Chapter 50

178K 3K 724
                                    

And the party starts.

“Sinong hampaslupang organizer ang nag invite sa lechugas, haliparot at hitad na babae na yan?” nangigigil na tanong ni Venus ng makitang papasok si Kara sa loob ng Function hall.

“Ako .. pinsan .. diba sabi mo invite natin ulit? Hehe” tatawa tawa pa si Araya.

“Araya gusto mo si Storm naman ipalandi ko sa kanya? Ha? Para maramdaman mo yung intense feeling na nararmdaman namin?” inis na sabi ni Venus sa pinsan.

“Ok lang .. “ pero humahaba ang nguso ni Araya sa pagsagot.

“Kuuu .. kung di lang kita pinsan  ..”

“Chill lang Venus  ...” tapik ni Dara sa kanya.

“Chill lang ako gurl .. tingnan mo di naman obvious na nangigigil ako diba?” inis pa din na sagot ni Venus.

“Hahaha .. Your face is so priceless ..” natatawang puna ni Venice ..

“Gusto mong si Elo ang ipaharot ko jan kay Kara?”

“Ang init naman ng ulo mo Cous .. chill .. ok? Chill lang tayo ..”

Sya namang lapit ng asawa nya sa kanya kasama ang anak nilang si Aya ..

“Look Honey .. ang cute cute ng baby natin diba?”

“Syempre ako nanay nyan eh .. pasalamat ka  nagkaroon ka ng anak na ganyan kaganda ..” pagmamalaki ni Venus ..

“Eh? Bakit bad mood ka ata honey?” tanong ni Clinton sa asawa.

“Eh kung ikaw kaya makita ang asawa mo na maya kasamang iba in a very intimate moment? Di ka mababadtrip?”

“Symepre naman mababadtrip!”

“Oh edi yan ang kasagutan!” tinapon ni Venus ang mga litrato na lukot lukot. Tinago nya talaga yun para ipakita kay Clinton.

“Waaaaah Honey .. ako ‘to ah? Grabe ang gwapo ko talaga kahit saang anggulo- aray! Naman honey! Wag mo naman akong saktan sa harap ng anak natin ..” nakapout na sabi ni Clinton.

“Baby dun ka muna kina Tita Araya ah… go ..” pinaalis muna ni Venus ang anak bago kinompronta si Clinton . “Anong kagaguhan ang pinag uuspan nyo ni Kara jan?” tanong ni Venus na nakataas ang kilay sa asawa ..

Natatawa lang naman sa isang tabi ang mga kasama nila..

“Hioney maniwala ka .. wala naman kaming ginagawa dyan .. nag uusap lang kami ..” mababang tono na sagot ni Clinton ..

“Anong pinag uusapan nyo?”

“Wala .. uhm .. ewan .. di ko na maalala .. wala lang naman yan Honey eh .. maniwala ka sakin please ..”

Pinagmasdan naman ni Venus ang asawa bago nagsalita ..

“I believe you .. at please Clinton .. lumayo layo ka sa Kara na yan .. kahit anong landi nya sayo .. parang awa mo na .. wag kang kakagat .. kung ayaw mong tanggalan kita ng buhay ..”  banta ni Venus sa asawa nya ..

“Oo naman Honey .. wala lang naman talaga yan  eh ..” sabay yakap ni Clinton sa asawa ..

“Tsk. Lumayo ka nga sa akin! ang baho mo! Ilang beses ko ng sinabi sayo na maliligo ka lagi eh .. bantot mo!” inis na pinalayo nya ang asawa ..

“Grabe ka naman Honey … nakakahurt ka naman .. sa gwapo ko ba naman na ito pinaghihinalaan mo kong di naligo? Eh kahit nga di ako maligo mabango at gwapo pa din ako ..” pagmamalaki ni Clinton.

“Dami mong satsat .. hala alagaan mo yung anak mo ng malaman ng mga tao dito na may asawa at anak ka ng tao .. nang hindi ka nila pagpyestahan!” sabay hila kay Clinton para lumapit sa anak nila ..

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon