Simula

180K 4.2K 637
                                    

Late Warning: this story contains scenes that may trigger anxiety or depression (as what other readers said, may mga triggering factor daw ito). Please read at your own risk. I wrote this for you to keep going and not to give up. I hope this story will be able to save you and help you to keep going.

Some scenes may be disturbing so please read at your own risk.

All the love!

———

"You killed my son! You killed my son! You killed my son!" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. My eyes became so blurry as tears fall from my eyes. I swallowed hard just to prevent myself from crying. But then I remembered my Yaya telling me before 'huwag kang iiyak kung hindi mo naman talaga kasalanan'--- and here I am crying so hard because I know I am the one at fault.

"I'm sorry po. I'm sorry..." Pinagdaop ko ang mga palad ko at paulit-ulit na humingi ng kapatawaran. Although I know myself walang kapatawaran ang nagawa ko.

"Ikaw dapat ang namatay!" I did not kill anyone. I did not mean what I have done.

"Fia! Fia hija!" Nagising na lamang ako sa pagyugyog ni Yaya Millie sa akin. Napabangon akong tumatagaktak ang pawis. "Ilang buwan ka nang ganyan." Inabot sa akin ni Yaya Millie ang isang basong tubig.

It was not the exact thing that happened, yet my bad dreams will always symbolize what happened from the past. It makes me sick all the time.

"Thanks Yaya..." Napahilamos na lamang ako ng buong mukha. "Sila daddy po?"

"Si Mayor ay nagtungo sa munisipyo kasama ang mommy mo. Lunes ngayon kaya paniguradong maraming pipirmahang dokumento 'yun, lalo na ang scholarship program niya." Tumango-tango na lamang ako. Hindi pa rin naaalis sa akin ang paghangos kaya inubos ko na lamang ang natitirang tubig sa baso.

"Salamat po Yaya. Maliligo na lang muna ako. Dadaan ako sa munisipyo pagkatapos."

I went to the bathroom. Binuksan ko ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig mula sa aking ulo pababa. Nanginginig na naman ang mga kamay ko. It has been almost a year now, pero hindi ko pa rin makalimutan. Gusto ko na lamang magpakalayo-layo. It is something I cannot undo. It is something I fully regret. Napapikit ako ng mariin, kasabay nang pagluha ko ay siya ring pagdaloy ng tubig mula sa shower sa buong katawan ko. Pagkatapos ay binabad ko ang aking sarili sa bathtub. Doon ay muli na namang nanumbalik ang lahat.

"I'm breaking up with you Afia. This isn't gonna work anymore." My heart is about to explode from his sudden confession. "You know it's not really working anymore. Last month pa..." Hindi ako nagsalita. I have been so in love with Gael Santos, he's my first crush, my first love...my first boyfriend, my first in almost everything. At ang marinig mula sa kanya ang mga salitang ito ang higit na dumurog sa akin. "Please speak up...I'm sorry. You can slap me. You can hurt me all you want...just please speak up."

Umiling ako. Hinayaang kumawala ang mga luha. "May bago na ba?"

"I'm sorry." That's it.

"Sino?"

Hindi siya nakasagot. Our 5-year relationship ended just like that. Kasi hindi na magwo-work or to be precise, may bago na kasi. Nagkasawaan na...no, nagsawa na siya. Kasi ako, kailanman ay hindi nagsawa sa kanya.

"Okay... let's break up." Simpleng sabi ko sa kanya na kahit sa loob ay durog na durog na talaga ako.

"Fia..."

"Don't call me again. Don't come near me. This is what you want. This is what could be your happiness. May iba na diba? Then fine, I'm giving you the freedom to date that girl. I'm setting you free because I love you so much. I am breaking up with you because I love you so much. And I know I can't fight for this anymore, kasi ikaw na mismong mahal ko ay sinukuan na ako, pinagsawaan na ako." I breathed heavily. I let tears fall from my eyes. "I love you Gael. I wish you nothing but happiness."

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon