Chapter 31: Thank You

14.4K 424 29
                                    

ZEY'S POV

Marahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ang puting kisame at ang amoy ng mga gamot

Nagtatakang umupo ako sa kamang hinihigaan ko

"Anong nangyari?"bulong ko habang nililibot ang tingin sa kuwarto

Napalingon ako ng bumukas ang pinto at pumasok si...

"Mond?"

Tumayo siya sa harap ko at nilagay sa bulsa ang dalawang kamay

"Pwede ka na daw lumabas ng hospital..Pero kung hindi mo pa kaya dito ka na muna.."

"Hospital?Bakit nasa ospital ako?"tanong ko sa kanya

"Hindi mo ba matandaan kung anong nangyari sayo?"tanong niya habang nakakunot ang noo

Inisip niya kung ano nga ba ang nangyari sa kanya

"Kahapon pa ba akong nandito?"tanong ko sa kanya

Umiling naman ito

"Dumalaw kahapon sila Diel dito.Hindi alam ng mga magulang mo ang nangyari sayo.Nung isang araw ka pang natutulog diyan sa kama na yan."

Nakagat niya ang ibabang labi at napasapo sa noo

Ito na naman ba?

"Alam na rin ng mga teacher ang nangyari sayo kaya wag ka ng mag alala."

Tumango na lang siya at tumayo na.

"Uuwi na ko."

"Ihahatid na kita."

Umiling ako

"Okay na ko."

Wala ng nagawa si Mond at hinayaan na lang siya makaalis ng ospital.

----

"Sure ka bang okay ka lang talaga?Napapadalas na kaya yang pagsakit ng ulo mo.Tapos ngayon eto,ilang araw kang tulog."nag-aalalang sabi ni Deil

"Okay na nga ako."iritang sagot ko sa kanya

"Pwede kang samahan ni Yumi sa unit mo.Para may magbantay sayo."sabi ni Diel

Umirap naman ako

"Mukha bang malala yung lagay ko?"

Natahimik naman sila

"Saka isa pa,walang magbabantay sa nanay ni Yumi kung sa unit ko siya titira."

"Okay lang naman mapapakiusapan ko yung kapitbahay namin."

"Ayoko.Okay na ako."sabi ko at naglakad na papasok ng room

Nakita ko pa ang pagtingin sakin ng masama nung panget na hari nila.

Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na sa upuan ko.

"Uy Mond!Saan ka ba galing?Kahapon ka pa wala.."rinig kong sabi ni Pier kay Mond

"May inasikaso lang ako."sagot nito

Napatingin ako kay Deil ng sikuhin niya ko

"Hindi pumasok si Mond kahapon para lang magbantay sayo.."

Napataas naman ang kilay ko

"So?"

"You should thank him girl.."sabad ni Diel

Nagsalubong naman ang kilay ko at napatingin kay Mond na nakatingin din sakin

Pero hindi siya ang napansin ko kundi yung kutong lupa na ang sama talaga ng tingin sakin

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon