"Pag meron talagang tyaga. Ika'y pinagpapala."
--
/DASURI/Pasado alas-syete ng gabi. Nakatanaw ako sa garahe ng bahay mula sa bintana ng kwarto namin ni Kai. Inaabangan ang pag-uwi ng gwapo-gwapo kong asawa. Pagkatapos ng usapan namin ni Sehun. Buo na ang desisyon ko.
"I'll be his favorite secretary," saad ko habang may ngiti sa aking mga labi.
Company NAMIN 'yon. Wala kong nakikitang masama kung gustuhin ko mang magshare ng time and effort para 'don.
Tuluyan nang sumilay ang matamis na sa aking mga labi ng makita ang asawa kong bumababa sa kanyang sasakyan. Nagmamadali naman akong bumaba upang pagbuksan sya ng pintuan.
"Welcome home,hubby." I gave him a peck on his lips. Kahit halatang pagod ay nagawa pa rin nitong yakapin ako't bigyan ng halik sa aking tyan.
"Kamusta ang first day sa trabaho?" Sinubukan kong kunin 'yung maletang hawak-hawak nya pero inilayo nya sa'kin 'yon.
"Ako na," Naglakad kami pareho sa sala. Ibinaba nya ang kanyang maleta at saka marahang umupo sa sofa.
Dali-dali naman akong naupo sa sahig para sana tangalin 'yung suot&suot nyang sapatos. Kaso pinigilan nya rin ako agad.
"Ako na,baka maipit pa si baby dahil sa ginagawa mo."saad nya habang inuumpisahan na ang pagtanggal nung mga sapatos. Wala na kong nagawa kundi ang ngumuso na lang at umupo sa tabi nya.
"Gusto ko lang naman na pagsilbihan ka." wika ko rito.
Huminto si Kai sa kanyang ginagawa at tumingin. "No need. Ang manatili ka lang sa tabi ko,sapat na." Hindi ko namalayang nakangiti na pala ko dahil sa sinabi nya.
Aigoo. Lumalandi ang loko.
"Halika nga rito," iniusod nya ko papalapit sa kanya sabay yakap sa'kin ng mahigpit. "Argh." he groaned. "I missed you,wifey. Isang araw pa lang kita hindi nakasama pakiramdam ko isang taon na. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?" He leaned on my shoulder and rest.
"But I need to work harder hindi lang para sa atin kundi para narin sa kanya." sabay haplos nito sa aking tyan.
Hinawakan ko naman ang kamay nyang nakapatong sa tummy ko. "Yon lang ba ang problema mo? May solusyon ako dyan." abot tenga kong ngiti. Okay, this is it. Pancit! Mukhang makakakuha na ko ng tyempo para sa binabalak ko. Pag meron talagang tyaga. Ika'y pinagpapala. Hahaha.
"What do you mean?" makikita mo ang kuryosidad sa mukha ni Kai. Bahagya ko naman syang hinarap.
"Sabi mo nami-miss mo kami ni Baby. Gusto mo lagi mo kaming nakikita 24 hours a day? Nababantayan kung nakakakain ba kami sa tamang oras? Or safe ba kami lagi?"
"Uh huh.." Kai nodded.
"Edi gawin mo kong personal secretary. I'll be on your side 24/7. Kahit wala nang sweldo. Handa akong magsilbi para sa'yo."
- -
/KAI/"Edi gawin mo kong personal secretary. I'll be on your side 24/7. Kahit wala nang sweldo. Handa akong magsilbi para sa'yo." sobrang lapad ang ngiti ni Dasuri habang nagniningning ang mga mata nito.
Hindi ko maiwasing mapakunot ang noo habang nakatitig rito. 'Is she out of her mind?'
"No.." sabay iling dito. Nagulat ito sa naging sagot ko pero di sya nagpatinag. Mas humarap sya sa akin at pinilit akong kumbinsihin.
"Sige na, pumayag kana. Hindi naman ako manggugulo e. Magiging productive ako. Siguro sa umpisa mangangapa ako pero matututunan ko din naman 'yon e."
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias