Kabanata 7

35K 1.4K 112
                                    

Kabanata 7

"Anong susunod na laro?" tanong ko kay Ella.

"Basketball." Tinignan ako nito at dumapo ang paningin niya sa kamay ko. Agad niya itong kinuha at mariing tinignan. "Anong nangyari sa kamay mo? Ba't may benda?"

Ngumiti lamang ako. "Nadulas ang pinggan sa kamay ko."

"Ang lalim naman yata?" she asked. "At saka, paano na 'yan? Hindi ka makakalaro ng archery?"

Nagkibit balikat lang ako. "Ayos lang 'yan makakaya ko rin iyan," confident kong sabi.

Pero ang katotohanan ay hindi ko alam kung maisasaayos ko ba ang pagtira kung gayong hindi mabuti ang pakiramdam ko. Medyo mabigat ang katawan ko at parang gusto kong matulog.

"Halika na, magsisimula na ang laro. Baka 'di ko makita ang pag-entrance ni Baby Adam," tila kinikilig nitong sawika at kinaladkad ako papuntang gym.

Pumwesto kami sa harapan. Medyo pasiksikan pa bago ka maka-abot sa unahan. Mabilis akong hinila paupo ni Ella nang pumito ang referee.

Pumasok ang manlalaro sa kabilang panig. Napuno ng hiyawan ng mga kababaihan ang buong basketball court. Mga nagkikisigan at nagtatangkarang nga manlalaro. Hindi rin maipagkakaila na lahat sila ay may ibubuga sa hitsura.

Nang pumasok ang mga manlalaro sa aming panig ay halos mahingi ako sa sobrang tinis ng boses ng mga kababaihan. Huling pumasok ang lima. Mataman ko naman silang tinignan.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Aldrin at 'yung lalaking tumulong kay Ella ang nasa unahan. Sinundan naman ng dalawa na si Adam at isang lalaking hindi ko kilala. Nagpapahuli si Sir Jared, dala ang blankong titig at expresyong hindi mabasa-basa.

"Alas!"

Iyan ang paulit ulit na sigaw ng mga kababaihan. Alas? Iyan ba ang pangalan ng grupo nila? Ang weird naman ata?

Seryoso ang tingin ko sa lalaki mula sa kabilang grupo. Blanko ang tingin nitong pinupukol sa grupo nila sir Jared na nakatayo lang at pinapalibot ang tingin.

Nakita ko si Jennie na ikinakuyom ng palad ko. Nakagat ko rin ang labi ko dahil sumakit ang hiwa sa palad ko. Mahahawakan ko kaya ang pana? Gayong nasa kanang kamay ko ito at ito ang ihahawak ko sa pana. Sana naman makaya ko mamaya.

Nabaling ang tingin ko kay Ella nang siniko ako nito sa tiyan na ikinaungol ko. "Ano?!"

Nginuso niya ang court at sinundan ko ito ng tingin. Nakita kong nakatingin si Aldrin sa akin dala ang kanyang pamatay na ngiti habang kumakaway.

Ngumiti ako pabalik at tinaas ang aking kanang kamay nang maalala kong may sugat pala ako dito kaya ang kaliwa na lamang ang ginamit ko. Nakuha rin ng pagkaway ko ang atensyon ni Adam at nung lalaking tumulong sa akin dalhin si Ella sa clinic.

"Kilala mo sila?" takang tanong ni Ella nang mapansin niyang kumakaway ang dalawang lalaki sa akin. Tipid na ngiti lamang ang binigay ni Adam sa akin na ikinatili ng mga kababaihang nasa mas harapan pa namin at nasa likuran namin.

"See that girl? He smiled at me!"

"Wag ka ngang assuming, ako yung nginitian, hindi ikaw."

Pinilig ko nalang ang ulo ko. Girls were head over heels with those five men. Hindi rin naman iyan maitatanggi. Who would resist those five Greek gods? Siguro wala. Konting ngiti ay agad na matutunaw ang puso mo at feeling mo ay malalaglag ang panty mo.

Hanggang sa nagsimula ang laro, panay ang hiwayan nila. Banggit-banggit ang pangalan ng grupo nila sir Jared. Alas.

Kasalukuyang hawak ni Adam ang bola. Kita kong tumingin siya sa pwesto ng kalmadong si sir Jared kaya agad niya itong pinatalbog papunta dito dahil wala namang nakabantay. Kita ko ang pagharang ng paa sa kabilang panig kaya nadapa ang isa sa aming manlalaro. Agad rin itong tumayo na parang walang nangyari.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon