CHAPTER 185

2.4M 54.2K 102K
                                    


MAX'S POV

NAGUGULAT AKONG tinitigan ni Sensui. Inaasahan ko nang nawala sa isip niya ang tungkol sa anniversary namin. Nasaktan at nalungkot ako sa gano'n kaliit na bagay. Pakiramdam ko tuloy ay ibang tao ang kaharap ko. Bagaman kasi inaasahan ko na, meron pa rin sa 'king umaasa na maaalala niya.

'Yon kasi siya, eh...

Pinigilan kong malungkot. Ayaw kong maging emosyonal at mas lalong ayaw ko na makita niya 'yon. Hindi ito ang tamang oras para ro'n. Lalo pa at ganiyan ang kaniyang lagay. Pakiramdam ko ay hindi niya magugustuhan at iisipin na nag-iinarte lang ako. Mas sasama ang loob ko kapag gano'n ang nangyari.

"Sorry, babe, nawala sa isip ko," halatang kabadong aniya. Natinag ako at tumitig sa kaniya. "Naging busy kasi ako sa pag-aaral at doon ko talaga ibinuhos ang buo kong atensyon at oras." Batid kong nagsasabi siya nang totoo, hindi ko rin dapat na kuwestyonin ang bagay na 'yon.

Maganda ang dahilan niya, Maxpein. Pag-aaral.

Ngumiti ako kahit na ang totoo ay nalulungkot pa rin ako. Sa kabila nang katotohanang naiintindihan ko siya ay hindi ko maiwasan na malungkot.

"Ayos lang, naiintindihan ko naman 'yon," sinserong sabi ko, ngumiti siya. "Ganiyan yata talaga kapag college student na."

"Mas busy. Ngayon pakiramdam ko ay napakarami kong dapat gawin. Kahit na ang totoo ay wala naman masyado. Mali ang time management ko lalo na kapag nagkakasabay-sabay lahat. Katatapos ko lang sa isang bagay, meron na namang bago."

"Mm, ganiyan din si Maxwell noon kaya naiintindihan kita," kwento ko. "Minsan ay hindi na kami nagkikita dahil busy siya masyado. 'Yong studies na nga ang tumatayong girlfriend niya," natawa ako. "Anyway, maganda 'yong priority mo ang pag-aaral." Hindi ko alam kung akma pa ba sa usapan ang sinasabi ko.

"Maiintindihan mo rin ako kapag nasa college ka na."

"Oo naman. Ngayon pa nga lang ay naiintindihan na kita."

"Pero 'wag mo sana isipin na hindi importante sa 'kin 'yong anniversary natin."

"Hindi ako nag-iisip ng gano'n. Tss. Ikaw pa ba?" Natawa ako uli. Pero hindi ko na alam kung kasing sinsero pa ba 'yon gaya kanina. Pakiramdam ko ay may kaunting bitterness na sa akin. "Hindi rin kasi maganda 'yong mga nangyayari nitong nakaraan. Nakakaapekto sa 'ting pareho. Lalo na siguro sa 'yo, kaya hindi mo naalala."

"Hindi!" bulalas niya.

Hindi ko naiwasang magulat sa pagtataas niya ng boses. Masyado naman yata siyang alisto? Tss.

Maging siya ay napansin ang iniasta. "I mean hindi ako masyadong nakaapekto sa 'kin ang insidenteng 'yon, babe. No'ng una siguro, oo, kasi sino ba namang hindi magugulat, 'di ba, babe? Hindi 'yon normal at hindi nararanasan ng kahit na sino sa araw-araw nilang pamumuhay kaya talagang nakakagulat. Pero talagang busy lang po ako sa pag-aaral ko. Nabanggit ko naman sa 'yong Preliminary Exam na namin, 'di ba, babe?" Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit kailangan niyang magpaliwanag nang gano'n kahaba at kabilis.

Napabuntong-hininga ako. "Sinabi ko nang ayos lang, 'di ba?" sinikap kong 'wag mainis.

"Oo nga po, babe."

"Tss."

"Sinasabi ko lang, babe, I love you, babe."

"Sinabi ko na ring naiintindihan ko, Sensui."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon