004

505 56 74
                                    


dignity
─────────────

Hixiel

Inaantok pa ako. Ang tagal namin natulog kagabi at ang bastos lang iniwan nila ako alam naman nilang may sugat ako sa tuhod at siko. Ang hirap kaya kumilos.

Pinatunog ko yung leeg ko habang nag lalakad. Pagod parin katawan ko dahil doon sa amazing race na iyon. Tapos dumagdag pa itong katangahan nila Huero at Leirand na sa akin pa nila nabagsak yung prank nilang bulok-

Teka parang kanina ko pa to silang nakita nakatingin sa akin ah? Pinag chichismisan pa nila ako!?

"Kanina ka pa ah, pinag chichismisan niyo ako noh? Oh baka ngayon pa lang kayo naka kita ng mga sugat? Bigyan ko kaya kayo para yung sarili niyo nalang tignan niyo at hindi na ako" sabi ko sabay tango pa sakanila at tinaas baba ko yung kilay ko.

Umiwas naman sila ng tingin at napairap ako. Sus, sa ganyan lang talaga sila magaling- mas sumama ang tipla ng mood ko ng makita ko sa Huero naka sandig ito sa may pintuan habang naka pamulsa pa yung gago.

"Akala mo cool ka tignan kanina? Hindi, nagmumukha kang matandang naningil  ng utang" binato ko yung sling bag sa kanya pero sinalo niya ito. Ito yung mayabang.

"Kung ikaw kaya singilin ko sa utang mo? May panahon ka rin sa akin Huero, lalagyan din kita ng sugat putang ina mo-"

"Hindi ka nga astig pakinggan kapag nag mumura-"

"Sana ol may panahon kay Huero" biglang sulpot ni Leirand kaya hinila ko yung buhok niya habang papasok kami sa room. Pero natigil ako dahil parang kakaiba yung aura sa room. Parang kanina lang tinitignan ako ng mga kaklase namin, hindi lang ako kami lahat ng barkada ko.

"Problema nila? Hindi niyo ba napapansin yung mga titig nila?" tanong ko kina Leigh pero umiling lang siya at nagpatuloy sa ginagawa. Si Synver ayun kausap si Gallem habang si Rovier naman nag aaway sila ni Rhesia. Si Gannet at Steilah nag uusap.

"Dudukutin ko iyang mga mata niyo kakatitig eh" bahad ni Leirand sa kanila. Ang weird lang bakit ba sila ganyan? Hindi naman ako artista para pag usapan.

Sana hindi nalang ako pumasok ang sakit talaga ng katawan ko. Nagmumukha rin akong kawawa-

"Lakas ng loob nila pumasok at manakot eh sila lang rin ang dapat matakot"

"Hindi pa ata nila alam na nalaman na ng office yung mga beer, lakas talaga ng loob nila porket apat sa kanila kabilang sa elite ten"

"Ano naman kwenta ng elite ten kung ma eexpel sila?"

Beer? Sino kami? Teka lang bawal naman talaga beer dito ah? Tsaka hindi kami nagtatapangan dahil may 4 kaming elite ten sa barkada. Sadyang matapang lang talaga kami-

Nabigla ako ng tumayo si Steilah pero natumba yung upuan niya. Yung mukha niya ay para bang handa na siya sumabak sa laban. Napakurap ako ng tumingin siya sa akin ng masama at sa iba pa. Hindi ako nakapag salita at tinignan siya lumabas sa room.

"Anong problema ni Steilah? May na sabi ka bang mali Gannet?" kalabit ni Rhesia kay Gannet.

"Maayos naman kami nag usap pero bigla nalang siya naging ganun" natahimik kami at agad kong tinignan si Synver na agad rin lumbas. Mukhang susundan niya ata si Steilah.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon