Diez

175K 3.7K 32
                                    

Diez

Aura

"Ew! Kadiri ka naman, Migi!" Loko tong lalaking ito ah! Lagyan ba naman ako ng peanut butter sa mukha.

Tumawa ng malakas si Migi. He was laughing his heart out. Aba okay siya! Tawanan daw ba ako!

"Anong nakakatawa, huh?!" Inirapan ko siya at pinunasan ng tissue ang parte ng mukha ko na nalagyan ng peanut butter.

"You look so cute." Natatawa pa rin niyang sagot.

Bigla nanaman akong namula. Grabe ah! Ibang klase! Hindi ka naman ganyan dati Aura diba? Anong nangyari sayo?

Inirapan ko siya. "Nambobola ka nanaman! For your information, mister, hindi ako nadadaan sa mga bola bola na iyan. Hindi ako kinikilig! Over my dead body!"

Ngumiti siya ng nakakaloko sakin. "Wala naman akong sinasabing kinikilig ka ah?"

Natigilan ako. Oo nga naman? Bakit ko ba nasabi yun? Hala.. Nakakahiya! Baka kung anong isipin ng lalaking ito!

"A-Ano.. Ang sabi ko wag kang feeling!" Sana bumenta. Magkatunog naman diba? Kinikilig at feeling?

Nailing na lang ito. "Yeah, right. Bahala ka."

"Feeling ka kasi! Makaalis na nga!" Dinampot ko yung tray na may lamang tinapay at peanut butter at padabog na lumabas ng kwarto.

Rinig ko naman ang pagtawa niya bago ko tuluyang naisara yung pinto. Ang hilig talaga akong pagtripan nun? Grabe pala? Mag iisang buwan ko na palang kilala yun? Nga naman! Buti nakatagal ako! Mukhang nagiba na rin ang ihip ng hangin. Dati sobrang sungit. Ngayon naman ang lakas ng tama sa ulo. Ang lakas siguro nangpagkakauntog niya sa aksidente. Bahala siya.

Dinaan ko muna ang food tray na hawak ko sa may kusina ng ospital. Papunta na sana ako sa isa pang pasyente ng may mapansin akong lalaking nakatayo sa may nurse station sa may lobby.

Nilapitan ko ito dahil walang tao sa may station. Mukhang may hinihintay.

Parang pamilyar siya? Ako na mismo ang lumapit dito.

"Um, excuse me po? Ano pong kailangan nila?" Nakatalikod ang lalaki sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Humarap siya at nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino iyon.

"Detective!" Oo, tama kayo ng rinig. Siya yung Detective na nagbigay sa akin ng picture nung gwapong lalaki.

Mukhang narecognize din niya ako. "Oh, 'diba ikaw yung nurse na pinagbigyan ko ng picture?"

Ngumiti ako. "Opo, ako nga po yun."

"I see. So, pasyente niyo ba siya dito?" Kalmado niyang tanong.

"Sorry po pero wala po talaga eh. Tinanong ko na rin po sa mga co-nurses at doktor ko 'yan pero wala pong nakakakilala o nakakita sa lalaki na hinahanap niyo. Hindi po siya pasyente dito. Pasensya na po." Nahihiyang sagot ko. Ang hirap talaga ng trabaho nila. Kung kinakailangan mong halughugin ang buong Pilipinas o maski ang buong mundo basta makita mo lang yung pinapahanap sayo ay kailangan mong gawin.

Napabuntong hininga nalang siya. "Nahalughog ko na ang buong probinsya niyo pero bigo pa rin ako. Mag iisang buwan na rin kasi ng mawala siya. Dito kasi siya sa probinsya niyo na aksidente. Kaya malakas ang paniniwala ko na mahahanap ko siya agad kasi hindi naman gaano kalaki ang probinsyang ito. Kaso nga lang lahat ng ospital dito napuntahan ko na. Eto nalang ang sa inyo ang pang huli."

Nakaramdam naman ako ng awa. Syempre nakakapagod din maghanap kahit binabayaran ka para gawin ang trabaho mo.

"Baka naman po patay na ito?" Tanong ko. Syempre diba? Posible naman.

Natawa siya sa sinabi ko. "Patay man o hindi iha kailangan namin siyang mahanap. Galit na galit na nga iyong amo namin na tatay niyan sa amin dahil hanggang ngayon ay hindi parin namin siya mahanap. Ang dami na rin nilang binayaran para maghanap sa mga kalapit probinsya."

Natawa na rin ako.

"Hay naku, Detective! Wag kayong mawalan ng pagasa! Lilitaw din yan!" Pag papagaan ko sa loob niya. Mukha naman kasi na mabait siya.

"Sana nga, iha. Ewan ko ba kung bakit ang hirap hanapin ni Miguel. Pagkatapos niya involve sa car accident ay bigla nalang naglaho ang katawan niya." Pagkukwento pa niya.

Napakunot ang noo ko. "Car accident po?" Parang may naalala kasi ako.

"Oo. Car accident. Kung alam mo lang iha kung gano kayaman ang pamilya ng taong 'yan. Tsk. Sayang naman kung patay na siya. O siya sige, iha. Mauuna na ako at pagpapatuloy ko pa ang paghahanap. Basta tawagan mo lang ako kung sakaling makita mo siya. Gustong gusto na rin kasi siya makita ng pamilya niya eh. Hanggang sa susunod. Magiingat sa paguwi iha." Paalam niya sakin.

Bumalik ako sa katinuan. Nakatulala pala akong nakikinig sa kanya. "A-Ah, sige po. Ingat rin po kayo. Sana po mahanap niyo na siya."

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng ospital. Agad akong tumakbo papuntang cr. Napahawak ako sa dibdib. Ang bilis ng tibok nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko matukoy. At naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Hindi naman ako tanga. Tama kaya ang hinala ko? Siya ba iyon?

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon