EPISODE 60

92.2K 1.2K 107
                                    

Maggie's P.O.V.

Katakot takot na kantyaw ang sumalubong sa amin ni Bernard habang lumalabas kami sa banyo. Paniwalang-paniwala sila lahat na nag-sex nga kami sa loob. Pawis na pawis kasi kami Bernard nang makita nila kaming lumabas. Ang init kasi. Nakapatay kasi ang central air sa bahay ng mga Montero.

Nasa gitna kami ng pagku-kuwentuhan sa salas ng mga Montero nang kinalabit ako Laura.

"O, bakit?" tanong ko.

Ngumuso ito sa banda ng kinauupuan nina Abby at Helga. Mukhang may sariling pinagbubulungan 'yung dalawa, habang kalong-kalong ni Helga si Jordanna.

"Ire-reserve ko na 'tong si Jordanna para kay Jasper ko ha, Abby?" mahina lang ang pagkaksabi ni Helga pero naririnig pa rin naman namin.

"H-ha? Hindi ba masyadong bata ang baby ko para kay Jasper?" sumulyap si Abby sa batang si Jasper, na nilalaro naman ang kamay ng sanggol si Jordanna.

"Ano ka ba? 6 years and few months lang naman ang agwat nila," Sagot naman ni Helga, "kapag malalaki na sila, hindi na issue 'yun. May iba nga 10 years to 20 years pa ang agwat pero ok lang. Ikaw ang kinakausap ko, pero si Jason na ang kakausap sa asawa mo."

"Uso pa ba ang kasunduan ngayon?" tanong Abby, "parang unfair naman yata para sa mga bata 'yan Helga. Kung magkagustuhan sila someday, ok lang. Pero kung kasunduan parang ayoko yata."

"Bakit naman infair? Sandali..." bumaling si Helga kay Jasper at, "Jasper, do you like baby Jordanna? You like her di ba?"

Ngumiti lang batang lalaki at saka tumango. Nagkatinginan kami ni Laura.

"Kalungin mo nga siya o..." ipinakalong nga ni Helga si Jordanna kay Jasper.

Kitang-kita naman namin ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha ni Abby.

"Mommy, can we take her home?" biglang sabi ng batang lalaki. Nanlaki ng mga mata namin ni Laura.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"No anak," sagot naman ni Helga sa anak n'ya. "but you may hold her right now. Ops, be careful." Inalalayan nito ang paghawak ng anak sa bata.

Tila huminto ang paghinga namin ni Laura sa takot na mailagpak nito ang sanggol. We are pretty sure what Abby's feeling is even worse.

"You will marry me someday, ok?" napanganga kami sa kagimbal-gimbal na winikang 'yun ng batang si Jasper sa walang kamuwang-muwang na sanggol na si Jordanna. At halos mapigtal naman ang aming mga panga nang bigla nitong hinalikan ang batang babae sa labi.

"Yan, I'm your first kiss."

Sinapo ni Abby ang kanyang gulat na gulat na mukha, habang si Helga nama'y tuwang-tuwa pa sa ginawa ng anak.

Omg! Pedophilia ba ang batang ito?

At ang ina! Ito pa ang pasimuno at kunsintidor? I know Helga and me are now in good terms, but that doesn't mean I will have to tolerate all her weird actions.

Hindi ko na natiis kaya ako na mismo ang tumayo at kumuha kay Jordanna mula kay Jasper. Pero para hindi halata, kunwari'y gusto ko lang talaga itong buhatin at i-ugoy.

Sinulyapan ko si Jasper. Nakasimangot itong tila gusto ng umiyak. Habang si Helga nama'y pinipisil-pisil lang ang balikat nito at...

"That's ok baby. You will have your turn again."

Will have his turn again? Ano? Para molestyahin ulit ang walang kamuwang-muwang na bata? Nope! Nope! Nope! Not when I am around.

"Thank you, Maggie." Bulong ng medyo nadismayang si Abby habang ibinabalik ko sa kanya si Jordanna.

S. T. Book 2Where stories live. Discover now