Chapter 34: Kung Puwede Lang

3K 156 30
                                    


BLUE'S POV:

       Pag-uwi ko ay agad akong nag-saing. Ininit ko na lang ang natirang ulam noong tanghalian. Habang nag-aasikaso ako sa kusina ay kasama ko si Jessica at gumagawa ng assignment.

      Si Yul naman ay nanonood lang ng TV. Sinilip ko siya sa salas at mukhang tuon na tuon ang mata niya sa basketball. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng short ko at mabilis na nagtype.

      "Hi Boo. Ope ur fine. Me hir cooking. Miss u."

      Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ng magvibrate naman ito. "I'm fine esp. wen Im w/u. Geh luto ka na, still driving. Traffic ahuhuhu."

      Napangiti naman ako pagkabasa ng text niya.

     "Eyes on the road honey.. Iloveyou so much. Laters."

    Hindi ko na hinintay ang reply niya at inoff ko na ang cp. Nagsimula na akong maghain.

     "Baby dinner muna tayo. Okay na ba homework mo? Maya help kita."

     "Done na po Mommy," sagot niya habang iniisa-isa niyang isoli sa box ang mga colors niya.

     "Very good anak ah, naubos mo baon mo."
     "Yes po pero wala akong drinks."
     "Ha? Bakit?" Bigla akong umupo at humarap sa kanya. Sinara niya 'yung notebook niya saka tumingin sa akin.

     "Ewan ko po. Walang nakalagay sa lunchbox ko eh. Late na daw po, di makita ni Daddy 'yung inumin ko."
     "Haaay! Hamo na anak. Hindi pa kasi sanay si Daddy sa bahay."
     "Malaki po ba ang ref natin? Bakit di po niya nakita?"

     Ginulo ko ang buhok niya. "Ikaw talaga, forgive Daddy na. Paano ka uminom?"

     "Nakishare po ako sa katabi ko. I think I like…dutchmill too."

     "Sige, mag-grocery ako bukas? Akina 'yang gamit mo, kain ka na."

     Pumunta ako ng salas. Tulog na sa sofa si Yul. Ano ba ginawa ng lalaking ito? Eh wala namang nabago sa bahay namin? Pinatay ko ang Tv. Sa kawalan ng ingay ay may narinig naman akong paunti-unting patak sa bubong hanggang biglang buhos ang ulan.

       Binalikan ko si Jessie sa kusina hanggang maalala kong may nakasampay ako sa labas. Sumilip ako sa likod bahay para lang makitang hindi nahango ni Yul ang mga damit. 😠 Dagli akong lumabas para kunin.
Kasama sa mga nabasa ang uniform namin ni Jess para bukas. Inis na inis ako.

      "Anak, ayusin ko lang ulit ito. Wala tayong uniform bukas. Ano ba ginawa ni Daddy pagkasundo sa 'yo?"
     "I don't know Mommy kasi nag nap ako pag-uwi."
     "Hindi siya tumayo?"
      "TV po. Dyan lang siya."
      "Sige na, ubusin mo na 'yan."

      Sa banyo ako unang pumunta para magshower ng mabilis dahil naulanan na ako. Tapos saka ko sinalang ulit sa washing machine mga damit.

    Kinuha ko ang cp ko at tinext si Ocean ng crying emoji.😭 Naninikip talaga dibdib ko sa inis.

      "Oh why? Batit umiiyak ang mahal ko?"
      "Pagod."

     Ayokong magdetalye ng nararamdaman ko sa nangyari dahil ayokong mafeel ni Shan na lagi ko lang siyang hinihingan ng mga sama ng loob ko. Nakuwento ko na sa kanya ang ilan kaya hanggang do'n na lang 'yon at ayoko ng dagdagan pa.

      "Aaaw… given na ang mapagod diba? Kasi Mommy ka? Massage na lang kita bukas? Sundo kita?"

      Napangiti ako. Iniisip ko pa lang ang pakiramdam ay gumagaan na pakiramdam ko.

 Blue OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon