Seven

343 21 0
                                    

Meir's POV

"Hindi. Hindi pwede!"

"Wag!"

*boogsh*

Aray ko!

"Ano yon? Ano yon?" nagulat ako ng biglang mag salita si Sophia.

Teka si Sophia?

Tinunghay ko yung ulo ko para makita ko yung paligid. Nasa sahig kasi ako, nalaglag.

"Ano bang nangyari sayo Meir? Bat ka nalaglag?" pag tatanong sakin ni Sophia habang kinukusot niya yung mata niya.

Umayos ako ng pagkaka upo ko dito sa sahig. Naka dapa pa kasi ako.

"Nanaginip ako ng masama" simpleng sagot ko sabay iling.

Ayokong sabihin sa inyo kasi nga diba sabi ng matatanda wag kayong mag kwekwento ng panaginip kung masama yon? Sabi kasi yon ng Lola ko sakin.

"Ahh kaya. Wag ka na munang mang abala tutulog na lang ulit ako" saad niya.

Pinanood ko na lang siya na humiga at mag talukbong. Puyat ba siya.

Pero teka nga lang!

"Asan ako?"

Nilibot ko yung paningin ko dito sa kwartong tinulugan namin ni Sophia.

Hindi ko to kwarto. Hindi rin to kwarto ni Sophia. Kasi kung kwarto namin to dapat pink yung dingding pero hindi dirty white yung kulay.

Asan kami?!

Sumampa ako sa kama at niyugyog si Sophia.

"Ano ba yan?! Ano nanaman?!" inis na saad niya.

"Asan tayo? Wala naman tayo sa inyo o samin diba?" dahil don umupo si Sophia mula sa pagkaka higa niya.

"Hindi ko alam" antok na saad niya pero nilibot niya yung paningin niya sa buong kwarto.

"Basta nagising ako kanina para umuhi andito na tayo. Hindi na muna ako nag libot dahil sa sakit ng ulo ko" dagdag niya sabay hawak sa may sentido niya.

"Asan kaya tayo?" tanong ko ulit.

"Aba malay ko nga. Labas ka para makita mo balikan mo na lang ako dito" ngumiti siya pag katapos niyang sabihin yon.

Humiga na ulit siya at nag talukbong. ULIT.

Anla naman to!

Nasan kaya kami? Pati kaninong bahay to?

Ang lakas kasi matulog ni Sophia sa ibang bahay na hindi naman namin alam kung sino may ari!

Ano nga bang nangyari kahapon at napadpad kami dito?

"Omo naeexcite ako matulog sa inyo hehe" naka ngiting saad ni Sophia sakin.

Sa bahay kasi namin siya matutulog ngayong gabi. Mag grogroup study daw sila Kuya ngayon, kahit Lunes. At dahil wala akong kasamang matulog ngayon inimbitahan ko na lang siya.

Namiss ko tong hayop na babae na to eh. Hindi naman kasi namin to nagagawa dati kasi hindi naman ako kina Kuya natutulog dati. Nag aapartment ako.

"Ano kayang pwede nating gawin sa inyo?" tanong ni Sophia sabay sway ng kamay naming mag kahawak.

Yieeeeeeww.

Ganto talaga kami ever since. Kaya wag kayong mag isip ng kung ano ha? Walang bi saming dalwa.

"Harry Potter marathon tayo ngayon!" excited na sigaw ko.

Humarap siya sakin na may kinang sa mata na may heart. Gets niyo?

"Omo omo omo deal!" sigaw niya habang may sobrang lapad na ngiti sa labi niya.

Parehas kasi kaming dalwa na mahilig sa Harry Potter.

Habang nag lalakad kami naudlot ang pag kwekwentuhan namin ng biglang may humawak sa kamay ko.

Hinarap ko siya at biglang nag taasan yung balahibo ko ng nakita ko kung sino ang gumawa non. Hindi ko kilala.

Pano ko ba naman kasi makikilala eh may face mask!

"Bitawan mo nga ako!" pag pipilit ko habang binabawa yung kamay ko sa pag kakahawak niya.

Masakit na ha!

Dahil mas malakas siya sakin nahigit niya ako pero nag mamatigas ako para di niya ko tuluyang mahigit.

"Bitawan mo siya!" narinig kong sigaw ni Sophia sabay hampas ng bag niya sa ulo ng taong may hawak ng kamay ko.

Dahil don nabitawan na niya ako. Pero nag init ang dugo ko ng bigla niyang tinulak ng malakas si Sophia.

Hayop to ah!

Lumapit ulit siya sakin pero bago niya mahawakan ulit yung kamay ko inunahan ko na siya ng suntok dahilan para bumagsak siya sa kinatatayuan niya.

Orayt! Ang lakas non ah! Pero masakit din.

Nilapitan ko si Sophia para tulungan siyang makatayo ng may maramdaman akong tumama na matigas na bagay sa ulo ko. And everything went black.

"Ano-"

*snor*

Naputol yung pag tatanong ko kay Sophia kung ano talagang nangyari kahapon ng marinig ko yung pag hihilik niya.

Ganon na ba kalalim yung tulog niya?

Aish. Never mind.

Dahan dahan akong umalis sa pwesto ko para hindi ko maabala sa pag tulog si Sophia. Yare na kasi ako dito.

Nilibot ko yung paningin ko hanggang sa mahanap ko na yung cr dito sa kwarto. Pumunta ako don at nagulat ako sa nakita.

Wow! Ang linis!

Kung kanino mang bahay to I'm so proud of you po! Ang linis ng cr niyo eh hehehe.

Pumasok ako don and do my thing. After kong gawin yon muli kong tinignan yung itsura ko sa salamin at nag peace sign.

Hays. Ang cute ko talaga.

Lumabas na ako sa cr at napa tingin kay Sophia na ngayon ay iba na ang pwesto. Malalaglag na nga yung kumot na kanina ay naka balot sa kanya.

Ganon kasi siya kalikot matulog.

Lumapit ako sa pintuan ng kwarto at hinawakan ang doorknob.

Kaya mo to Meir.

Dahan dahan kong pinihit ito at tahimik na binuksan. Sinigurado ko talagang hindi ako makaka gawa ng kahit anong ingay.

Lumabas na ako at sobrang tahimik dito. Isa isa kong pinakinggan yung mga saradong pinto para malaman ko kung anong nangyayari sa loob. And nothing is interesting.

Huminto ako sa panghuling pinto ng mapansin kong bukas to. Pasimple akong lumapit don at unti unting sumilip.

Naka kita ako ng lalaking topless! As in topless! Ang hot niya sheyt!

Tinignan ko kung kaninong katawan ang may nag mamayari non at nanlaki ang mata ko kasi nakita kong naka tingin siya sakin!

"Jimin?!"


AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon