Chapter 32: Memories

14.7K 400 9
                                    

MOND'S POV

"Oh,bilisan mo baka matunaw yan."abot ko sa kanya ng Ice cream

Kinuha niya agad yun at nakakunot noo pa ring napatingin sakin

"Tignan mo oh?Biyahe pa lang ginabi na tayo.Pano pa kaya pag uwi?"

Nginisihan ko naman siya at pinitik ang noo

Inis naman niya kong tinignan at hinimas ang noo kung saan ko siya pinitik

"Pwede namang dito na tayo matulog HAHA"

"Tss?Nasisiraan ka na ba?Mas gugustuhin ko na lang ang umuwi ng gabing gabi na noh."

Nagkibit balikat na lang ako

"Treat mo na ko..."sabi ko sa kanya

Napatingin naman siya sa paligid

"Saan mo ba gusto?"tanong ko sa kanya

Tinuro ko naman yung paborito kong kainan dito sa tagaytay.

Tumango na lang siya at naglakad na kami papasok sa Josephine Restaurant.

"Ako na oorder.."sabi ko at tinawag ang waiter

"Dalawang order ng Pancit Seafood saka Halo-halo."sabi ko at umalis na ang waiter

"Bakit parang alam na alam mo na mga pagkain dito?Ni hindi ka man lang tumingin sa Menu book."tanong niya sakin

Ngumiti naman ako at nilapat ang siko sa mesa

"Dito kasi ako palaging nakain noon pag napunta ako sa tagaytay...Kasama yung...Kaibigan ko."

Napataas naman ang kilay nya

"Edi dapat yung kaibigan mo na lang na yun yung sinama mo dito.."sabi niya at tumingin sa menu book

Mapakla naman akong ngumiti

"Hindi na ata niya ako kilala eh.."

Napatingin siya sakin

"Panong hindi ka na niya kilala?Nagka-amnesia rin ba siya tulad ko?"kunot noo niyang tanong

Nagkibit balikat naman ako at saktong dumating na ang order namin

Napatingin ako kay Zey ng una niyang tikman ang halo-halo..

Napatigil ito at napakunot ang noo..

Napatingin siya sakin kaya nginitian ko lang siya

"Masarap ba?"

Kunot pa rin ang noo niya bago muling sumandok sa halo-halo

-------

ZEY'S POV

Nang dumating na yung order namin agad kong tinikman yung halo-halo.Mukhang masarap kasi kaya sumandok na agad ako.

Napatigil ako ng malasahan ko ang halo-halo.

Para bang natikman ko na siya....

Napakunot ang noo ko at napatingin kay Mond

"Masarap ba?"tanong niya sakin

Lalong kumunot ang noo ko at sumadok ulit ng isang kutsara.

'Ang sarap talaga ng halo-halo nila dito.Tapos ipartner mo pa sa Pancit Seafood.' nakangiti kong sabi

'Oo naman,kaya nga dito kita dinadala lagi diba?'

Napapikit ako at napahawak sa ulo ng maramdaman ko itong sumakit..

"Hey?Are you okay?"tanong ni Mond

Nakagat ko ang ibabang labi ko at tumango

"S-sumakit lang yung ulo ko."

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon