𝐏𝐀𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐒

326 32 9
                                    



▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

LIKHA AT HIRAYA
h a n d t h e i r e n d

【 LIKHA AT HIRAYA 】h a n d t h e i r e n d

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Likha . . . Likha Ayala, tipikal na nilalang. Mariin akong naniniwala na wala nang natitira sa aking pagkatao. Ni sa paggising sa umaga, hirap akong pagsumikapan ang pagbangon, dahil na rin hirap akong makatulog sa gabi. Puno ng mga kaisipang ang aking isip, at madalas din ang pakikipagtalo ko sa aking sarili. Takot din ako sa mga maraming bagay na hindi ko kayang aminin: takot sa kabiguan, takot sa tagumpay.

Mataas ang inaasahan ko sa mga tao, pero mas mataas ang para sa aking sarili, ngunit, kahit na ganoon pa man, ang pagnanasa ako ay ang buhay na pangkaraniwan lamang. Magiging masaya akong maninirahan sa malawak na palayan nang mag-isa, o kaya'y magsaya sa malimlim na liwanag ng buwan.

Wala akong pakialam sa mga maka-mundong bagay o sa tulak ng kapalaluan . . .

Subalit, may marubdob din akong paghahangad, na kahit papaano, ako'y magkaroon ng dahilan o layon sa mundong ito.

Kaya, nagsimula ang lahat sa nakapalibot na kaparangan sa isang liblib na bayan, noong inilibot ng nag-iisang babaeng anak ng mga Ayala ang kanyang mga mata sa paligid, kasabay ng pagsaksi sa pagdanak ng dugo ng kanyang kinauukulan.

o kaya't sa mas simpleng salita: may isang liham akong natanggap na naging rason ng aking paggising sa kapanahunan ng rebolusyunaryong Labanan sa Binakayan-Dalahikan, kung saan ko masusubaybayan ang pulos mortal kong buhay na nahuhulog sa kapanglawan at trahedya.







❛ ━━━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━━━ ❜







INSKRIPSIYON

Sa paghulma ng panahon, ang iyong pangalan
ang  aking  sasambitin .  At  sa  paglamlam  ng liwanag  ,  kalakip  ng   maliyong   pag-asa  . . .
nawa     ay      kapwa      nating        magtapuan 
ang                  ating                mga              landas.




❛ ━━━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━━━ ❜





━━━━ 𝐋𝐈𝐊𝐇𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐈𝐑𝐀𝐘𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon