CHAPTER 6

1.3K 30 22
                                    

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER SIX

EeeeeeeeEEeeeeeeeEEeeeeeeeh!

Si Karen yun, kinikilig din. Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa text ni Ward na manliligaw na siya sa akin. Kaya ayun, parang busina ng kotse na nagtititili.

            “Anong sagot mo?”   

            “Sabi ko: sige…”

            “Hindi ka man lang nagpakipot?”

            “Bakit pa? Gusto ko naman siya.”

“Oo nga! So kilig, my gosh! Magkakaboyfie ka na rin, Welcome! Just like me!”

            “Do you think, manliligaw nga siya?”

            “Oo naman. Why would he text kung hindi.” Pero biglang natigilan si Karen, tiningnan ako, mula ulo hanggang paa. “Ay, baka hindi na lang siya manligaw.”

            “Bakit?” kinakabahan kong tanong.

            Iniharap ako ni Karen sa mirror sa girls’ c.r. “Look at yourself.”

            At tiningnan ko nga ang itsura ko salamin. “So?”

            “Ano’ng so? Wala kang kaayus-ayos. Paano naman magkakagana si Ward niyan sa iyo. At ano yang amoy mo?” Sininghot ako ni Karen. “Amoy longganisa ka.”

            Kinabahan ako. “Talaga? Tumulong kasi ako kay nanay kanina, e.”

            “Don’t worry. I have the solution here.” Yun lang at dumukot na si Karen ng cologne sa bag niya. Sabay spray sa akin. Mula ulo hanggang paa. Napaubo ako pero tiniis ko. Para kay Ward. Para huwag mapurnada ang pagko-court niya sa akin.

            “Now, face naman.”

            “Ano’ng masama sa face ko?” tanong ko.

            “Wala. You’re pretty. But there’s nothing wrong with enhancing it more.” At parang magician na kung anu-ano ang inilabas ni Karen sa kanyang bag. Blusher. Make-up. Eyebrow pencil. At para rin siyang painter and my face is her canvas.

            And again, iniharap niya ako sa mirror.    

Omg! I’m so pretty!

* * * * *

            Pagpunta ko nga sa classroom, maraming boys ang nagtinginan sa akin.

            “Welcome, ganda natin ngayon, a,” banat ni Cedric, ang basketball captain ng school.

            “Ihatid kita mamaya, Welcome,” si Monching naman yan na hinarang pa si Cedric, ang pinakamatalino sa batch namin.

            “Sabay tayo mamaya sa canteen, Welcome,” si Biboy, third year, pero feeling senior na. Mahilig yan manligaw ng ahead sa kanya, pero lagi ring busted.

            “Welcome, pautang daw ng tocino, sabi ng nanay ko. Sa katapusan ang bayad,” si Alvin naman yun, sa dulo ng street namin. Madalas nangungutang ng tosino at longganisa ang nanay niya sa nanay ko. Ewan ko ba kay Alvin at kailangang isingit ang dialogue na yon sa gitna ng mga adimirers ko.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon