21 ~ Pain

267K 8.6K 1.3K
                                    



CHAPTER TWENTY ONE

ANG KULAY kahel na ulap ay ang hudyat na lilipas na naman ang isang araw na hindi ni Brooke kasama ang nag-iisang babaeng ipinagdarasal niya gabi-gabi na sana ay bumalik na. Ang mommy niya.

At the young age, he already question God, why does he and her mother need to be separated? Is he a bad little boy to be punished like that? Every night, he prayed for his mother to come back home, but God didn't hear him.

"I wonder where is my mommy." He said to his yaya Lannie, who's sitting next to him on the bench. They are in a park near the mansion. "Ang sabi mo babalik po ang mommy ko. Naghintay ako, yaya, pero bakit wala parin siya?"

Napabuntong hininga ang babae. Ito ang palagi niyang kasama sa park tuwing hapon para panoorin lang ang kulay kahel na ulap. Kapag nag nagdilim na ay saka lang sila uuwi.

"Hindi ko rin alam senorito. Sana nga ay bumalik na si senorita."

"Sana..." malungkot na sabi niya, hindi nawawalan ng pag-asa.

"Gusto mo ba ng maiinom? Kukuha ako sa sasakyan." Bagsak ang balikat na tumango siya. "Huwag kang aalis dito, ha? Sandali lang ako."

"Okay, yaya."

Sinundan niya pa ng tingin si Lannie papunta sa naka park na sasakyan sa bandang likuran niya at nang ibalik niya ang tingin sa harap ay kumunot ang noo niya nang may hindi kilalang babaeng tumabi sa kanya.

"Hi, I'm a friend." The woman who has a same age with his mother, said to him.

"I don't know you. I don't wanna talk to a stranger."

The woman gave him a friendly smile, and something on that smile comfort him.

"I came here to give you this, Brooke." Nakuha ng babae ang buong atensyon ni Brooke nang banggitin nito ang pangalan niya. "This," Inilahad nito sa kanya ang isang sobre.

"Why did you give me this?" Brooke shows her the small white envelope.

"Its from your mommy,"

Little Brooke eyes widened in surprised. "My mommy? Where is she? I wanna see my mommy! Bring me to her, please?"

The woman smile sadly at him, and that smile lose his hope.

"I'm sorry, Brooke. But I can't do that."

"Why not?" Little Brooke asked in a low hopeless tone.

Marahan na hinaplos ng babae ang likod niya, inaalo siya. Nakayuko siya habang malungkot na nakatitig sa sobreng hawak niya. Sulat marahil iyon galing sa mommy niya? Pero bakit kailangan pa siyang sulatan? Hindi ba pwedeng bumalik nalang ito sa mansyon para sumaya ulit siya? Para hindi na siya iiyak tuwing gabi? Para hindi na siya maiinggit sa mga kaklase niyang may kumpletong pamilya.

"Your mommy wasn't here. She's away. She can't visit you right now."

Lalo siyang nalungkot. Ang gilid ng mga mata niya ay nanunubig na, nagbabadya na naman ang mga luhang tuwing gabi niya lang hinahayaang mahulog, kapag mag-isa siya sa silid niya.

"Gabi-gabi naman po akong nagdadasal na sana bumalik na ang mommy ko. Hindi ba ako naririnig ni Papa Jesus?"

"H-hindi naman sa gano'n-"

"Bad ba ako? Hindi ba ako love ng mommy ko? Kaya siya umalis?"

"Hindi. Hindi." Halos yakapin na siya ng babaeng hindi niya kilala. Parang nasasaktan sa mga tanong niya. "Mahal ka ng mommy mo, Brooke. Pangako, mahal ka niya."

Territorial Men 3: Brooke Montero (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon