Ikadalawamput-Dalawang Yugto

66 1 0
                                    

NANDITO AKO SA ROOM ngayon wala pa kaming teacher kaya syempre chikahan na muna kami.

"Sam sabi nung gwapo dun kanina sabay daw kayo maglunch, may sasabihin daw siya sayo kilala mo ba yon?" tanong ni Shellsy sakin.

"Ay! Oo ano nga pangalan non? Klark, Ken?" Nakisali narin si Darlynn

"Klenth?" putol ko sakanya.

"Ayon! Oo yung klenth, uy sino yan! Baka magselos ang boyfie ha!" Paalala ni Trexy na nagliliptint na ngayon.

"Tama! Tsaka di kana nagkukwento. Paano kayo nagka-kilala nung gwapong klenth na yon? Malamang magseselos si Papa Thed nyan" Nakangusong sulpot naman ni Jhacyl.

Hindi ko na sila na sagot dahil may biglang umagaw ng pansin namin halos mabingi kami dahil sa tilian ng mga babae kong kaklase.

"I need to talk to your President, where is she?" speaking of the Papa's.

"Ayan na girl ang boyfie mo pero mukhang may monggoloid na kasama" nangiwi na lang kami dahil dala ni Thed ang tropa niya.

Si Carl, Zen, Vine, Kyke. And yes nakabalik na ang Carl. Isang araw lang pala siya sa 'Palawan' fake news daw na nasa ibang bansa siya.

"A-ahm, ano andun si Ms. President. Pasok kayo" hindi na sinagot ni thed yung kaklase kong babaeng nagpapasok sakanila basta nalang sila walang habas na pumasok at pumunta sa harap naming mga girls.

"So, what brought you here? I thought you're looking for me?" Taas kilay kong tanong sa kanila.

"Aayain lang namin kayong maglunch, kung ok lang? Since, kumpleto na tayo ule" masayang ulat ni Zen na kinindatan pa si Darlynn. Tusukin ko kaya mata neto?

"Maaga pa para mag-aya kayong maglunch." Tamad na sagot ni trexy. Tamo to? Dami pang sinasabi 'hindi' rin naman ang sagot niya sa huli.

"Assignment." Simpleng sagot ni Darlynn na nagsusulat ng notes.

"Ok lang sakin!" Masayang sambit ni shellsy na nasatabi na agad ni kyke na nakaakbay na dito

"Hoy babaita! Manigil ka, lumayo ka dyan" singhal ni Trexy kay Shellsy. Nakanguso namang lumayo si Shellsy kay Kyke.

"Busy ako." Sagot ni Jhacyl na nakaupo sa tabi ko, sa gilid ko naman ay si Trexy bale gitna nila ko, salikod namin si Darlynn at Shellsy. At nasa harapan naman ang boys.

Napansin ko na lang na sakin na sila lahat nakatingin.

"Ikaw girl sama ka?" Nakangiting tanong ni Shellsy na tumataas baba pa ang kilay.

"I Can't" simpleng sagot ko.

"Why?" Seryosong tanong ni Thed

"May date ang girlfie mo" inosenteng sagot ni Trexy na katatapos lang magtali. Ba't ba paganda siya ng paganda?

"Who?" Kunot na ang noo niya siniko ko naman si Trexy na parang hindi niya naiintindihan ang mga sinabi niya.

"Oops! Sorry" tiim labing sambit ni Trexy, lalong nangunot ang noo ni Thed. Gusot na ang mukha ng loko.

"It's not a date." Pangunguna ko sa kanya.

"Labas na, dadating na si Sir. Let's talk later. Bye!" dire-diretso kong sabi.

Kaya wala na silang nagawa kundi bumusangot habang nalabas. Nang makalabas sila halos sabay sabay na gumalaw ang palad namin para batukan si Trexy.

"Aray!! Mga girl!" Hinamas himas niya pa ang batok niya bago kami tignan ng masama.

"Bunganga mo walang tigil!"

"Ang insensitive mo, girl!"

"Grabe ka"

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now