Kabanata I

40.1K 1.2K 480
                                    

Alexis Garcia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexis Garcia

Ingay ang sumalubong kay Alexis nang makapasok siya sa loob ng cafeteria ng unibersidad. Ang iba ay abala sa pagkain habang karamihan naman sa mga estudyante ay abala sa pakikipag-usap. Iginala niya ang tingin para maghanap ng bakanteng upuan. Panay ang paglinga niya ngunit bigo siyang makahanap ng uupuan. Palagi namang crowded ang cafeteria at sanay na siya na walang maupuan pero iba kasi ang dami ng estudyante ngayon. Tila ba dumoble ang dami nito kaysa nitong mga nakaraang araw.

May mga babae na inalok siyang makisalo sa lamesa nila at lahat ng iyon ay nakangiti niyang tinanggihan. Sigurado si Alexis na hindi siya makakakain ng maayos kung tatanggapin niya ang mga alok nito.

Kilala si Alexis sa unibersidad dahil matalino siya, may itsura rin. Sa katunayan niyan ay maraming nagsasabi sa kanya na mukha siyang babae. He has this angelic and innocent face. Medyo singkit ang mata at mahaba ang pilik mata. Sakto lang din ang kapal ng kilay. May katangusan ang ilong and he has a kissable lips. Maputi rin siya, sa katunayan niyan ay madali siyang mamula. Kapag nahihiya, tumatawa, galit o naiilang ay namumula agad ang mukha niya. And some of his classmates find it cute.

Susuko na sana siya sa paghahanap nang may tumawag sa kanya. There he saw his bestfriend, waving at him. Sinisigaw pa nito ang pangalan niya. Sinenyasan niya na huwag itong maingay pero sadyang matigas ang ulo ng kaibigan. Panay pa rin ang pagkaway at pagtawag nito sa kanya.

"Alexis! Nandito ako!" Sigaw ulit nito.

Napapatingin na kay Paulo ang ibang estudyante. May iilan na naiinis at ang iba naman ay parang walang pakialam. Lumapit na siya sa lamesa kung nasaan ang kaibigan para naman tumigil na ito at nang hindi na maka abala pa ng iba. Pabiro niya itong sinuntok sa braso bago siya tuluyang umupo.

Mabuti na lang at nakita siya nito kung hindi ay baka sa bench ng field nanaman siya kumain, ang init pa naman.

"Himala at hindi ka sa field kumain." Aniya Paulo bago sumimsim sa hawak na coke in can.

"Muntik na, kung hindi mo lang ako tinawag sa malamang nakabilad nanaman ako sa araw habang kumakain ng sandwhich." Inalok niya ang kaibigan. "Gusto mo?"

"Thank you na lang, tol." Sinensyasan siya nito na kumain na na agad din naman niyang ginawa.

Pinaghalong tunog ng mga kubyertos, yapak at boses ang loob ng cafeteria. Panay naman ang tango ni Alexis sa kaibigan nang magsimula itong magkwento ng kung anu-ano. Abala siya sa pagkain nang aksidenteng narinig ni Alexis ang pinag-uusapan ng dalawang babae na nasa kabilang lamesa. Nilingon niya ang mga ito dahil sa kyuryosidad.

"Magsisimula na raw mamaya ang laro."

Kumunot ang noo ni Alexis sa narinig. Laro? May laban ba ang basketball team ng unibersidad mamaya? Iyan ang unang sumagi sa isip niya.

"Hindi ba't ipinagbawal na ni Dean ang larong 'yon?"

"Oo, pero ibinalik ulit pero this time, pasikreto ng lalaruin." Sagot naman ng babae sa medyo mahinang boses. Tila ba ayaw nitong may makarinig sa sasabihin niya.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon