Chapter 20

97.1K 3.1K 294
                                    

Thank you for constantly waiting for the update.

...

Chapter 20

"Dissociative amnesia."

Napamulagat si Theo pagkatapos sabihin iyon ng doktor.

"Say that again, Doc?"

He was able to inject a sleeping pill on Liberty kaya nadala niya ito pauwi sa kanila.

"You heard it right, Mr. Montreal. Sinabi mo na noong huling pagkikita ninyo ay wala pa siyang masyadong naaalala pero kanina ay bigla na lang naalala niya ang lahat, hindi ba?"

"Ye-yes, Doc." Ang totoo'y abot-langit ang kab ni Theo kanina. Dumating n aba ang araw na kinatatakutan niya?

Theo stared at Liberty's face. Hindi niya gustong gawin ito sa kanya ngunit wala siyang ibang paraan. Tama si Sid, for once, he should tell her the truth. Bahala na kung lalo itong magalit sa kanya. Bahala na kung masira niya ang yumao niyang kaibigan. He has to fix everything between him and Liberty.

"She's suffering from dissociative amnesia. In her case, mukhang situation-specific amnesia ito resulta ng post-traumatic disorder. Siguro ay hindi kinaya ng emosyon niya ang pangyayari sa nakaraan. Mostly, nangyayari ang psychogenic amnesia kapag gustong takasan ng tao ang napakasakit na nararamdaman niya."

Parang piniga ang puso ni Theo habang tinitingnan niya ang tulog na tulog na si Liberty. Hindi niya ito masisisi. Siya ang nakatanggap ng pugot na ulo ng kuya niya na ipinadala noon sa kanilang bahay. Fck! He don't want to remind himself of that again!

"An emotional shock can disturb someone's mind, iho. Marahil sa kagustuhan niyang matakasan ang naranasan niya ay nagkaroon siya ng post-traumatic disorder. Dissociative amnesia blocks dangerous memories from entering her consciousness as kind of self-preservation, but technically, those memories remain in her subconscious. May mga stress hormone  langna nagba-block ng mga iyon para mapasok ang consciousness niya."

"So that explains why she suddenly remembered everything?" Theo mumbled.

"Exactly, Mr. Montreal. Nati-trigger and mga memories na iyon kapag malapit siya sa mga bagay na makakapagpaalala sa kanya. Sa ibang cases nga, may mga pasyente na nagpapakamatay dahil dito. Masuwerte ka lang dahil matapang ang girlfriend mo. Kung hindi suicide ay nagre-resort iyon sa galit at iba pa."

Horror filled Theo's heart. He knew exactly what Liberty is capable of. Gusto niyang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman nito. Kung puwede lang sanang siya na lang, handa siyang indahin ang lahat ng sakit.Gano'n niya ito kamahal.

"Then why can't she remember me before, Doc? Does that mean ginusto niya rin akong kalimutan?" Theo asked.

Dahan-dahang tumango ang doktor sabay pamulsa sa suot nito.

"Technically, yes, Mr. Montreal. Episodic memories ang kinakalimutan ng pasyente, ibig sabihin madaling ma-trigger ang alaala niya kapag malapit siya sa'yo. Kaya rin siguro agad na bumalik ang memories niya. We just can't tell kung hanggang saan na ang naaalala niya, unless magising na siya."

Theo nodded his head. His heart was clouded with emotion. Magkahalong habag at pangunguila ang nararamdaman niya.

"Sige, Doc. Thank you for your time. Ipatatawag na lang kita ulit kung kailangan," aniya.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon