TTG: 37 - Rejection

4.8K 109 7
                                    

Kezya's pov.

Ngayon ay ang araw ng practice namin para sa pageant. Maraming nagulat nung nalaman nilang kasali ako sa pageant, syempre pinagtawanan nila ako.

Sino ba namang hindi matatawa. Ang isang nerd at pangit na katulad ko ay mapapasali sa isang pageant? 'Yung iba nga hindi pa naniwala eh.

Sila Alexa at Thea naman, syempre ayun nagulat pero sa huli, natuwa din sila. Susuportahan daw nila ako saka syempre si Marga at Alisa, nandito din para sa'kin. Ang sarap pala magkaroon ng mga kaibigan, noh?

Dati, loner lang ako. Wala akong ibang ginawa kung hindi magbasa ng magbasa ng libro. Nasa libro lagi 'yung atensyon ko n'un at wala akong pakialam sa paligid, binubully din ako well hanggang ngayon din naman eh. Pero nagulo 'yon nang biglang dumating ang mga taong sumusuporta sa buhay ko.

Hindi ko akalain na dadating sa point na magkakaroon ako ng kaibigan na tulad nila. Akala ko nga habang buhay na akong nagbabasa ng libro at nerd wahaha.

So ayun nga, Friday ngayon. Then, dismissal na namin. Sabi daw ni Sir Lay, magpractice na daw ako. Magpractice mag ano? Tapos ang sagot niya, " magpractice kung paano rumampa. May alam ka ba talaga sa pageant? " pabiro niya 'yan sinabi.

Obviously, wala akong alam,sa mga ganyan. Nerd lang ako mga teh, wala akong interest sa mga ganyan. Hayy ba't ba kasi ako pumayag payag sumali dito eh.

" Tara na, Kezya! " sabay sabay nilang sabi.

Lumabas na ako ng room at sinalubong ko sila. Nagulat ako kasi andito silang lahat. Si Marga, Alisa, Thea, Alexa at Rein. Wow lang, ah? Magpapractice din ba sila magrampa? Wahaha

Naiilang pa rin ako kasi nandito si Rein eh. Bakit ba kasi siya sumama?

" Rein, nandito ka rin pala? " tanong ko pagkalabas.

Ngumiti siya sa'kin saka tumango. Alam niyo 'yung ngiti niya? Ang gwapo eh. Ang gwapo niya shet!

" Andito ako para suportahan ang babaeng gusto ko. " sabi niya sabay kindat.

" Ayieeeeeee! "

" Si Kezya oh, kinikilig!!! "

" Baka langgamin kami dito "

" Hahaha! "

Tinukso nila akong apat. " Ha? Hindi naman ako kinilig, ah? " nahihiya pang sabi ko pero sa totoo lang, namumula na 'yung pisngi ko. Feel na feel ko! Nakakahiya tuloy. Oo na, ako na 'yung kinilig. Si Rein kasi eh!

Bakit kailangan niya pang,sabihin na gusto niya ako sa harapan pa nilang lahat, ah?

" Weh? Bakit namumula mukha mo? " tukso ni Alisa at nagtawanan sila.

Ano ba 'yan nakakahiya tuloy. Tinignan ko si Rein at nakangiti siya ng malapad sa'kin.

" Ano ba 'yan, haha. Tara na tama na 'yan. Mabuti pa pumunta na lang tayo sa gym. Doon natin ipractice 'tong si Denisha. "

Sumang ayon na lang ako sa kanila, wala naman akong magagawa. Nauna silang maglakad habang kami ni Rein, inniwan sa likod. Talagang iniwan ako nung mga 'yun? Ang rude eh huhu.

Ang awkward tuloy. Magkasabay pa kami maglakad ni Rein. " So, sasali ka pala sa pageant? " tanong niya.

Ay hindi. Hindi ako sasali. Sasali lang ako. " Oo nga eh, ayoko sanang sumali kung hindi ako pinilit ni Sir Lay. " sabi ko.

Narinig kong tumawa siya ng konti. " Why not? "

" Ayoko kasi sa mga pageant pageant na 'yan, alam mo namang nerd ako at hindi naman ako bagay sa mga ganun. " sabi ko.

 Tutoring the GangsterWhere stories live. Discover now