hannah ang kamay ko, Para akong nakuryente sa paghawak niya. Gusto ko siyang ibalibag sa inis. But I calm myself. Hindi ko siya nilingon at hinayaang magsalita.

"Ngayong andito ka na, some other times let's go out. Miss ko na kasi bonding natin, what do you think?"

Walang pinag-bago. Inosente pa rin siya tulad ng dati.

Tsk.

Mariin akong pumikit.

"Busy pa siya Darling, baka hindi rin niya gusto."

Napasinghap ako at nagmulat. No, hinarap ko si Hannah at deretsa sa mata ko siyang tinignan at matamis na ngumiti.

"Sure bes, basta ikaw. Gusto mo bukas na agad eh."

Ofcourse it was a lie, I don't want to be with you. Pakiramdam ko para akong nag-aalaga ng ahas.

"Talaga?" kita ang saya sa mukha niya. Ofcourse Im kidding! Siya with me? Awkward.

"But I need to rest. Maybe Some other times. Mag ko-cross pa rin naman ang landas natin."

I smile, a meaningful smile.

Sinulyapan ko ng tingin si Seth na nasa likod ni Hannah. Akmang yayakapin niya ako, nilaglag ko ang dala kong purse kaya napalayo siya sa akin at pinulot ko iyon.

Tinitigan ko silang dalawa...

"See you soon."

At lumakad na ako paalis.

Parang sinasaksak ng ilang libong patalim ang puso ko. Seing them so close together...Calling her darling by my love... Pathetic!

I wipe my tears and smile.

Akin ka lang Seth...

I maybe desperate but that's love, walang mangyayari kung wala kang gagawin.

Hindi babalik sa'yo kung hindi mo babawiin.

And I am Coleen Jash Locsin.

The Secret Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon