Volume 2 CH 12 : Silver trace

3.6K 66 9
                                    

Raven's Pov


'Raven bakit ko kasi kelangan magthank you sa lalaking yun e wala naman sayang ginawa' angal ni kiera habang tinutulak ko sya papasok sa classroom ni stone.

Kakadating nya lang kahapon. Nagulat nga ako ng maaga syang bumalik dito. Nagprapraktis ako nun sa Garden of thorn ng bigla syang sumulpot at niyakap ako.


'Ikaw ang nagsabi sakin na kelangan magpasalamat sa taong tumulong sayo diba? Tumulong si stone kumbinsihin ang mga magulang mo at kitang kita ko sa mga mata nya nun na ayaw ka nyang umalis.' ani ko at nakita Kong bigla syang namula at napayuko.

Medyo tinulak ko sya ng bahagya sa tapat ng pintuan ng Alter class 1A at May isang babaeng mahaba ang buhok at nakasalamin ang bumungad samin.

' anong kelangan nyo? ' mahinhin nitong tanong samin.

Hindi sumagot si kiera kaya ako na ang nagsalita.

'nandyan ba si Stone?'

Tumingin ito sa buong classroom at bigla nitong Tinawag si stone.

'Stone may naghahanap sayo.'

Sinilip ko ng bahagya ang room ng mga alter class at mukhang katulad lang ito ng classroom namin mga primo ngunit kapansin pansin ang bilang ng mga estudyante sa loob.

Mas kokonti ito kesa sa klase ng mga primo. Ganto ba ang lahat ng class A. Narinig kong mga espesyal lang at mga kakaibang user ang na pupunta sa A class kaya siguro kokonti lang ito kesa sa class B at C.

Pagdating ni Stone at nakapamulsa ito at medyo gulo gulo ang uniporme nito.


'sinong may kelangan sa inyong---' hindi nya na tapos ang sasabihin nya ng nakita nya kami.

Biglang nagbago yung ekpresyon ng mukha nya lalo na nung dumako yung tingin nya kay kiera.

'kayo pala Raven at kie. Anong kelangan nyo sakin?' tanong nito sabay ngisi, yung ngisi may gagawing kalokohan.

Palagi naman ganto itong si stone. Lalo na kung nakikita nya si kiera para lalo syang nagiging presyo pagkaharap si kiera.

Pero nun nakausap ko sya nung paalis si kiera seryoso sya at nakita Kong determinado talaga sya hindi yung usual na stone.

Hindi nagsalita ng ilang minuto si kiera. Nanatili lang itong nakatungo at hawak ang dulo ng palda nya.


'May sasabihin daw si Kiera' ani ko dahil para mapatingin sila sakin.


'talaga?'

'W-wala ah'

Sabay nilang sagot dahil para mapatawa ako ng bahagya.

Tumingin sakin ng masama si kiera bago muling Tumingin kay stone.
Humugot muna ito ng malalim na paghinga bago nagsalita.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon