Chapter 28

189K 9.4K 5.4K
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Nazareth. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko simula nang bumaba kami sa kotse niya. Kanina pa siya nagrereklamo at pinapaalala na sa kaniya ko lang daw dapat gawin 'yon. Ngumiwi ako. Bakit ba ang big deal sa kaniya 'yong ginawa kong pagpalo sa pwet? Hindi niya ba ginawa 'yon noong bata pa lamang siya? Ako kasi ay ginagawa ko iyon sa mga kalaro ko kapag inaasar ko sila. Buti nga iyon lang ang ginagawa ko, eh. Hindi tulad ni Hera.

Nag-sleep over ako sa kanila tapos hindi ko sinasadyang mahalukay 'yong mga videos niya noong bata pa lang siya na naka-paloob sa cd.

"Ano 'to, Hera?"

"Mga videos ko 'yan noong bata pa ako. Tinatago ni mommy 'yan para daw ipapanood sa magiging anak ko," nakanguso niyang wika.

Humagalpak ako ng tawa. Kumuha ako ng isa at sinalpak sa DVD. Nagsimula ng mag-play ang video.

Si Hera agad ang nakita ko. Birthday party iyon. Madungis ang kaniyang mukha dahil siguro sa chocolate cake—base na rin sa nakikitang mga pagkain sa table. Bumubungisngis si Hera habang may hinahabol na mga bata na sa tingin ko ay kasing edad niya.

"Let me touch your flower!" sigaw ng batang si Hera.

Napatigil naman ang mga batang hinahabol niya. Nakakunot ang mga noo. "Pewo wala naman kaming plawer?"

"Meron! Hihi!" Humagikgik si Hera.

"Teka," ani ng isa pa. "Kung mewon kaming plawer, nasaan naman?"

Pati ang mga matatanda na nanonood ay tuwang tuwa sa kanila. Nagkakatuwaan ang mga ito habang nakatingin kina Hera.

Lumapit si Hera sa isang babae na kasing edad niya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Hera nang kurutin nito ang singit ng batang babae. "Flower!"

Natahimik ang lahat. Laglag ang panga ng mga ito kay Hera.

"Aaaaaaaaah! mommy!" Umiyak ang bata dahil sa ginawa ni Hera. Humagikgik lamang ang huli at hinabol pa ang mga kasamang kapwa babae.

"Let me touch your flower!"

At doon natapos ang video.

Malalaman mo talagang simula pa lang ay abnormal na si Hera, 'di ba? Sino ba namang matinong bata ang mangungurot ng singit sa murang edad?

Bumalik ako sa reyalidad nang tumambad sa akin ang isang dalawang palapag na abandunadong bahay. Kumunot ang noo ko't nakaramdam ng takot. Paano ba naman kasi, ang creepy nito. Halatang luma na ang labas at mula rito ay mapapansin mong parang puro sira ang loob na tila matagal nang walang naninirahan doon.

"Let's go in?" ani ni Nazareth sa tabi ko.

"A-ayoko..."

Humalakhak siya dahilan para makita ko ang pantay-pantay niyang ngipin. His sensual lips formed into an addictive smirk. "Afraid, miss?"

Inirapan ko siya kaya mas lalo siyang humalakhak. "Huwag kang mag-alala. Habang nakikita mo akong nakatayo, hindi ka papabayaan ng ibon ko."

"T-talaga?"

"Syempre joke lang." He chuckled. Binatukan ko siya. "Aggressive wife, huh?"

Hinila niya ang kamay ko papasok sa loob ngunit this time, nakayakap na siya sa 'kin. Hindi ko maiwasang mamula. Pakiramdam ko ay safe ako sa mga bisig niya habang binabagtas namin ang daan paloob.

"A-ano ba kasing ginagawa natin dito?" tanong ko.

"Just hug me tightly, love," aniya.

Ngumuso ako't namumulang sinunod ang sinabi niya. Nang buksan niya ang pinto, agad akong napayakap sa kaniya. Humalakhak siya sa ginawa ko. Hindi naman masyadong madilim sa loob dahil may sapat na ilaw na pumapasok mula sa mga bukas na bintana. Dahil do'n ay napagmamasdan ko ang nasa loob nito. It was an abandoned house, I could say. Wala masyadong kagamitan—ay mali. Wala talagang kagamitan. Hindi naman sira ang paligid pero ang nakapagtataka ay malinis ito.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon