Kabanata IV

18.9K 918 187
                                    

Alexis Garcia

"Gising ka na pala."

Iyan ang una niyang narinig nang idilat ang mata. Kulay puting kisame at amoy ng mga gamot. Mariin niyang ipinikit ang mata nang biglang pumintig ang ulo niya. Pilit na inaalala kung ano nga ba ang dahilan nang pagkahimatay niya. Ilang segundo siyang nakapikit, atsaka lang siya dumilat nang mabawasan na ang pananakit ng ulo. Naguguluhan niyang ibinalin niya ang tingin sa Nurse.

"Ano po ang nangyari?"

"Panic attack. Iyan ang dahilan kung bakit nawalan ka ng malay." Aniya bago ito lumapit sa kanya. Inalalayan siya ni Nurse Lhyra na umupo.

Panic attack? Ano naman ang— nanlaki ang mata niya nang maalala ang lahat. Sa sobrang takot at pagkabahala niya ay nawalan siya ng malay, at dahil iyon kay Etros. Iginala niya ang tingin para tingnan kung nasa paligid lang si Etros. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag nang makita na wala ito.

"Kung hinahanap mo si Etros, wala na siya. Umalis muna saglit."

Namula ang mukha niya. Hindi naman niya ito hinahana— Oo na! Hinahanap niya nga ito. Pero hindi dahil sa gusto niya itong makita. Mabuti na lang talaga at wala na ang binata, kung hindi ay baka nanginginig nanaman siya sa takot at kaba.

He doesn't want Etros to find out that he was the guy he kissed in the game!

"Babalikan ka rin daw niya pagkatapo— teka, saan ka pupunta?" Nag-aalala nitong tanong nang bigla na lang siyang umalis sa higaan.

Sinuot niya ang sapatos na nakalapag sa baba ng kama. Mabilis ang kilos niya dahil baka maabutan pa siya ni Etros dito. Nilingon niya si Nurse Lhyra at nagpasalamat dito. Pinipigilan pa siya nito dahil babalikan nga raw siya ni Etros. Hindi niya pwedeng makita si Etros.

"Excuse ka naman na sa klase kaya magpahinga ka na muna. Hintayin mo na lang si Etro—"

"Hindi po pwede." putol niya sa sinasabi nito.

Akmang bubuksan niya na sana ang pinto nang magsalita si Nurse Lhyra. Napatigil siya sa sinabi nito. Hindi makapaniwala at kinakabahan.

"It's you right? Ang nakapares at ang hinahanap ni Etros."

Umiling siya. "Hindi po." Laking pasalamat niya dahil hindi siya nautal nang sagutin ito.

"Don't deny it. Halata na sa kilos mo. Mabanggit ko lang ang pangalang Etros ay nanginginig ka na at namumula pa iyang mukha mo."

Nakagat niya ang ibabang labi. Bigla ring nanuyo ang lalamunan niya. Ganon ba talaga siya kahalata? Wala siyang ibang nagawa kundi ang harapin ulit ang Nurse. Kung kinakailangan niyang magmakaawa, gagawin niya, basta huwag lang nitong sabihin na siya ang nakapares ni Etros sa laro.

"Please, huwag niyo pong sabihin sa kanya." Pagmamakaawa niya.

"It's none of my business, pero, gustong gusto ka na niyang mahanap." Kibit balikat na bumalik sa upuan si Nurse Lhyra.Halos malaglag ang panga ni Alexis nang marinig ang sunod na sinabi nito. Halos magwala ang puso niya, ito rin ang dahilan kung bakit namula ng todo ang mukha niya.

"He likes you."

He likes me?! Sigaw ni Alexis sa isip niya. Paanong nangyari iyon?

"Sa Kissing game kasi mamimili ang mga kalahok. It's either hahanapin nila ang nakapares o hindi. Kapag hinanap, ibig sabihin…" She paused. "Gusto niya ito."

Hindi makapaniwala si Alexis sa narinig. Imposible! Napaka imposible na magkagusto sa kanya si Etros. Una sa lahat, hindi siya nito kilala. Pangalawa, parehas silang lalaki kaya imposible na magkagusto sa kanya si Etros.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon