50- Natikman Mo Naba?

21.8K 562 88
                                    


KISMETH'S POV

" You okay baby girl? Sigurado kabang gusto mo ng pumasok? Pwede ka namang magpahinga muna. I'll talk with our prof " umiling lang ako kay Zachary bilang sagot. Sinundo nya ko sa bahay kanina at mula ng makasakay ako sa sasakyan nya ay wala na syang ibang bukang bibig kundi ang tanungin kung okay lang ako.

" Sobra sobra na ang araw na ipinahinga ko sa hospital. Nakakapagod tumanga " sagot ko na syang ikinatawa nya. Kalalabas ko lang kahapon sa hospital. Lunes palang ngayon pero pakiramdam koy Biyernes na dahil sa baba ng enerhiya ng katawan ko. Alam nyo yung gusto nyong pumasok na parang ayaw? Basta.

" Ang mahalaga makapag palakas ka baby girl " hinawakan naman nya gamit ang kanang kamay ang kamay ko bago ito halikan. Tumingin sya sa akin at ngumiti ng matamis bago ibalik sa daan ang kanyang tingin. Anong ginawa ko para mapunta ka sakin? You are too good for me Zachary... Too good.

" On my 20th birthday which is actually a month from now, can i invite you to have a dinner with my family? You know, nakasanayan na kasi ng pamilya namin na mag kitakita tuwing birthday ko. Ipapakilala narin kita sa magiging pamilya mo " bigla naman akong napalunok dahil sa sinabi nya. Ipapakilala? Pano kung hindi nila ako magustuhan? Pano kung ayaw nila sa katulad ko?

" Zachary, I... I dont think thats a good idea. Alam mo namang iba ako hindi ba? Ni simpleng pag ngiti hindi ko magawa " ewan ko ba. Bigla akong nakaramdam ng panliliit dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi

" Trust me baby girl. They will love you. Hindi ko pa ba nasasabi sayo na maganda ka? Mabait? Kahit isuot mo pa yang glasses at braces mo, maganda ka parin " napatingin naman ako sa kanya. Bakit ang sweet mo? Oo hanggang ngayon naka disguise parin ako. Well, sila Zachary at grupo lang naman nya ang nakakaalam ng totoong ako e.

Hindi ko na nagawang sumagot dahil unti unti na nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Eto na naman tong puso ko. Konting konti nalang ay magdidikit na ang labi namin pero agad kaming napalayo sa isat isa ng may biglang kumatok sa bintana ng sasakyan ni Zachary. Weeeew

" Fuck! Istorbo! " frustrated na bulong ni Zachary pero narinig ko naman. Pffft.

" King o ang aga aga badtrip ka!? " Tetsu . Nasa likod naman nya yung anim na tinitignan kung ano meron dito sa loob. Tinted nga pala to

" Nabadtrip lang nung nang istorbo kayo! Bakit ba? " mukhang nagtitimpi lang sumigaw tong katabi ko. Pffft. Ayaw palang nabibitin!

" Wala. Kanina kapa kasi nag park. Eh ang tagal mo bumaba akala namin nakatulog kana " Kenjie. Ngayon ko lang napansin na naka park na nga ang sasakyan ni Zachary. Ganon naba ka okupado ang utak ko at hindi ko manalang napansin kung nasaan na kami!?

" And? Ano meron? " tanong ni Zachary sabay kamot ng ulo.

" Tara na! Walang prof ngayong umaga may meeting ang faculty members! Kaya hayahay tayo! " ohhh. Nice. Buti nalang. Tinatamad rin ako mag klase.

" Kayo lang. May lakad ako. Kami ni baby girl " sabi nya tsaka lamang binaba ng todo ang salamin. Nakita naman ako nung pito kayat kumaway sila na syang ibinalik ko rin. Si Rhayn naman, nag bow pa. Anak ng tokwa

Bumaba na si Zachary ng sasakyan at umikot sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pinto. Sweet

" Saan? Isama nyo nalang kami! " Kenichie na sinang ayunan naman nilang lahat. Napapakpak pa nga yung isa at sa tingin ko ay kilala nyo na kung sino yun.

" Hindi. Wala kaming gala " singit ko sa usapan nila. Nagpalipat lipat naman sila ng tingin saming dalawa ni Zachary.

" What? Eh baby girl pano moko masosolo? " tanong nya sabay nguso. Hinatak nya kasi ko palayo saglit sa mga kaibigan nya.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon