CHAPTER EIGHT

84.4K 1.2K 69
                                    

"Oh ano? Wala ka na bang naiwan na gamit dito?" Tanong ni Clyde kay Summer.

"Wala na yata."

"Oh ayan. Sweldo mo. P10, 000 yan, gusto mo bilangin mo pa." At inabot niya kay Summer ang pera.

"Okay na 'to."

"Oh edi ano pang hinihintay mo?" Pasko. "Lumayas ka na sa mansyon ko."

"Makapagsalita ka ah!" Sabi ni Summer sabay pout.

"Diba sabi kong wag mo na ulit gagawin yang ginagawa mo sa mukha mo? Ang pangit tignan!" Reklamo naman niya.

"Nye nye nye." Inirapan niya nalang si Clyde dahil sa kayabangan nito.

"Umalis ka na kasi!"

"Oo na sige na daldal mo." Hinawakan na ni Summer ang kanyang dalawang maleta at huminga ng malalim.

Nagtataka ba kayo kung saan pupunta si Summer at kung anong ginagawa niya? Kung hindi, aba eh sa ayaw at sa gusto niyo ay ipapaliwanag ko kung bakit, bawal tumanggi. Syempre tapos na ang "term-kuno" ni Summer sa bahay nila Clyde diba? Two weeks na kasi.

Ngayon, hindi na alam ni Summer kung ano ang gagawin niya sa buhay niya. Wala siyang matitirhan 'noh! Kahit may pera na siya, hindi pa rin 'to sapat para sa mga gastusin niya. Unless kung magiging working-student siya?

"Hindi mo ba ako pipigilan?" Tanong ni Summer bago lumabas ng gate.

"Hindi. Buti nga yun eh."

Binuksan na niya ang gate at nilingon ang bahay nila sa huling pagkakataon nang biglang may isang Fortuner na sasakyan ang huminto sa harap ng bahay nila Clyde. Si Lian.

"Anong meron?" Tanong niya.

"Um, ano...tapos na ang kontrata ko dito eh." sagot ni Summer, kahit wala naman talaga silang kontrata.

"Really? Sayang naman," sabi ni Lian habang lumalabas ng kanyang sasakyan. "Eh saan ka na titira?"

"Dun na lang sa harap ng Mercury Drugs." Malay niyo, maging Henry Sy na rin ang buhay ni Summer at maging succeful di'ba?

"What? Wag naman!" Tumingin siya kay Clyde. "Binigyan mo ba siya ng kung anong tulong man lang?"

Aba, anong tingin sa akin nito, pulubi? Nasalantahan ng Habagat? Di ko kailangan ng tulong, kailangan ko, matutuluyan! Bulong ni Summer sa sarili niya.

"O-oo." Sagot naman ni Clyde. Tumahimik si Lian at nag-isip muna.

Hindi nagtagal ay naka-isip ng magandang paraan si Lian. Good thing na business man ang Daddy niya at meron silang sariling condominium—doon gustong patuluyin ni Lian si Summer. Maayos naman ito at fully-furnished na. Sasabihin lang naman ni Lian na kaibigan niya si Summer, at pagkatapos, malaki ang chance na makapag-stay doon si Summer, for free.

Habang nagd-drive si Lian, hindi maiwasan ni Summer ang tignan siya. Maganda nga talaga siya. Namangha rin si Summer dahil first time niya lang makakita ng isang babae na nagmamaneho. Ang cool cool niyang tignan habang ngumunguya siya ng chewing gum.

"Oh, baka naman matunaw na ako sa kakatitig mo?" Nakangiting sabi ni Lian.

Agad namang namula si Summer sa kanyang narinig. Bakit ng aba tuwing may tinitignan siya, eh lagi nalang siyang nahuhuli?

"Hehe..." Mahina niyang tawa. Nahihiya na kasi talaga siya.

Pagkatapos ng mahabang traffic, nakarating sa sila sa kanilang paroroonan. Tumambad sa pagmumukha ni Summer ang isang napakalaking building. Hindi siya makapaniwala na sila Lian ang may-ari nito, at na dito siya titira! At ito ang rason kung bakit walang humpay si Summer sa pasasalamat kay Lian. Pero si Lian naman, natatawa nalang dahil talagang natutuwa siya kay Summer. Ewan niya ba, basta sobrang gaan talaga ng loob ni Lian para kay Summer, kaya naman natutuwa siyang tumulong dito.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon