12. Accidental Kiss :-* ♡

120K 2.9K 344
                                    

Enjoy reading...

********

"Palabasin mo ngayon ang aso nayan sa pamamahay ko!" halos mamula sa galit ang stepmother niyang si Marita nang isigaw iyon.

Hindi nya ito pinansin. Kumuha lang sya ng pagkain at inilagay sa plato nya.

"Nana pwede po makihingi ng plato para kay Pachie?" she asked to her nanay Rosa.

Mabilis namang sumunod ito sa kanya.

"Ramon tignan mo ang anak mo binabastos na naman ako!" sumbong ni Marita sa Daddy nya na kapapasok lang ng dining room. Nakita nya rin sina Dylan na pumasok.

"Ano na naman ba yan Angela?" her father's voice sound tired na nagpangisi sa kanya.

"What? Wala ako ginagawa sa kanya, hello im just going to eat here."

"Kahit kelan bastos ka! Alam mong ayaw na ayaw ko na may hayop dito sa bahay ko nagpapasok ka parin."  si Marita.

"Bawal pala hayop dito, eh bakit andito ka." she asked innocently.

"Angela!" napapikit sya ng malakas na sumigaw ang daddy nya.

"What?" patay malisya nyang tanong?

"Look Angela I'm so tired right now. Hindi ba pwedeng bigyan mo kami ng katahimikan kahit ngayon lang." nilapitan ni Janice ang daddy nya. Hinimas ang likod nito at tinitignan sya ng matalim.

Nagkibit balikat sya.

"Pwede naman dad patahimikin nyo rin si tita Marita then we can have a peacefull and happy dinner."

"Napakawalang modo mo talagang bata ka! Ramon paalisin mo na rito yan. Ayaw ko sya dito. Maaga akong mamatay sa kasutilan ng batang yan."

"Oo nga daddy pabalikin nyo na po sya ng London alam nyo bang kahit sa school nanggugulo sya."

Inismiran nya si Janice.

"Tsss... don't worry ta ipapalibing kita kung sakali." Pang-aasar nya pa.

"Ahmm excuse me po tito, tita." napatingin silang lahat kay Dylan pumuwesto ito sa gilid nya paharap sa kanyang magulang at stepsister.

"Pasensya na po kung pumasok si Pachie dito. Ako na po ang bahala maglabas sa kanya. Sorry po talaga tito tita."

"Its not your fault Dylan. Dahil sigurado ako na hindi naman ikaw ang may gustong ipasok ang aso nayan. Alam kong alam mo na ayaw ko ng hayop  dito sa loob ng bahay ko. Iyang si Angela na masaya talaga na ginagalit ako at pinapainit ang dugo ko ang may kasalanan dito."

"Yo'ure visitor here hijo." si daddy nya. "Nakakahiya na nakikita nyo kami na ganito kagulo pagpasensyahan nyo na sana."

"Daddy! Huwag ka magsorry dapat si Angela ang magsorry. Look at her nakainom pa sya kahit pinagbawalan nyo na sya na uminom."

Pinaikot nya ang mga mata.

"Really people ano to drama,pelikula? Gusto nyo bang gawin ko ang part ko, iyong sasabuyan ko kayo ng kape.? Ay dinner pala ngayon walang kape itong juice na lang gusto nyo?"

Tinignan sya ng matalim ni Dylan. She ignored it bagkus sa daddy sya nya nakatingin na ngayon ay papalapit na sa kanya.

O_O Nagulat ang lahat ng sampalin sya ng daddy nya.

Pumaling ang mukha nya pakanan.

"Sir-"si Dylan.

Itinaas ng Daddy nya ang kamay para pigilan sa pagsasalita ang binata.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon