Bes

293 4 2
                                    

(Requested by: Pinkie_Glimmer
P.S.
Hello, good day. Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with school and applying for college, kaya hindi ko na napag-focusan yung pagsusulat ng mga tula. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~
"Bes"
By: OtakuZone

Wala namang masama sa ginagawa ko, hindi ba?
Hindi naman kita sinasaktan o pinapaluha.
Ganun pa rin naman ang pakikitungo ko sayo.
Wala namang nagbago, magkaibigan pa din tayo.

Nagbibiruan, nagkukuwentuhan, at kung minsan, nagsasabihan ng problema.
Ganyan tayo ka-close sa isa't-isa.
Yung tipong buo na ang tiwala.
Kaya hangga't maaari, hindi natin iyon hinahayaang masira't mawala.

Sa sobrang close natin sa isa't-isa, sinasabi mo na sakin ang iyong mga sikreto.
Normal na siguro iyon kapag "close friend" ang turing mo sa isang tao.
Kaya hindi ko mawari kung tama ba ang ginagawa ko.
Dahil mayroon akong sikreto na inililihim sayo.

Hindi ko magawang sabihin dahil natatakot ako.
Natatakot ako na baka bigla kang lumayo.
Baka bigla kang umiwas kapag nalaman mo na ang totoo.
At higit sa lahat, natatakot akong mabasag ang aking puso.

Oo, close friends tayo.
Pero pakiramdam ko mas higit na doon ang tingin ko sayo.
Sinubukan kong pigilan, sinubukan kong iwasan.
Dahil ramdam ko na ang tingin mo lamang sakin ay isang "kaibigan".

Bes, crush kita.
Iyan ang tunay kong nadadama.
Hindi ko rin alam kung kailan at paano ito nagsimula.
Basta bigla ko nalang naramdaman na I have a crush on you na.

Huwag kang mag-alala.
Tanggap ko naman na hindi tayo parehas ng nadadama.
Masakit pero tanggap ko naman na.
I'm just a friend to you at malabo na iyon mahigitan pa.

Pero, wala namang masama kung aasa pa din ako, hindi ba?
Malay mo, maging maging mabait si tadhana at magkaroon ng himala.
Baka bukas makalawa, you like me too na.
You never know, baka tayo pala ang nakalaan para sa isa't-isa.

But for now, hanggang dito nalang muna.
I hope, ganun nga ang maging takbo ng ating istorya.
Someday, masasabi ko rin lahat ng ito sa harapan mo.
Sa ngayon, hanggang sulyap nalang muna ako mula sa malayo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon