Kabanata 11

34.9K 1.2K 117
                                    

Kabanata 11

Masama akong nakatitig sa lalaking hanggang ngayon ay tulog pa rin. Hindi ko talaga na-expect na mawawala lang nang ganun-ganun ang first kiss ko!

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.

His soft lips pressed against mine.

Nanlalaki ang mata ko habang nakapikit naman ang kanya. Pinalapad ko ang aking palad sa dibdib niya upang itulak siya.

Parang nalayang dahon ang kamay ko na sa halip ay itulak, humawak ito sa sando sa bandang dibdib niya.

Reality strikes me when my phone rang. Agad kong tinulak si Sir Jared sa gilid ko at bumangon. Sinapo ko ang dibdib ko at huminga ng malalim.

D-did he just stole my first kiss?!

Agad akong bumaling sa lalaking lasing at inuga. Wala na akong pakealam sa cellphone kong panay ang pagtunog. "Hoy, Jared! Mag-usap nga tayo. Putanginamo! Hayop ka. Ninakaw mo unang halik ko!"

Ngunit kahit anong uga ko sa kanya ay 'di pa rin ito nagigising. Nanghihina akong napaupo sa kama ko. I lost my first kiss. Kinagat ko ang labi ko at tumayo. Sinipa ko ang paa ng isang silya. Ngunit sa halip na ito ay matumba ay mabilis kong hinawakan ang paa ko sa sobrang sakit.

"Ahhh!"

Kinagat ko ang labi ko. Bwisit! Sana pala hindi na ako sumama. Kung "di lang talaga tinugon ni Tita Sandra ay hindi talaga ako pupunta dito.

Paika-ika akong lumapit sa salamin habang dala ang eyeglasses ko. Napahinto ako nang makita ko ang sarili ko na walang salamin at nakalugay ang buhok.

Sa twing nasisilayan ko ang itsura ko pag ganito ay nasasaktan ako. Naalala ko ang nakaraan. My mind would always drift back to the past and I hate it.

Nilapit ko ang mukha ko sa salamin at tinanggal ang contact lense. Susuotin ko rin ito kung kailangan. Pero kung hindi, edi hindi. Wala na akong pakialam kung anong tingin sa akin ng ibang tao. Wala akong pakialam kung wala akong love life, ganda lang naman ang hanap ng mga kalalakihan sa mga babae diba?

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon