MALDITA 31

909K 23.6K 14.4K
                                    

Maldita 31

"Avah got a date, Avah got a date, Avah got a date." Pakanta-kanta pa ang frustrated singer na si Avy habang naka-upo sa may pasenger seat.

Tulad ng pakiusap nya sa akin kaninang umaga, ipinag-drive ko sya papunta sa recording studio. Hindi na nga dapat ako papayag na ipagmaneho sya kung hindi nya lang ako binlack-mail at sinabing tatawagan nya ang mga kaibigan ko para ibalitang may boyfriend na daw ako. Hindi pa sya nakuntento at tinakot akong tatawagan ang parents namin.

Kaya ito, tuwang-tuwa sya habang inaasar ako. Hindi ko alam kung anong nakita nya sa Kupal na 'yon at kung bakit botong-boto sya. Hindi pa ako makapaniwala sa ginawa nyang pag-v-video sa confession kuno nung Kupal na 'yon. Grabe, she's the worst sister ever!

"Tigilan mo nga ako! Date ka dyan, mukha nya!" Nanggigigil kong sabi. Ang higpit-higpit na ng kapit ko sa manibela at kanina pa din ako busina nang busina dahil sa sobrang pagka-inis.

"Eh di ito na lang...Avah got a boyfriend, Avah got a boyfriend, Avah got a boyfriend." Pakanta nyang sabi. Sa inis ko bigla kong tinapakan ang break, dahilan para muntik na syang mauntok sa harapan dahil sa impact. Sayang! Naka-seat belt kasi sya.

"Dahan-dahan naman! Oo na, oo na, titigil na ako, paabutin mo lang ako sa recording studio nang buhay! Ang KJ mo talaga, masama bang maging masaya dahil may boyfriend ka na?" Talagang pinag-diinan pa nya sa akin ang salitang 'boyfriend'.

"Sinong may sabing may boyfriend ako? Single pa din ako hanggang ngayon. Hindi pa ako nagpapalit ng relationship status sa Facebook!" Sagot ko.

Kung 'yung Kupal din naman na 'yon ang magiging boyfriend ko, isang malakas at malaking thank you na lang! Mas gugustuhin ko pang maging isang magandang matandang mayaman na dalaga. Urgh! Nakakaasar talaga!

Hindi ko lubos maisip kung bakit ako? I mean, come on, given na na maganda ako, mayaman, talented, matalino, seksi, responsable, sosyal at lahat nang magagandang katangian ng isang babae ay nasa akin na. Maldita nga lang, pero kahit na. Nobody's perfect naman so nasa level ako na 'Almost Perfect'.

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit bigla na lang sya pumunta sa bahay ko at pagkatapos makikain ng breakfast bigla nyang sasabihing gusto nya ako? Is that how he say 'thank you, nabusog ako?' Shocked pa rin ako hanggang ngayon. Sino ba naman kasing hindi magugulat doon, 'yong pinaka hindi ko inaasahang lalaki ang magkakagusto sa akin. Wala nga kaming matinong conversation, ni hindi kami friends! Bakit kasi napaka-ironic ng buhay? Kung sino pa 'yung taong ayaw mo sya namang may gusto sa'yo. Hindi sa pagiging choosy, pero nakakainis talaga.

Kung makapag-declare pa sya na girlfriend na nya ako, akala naman nya, gustong-gusto ko? Grabe, hindi ko sya kinakaya, ganoon na ba talaga ang usong pangliligaw ngayon? Hindi nga sya nanligaw eh! Isa pa 'yon sa kinaiinis ko, anong akala nya sa akin? Easy to get? Ginawa nya namang digital ang pagkakaroon ng girlfriend. Ano na lang sasabihin ng parents ko sa akin? Sinabihan lang ako na 'gusto kita' naging boyfriend ko na? Urgh! 'Yung pride ko masyadong nadurog dahil sa ginawa nya.

"Hey! Wag mong masyadong isipin si Neo, magkikita naman kayo mamaya, may date kayo remember? Yihiee! Tara na, magdrive ka na ulit, excited na akong kumanta!" Hyper na hyper na sabi ni Avy.

"Hindi ko sya iniisip! Date? I-date nya 'yong anino nya, sigurado akong hinding-hindi sya iiwan noon at susundan sya kahit saan pa sya magpunta!" Huling hirit ko bago ulit ako nag-drive.

"Hay nako, umamin ka na kasi. Iniisip mo sya, promise hindi kita pagtatawanan." Sabi nya habang tumatawa. Paano ako maniniwala sa promise nya kung habang nangangako sya ay tumatawa na sya?

"I'm still your Ate. I admit na madalas akong childish but it doesn't mean na hindi na ako capable makinig sa mga sentiments and blah blah blah's mo. Come on, share your thoughts, I'm all ears!"Tumagilid pa talaga sya nang pagkaka-upo para lang maharap nya ako, as if naman na makakapag-usap kami nang harapan eh nag-dri-drive ako.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon