25 ~ Embrace

283K 9.4K 870
                                    




CHAPTER TWENTY FIVE

NANG INAYA siya ni Bettina na magpunta sa salon ay hindi na siya nag dalawang isip pa, sumama kaagad siya. She was stressing herself for a days now and pampering herself will help her.

"No, just above my shoulder. It would be fine with me." She said to the hair stylist behind her.

Pinagmamasdan niya ang itsura sa harap ng malapad na salamin. Ang kislap sa mga mata niya ay hindi niya na makita, hindi katulad noon na magkasama sila ni Brooke, her eyes was always twinkle in happiness when she was with him.

Nung tinawagan siya ni Brooke at sabihing namimiss na siya nito, ay hindi napigilan ng puso niya na sumaya kahit sandali lang.

Ano ang ibig sabihin niyon? May pagtingin din ba sa kanya ang kapatid niya?

Gelicah frowned. No, that can't be.

"Mas lalo kang gumanda, hija." Napakurap siya nang magsalita sa gilid niya si Bettina tapos ay marahan na hinaplos ang may kaiksian niya ng buhok. "At mas lalo kang gaganda kung ngingiti ka na."

Tipid siyang ngumiti rito mula sa repleksyon ng salamin. "He called last night, Tita."

"Your husband?" Isang tango ang naging tugon niya do'n, hindi na itinama pa. Hindi na ipinaalam pa kung ano ang nangyayari sa kanila ni Brooke. "Sinusuyo kana?"

Hindi niya alam kung panunuyo ba 'yon. "Nangamusta lang po kung okay kami ni baby."

"Yon lang?"

"Miss niya raw ako."

Bettina patted her shoulder gently. "Ang sweet naman pala ng asawa mo. Makikipagbati na 'yan kaya huwag ka nang magmukmok, okay?"

"I will try not to, Tita. For o-our baby."

"For you and for the baby." Bettina corrected her. "By the way, we better go and visit your mom?"

"Mabuti pa nga po." Aniya at inayos na ang sarili.

Pagpasok nila sa silid ng mommy niya ay pakiramdam niya ay nalanghap niya ang pamilyar na pabango. It was Brooke perfume, hindi siya pwedeng magkamali. Kaagad na lumapit siya sa ina at hinalikan ito sa noo, nagtagal pa ang tingin niya rito.

"Ahm, Gelicah, ikaw muna rito, ha? May pupuntahan lang ako." Paalam sa kanya ni Bettina, hawak na ang handbag nito.

"Saan ka pupunta, Tita?"

"Just in the restaurant near here. Bibili na rin ako ng pagkain natin. May gusto ka bang ibang kainin?"

"Umm, ice cream?"

Bettina cackled. "Sure, just wait for me."

She kissed her cheek before leaving the room. Nang mapag-isa sila ng mommy niya ay kinausap niya ito, habang hawak ang malambot na kamay.

"Mommy, kumusta ka na ba? Gusto ko na po maramdaman ang pag-galaw ng kamay mo, gusto ko na po marinig ulit ang boses mo...miss na miss na kita." Inilagay niya sa pisngi ang kamay nang ina at dinama 'yon. "Alam mo ba? Magkaka-apo ka na, sana bago ako manganak, magising ka na."

Sa biglang pagbukas ng pinto ay nahinto siya sa pakikipag-usap sa mommy niya. Isang blonde na nurse ang pumasok at nang makita siya ay bahagyang nawala ang ngiti sa labi nito. Tila ba na disappoint ito na siya ang nakita, o baka nagkakamali lang siya?

"Good morning, Miss. I will just check Brianna." The nurse greeted her with a small smile on her lips now.

"Morning," She greeted back and let the woman check her mother.

Territorial Men 3: Brooke Montero (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon