CHAPTER 12

1.1K 34 8
                                    

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER TWELVE:

 

COMMERCIAL BREAK: SI EDGE.

If there’s one thing Edge hates, it’s flirts!

Yung mga girls na kapag nakakita ng cute guys, magbubulungan, maghahagikhikan! At titingin sa guy na nagpapa-cute! Mag-i-smile. Magpapapungay ng mga mata.

Oh how he hates that!

He remembers his Mom, noong bata pa siya, kapag nakikipag-usap sa phone, panay ang giggle. At kapag kausap ang ibang guys, maski yung mga kaibigan ng Daddy niya, may pahawak-hawak pa sa braso.

            “Why is Mommy like that?” tanong niya sa Daddy niya noong grade four siya. Sa murang edad, alam niyang mali para sa isang babae ang umakto nang gano’n. Hindi niya nakikitang gano’n ang mga Mommies ng mga classmates niya.

            “Your mom is a natural flirt,” kampanteng sagot naman ng Daddy niya habang nagbabasa ng briefs at summonses. Lawyer ang daddy niya. “But don’t mind it. It’s harmless. She doesn’t mean anything by it. She’s just naturally friendly.”

            Naturally friendly ba yung nagka-affair si Mommy sa bestfriend ni Daddy? Na nahuli pa silang dalawa na magkasama sa Tagaytay? Nauwi iyon sa away. Sa paghihiwalayan. At sila ni Ward, pinagtig-isahan ng kanyang Mommy’t Daddy. Siya, naiwan sa kanyang Daddy. Si Ward naman ay kinuha ng kanyang Mommy. Magkaiba na rin sila ng mga school na pinapasukan. Siya sa U.S.T. High dahil sa Makati sila nakatira. Si Ward ay sa Quezon City Academy dahil naman sa Project 6 nakatira ang Mommy niya at ang bago nitong husband.

            They used to be so close. Ward and him. Gano’n daw ang kambal. May natural connection. Pero simula nung pinaghiwalay sila, parang nagkaroon na rin ng wall sa kanilang magkambal.

            Siguro dahil lagi niyang sinisisi ang Mommy nila sa paghihiwalay ng parents nila. At sa pagkawasak ng family nila in general.

            “Mom is a flirt kaya tayo naging broken home,” madalas niyang iparinig sa Mommy niya tuwing dumadalaw siya sa mga ito. Na biglang ikaiiyak ng Mommy niya. At siyempre, maaawa si Ward sa kanilang Mommy. Sa kanya naman magagalit.

            “Don’t do that to her,” pagsasaway ni Ward sa kanya. Pero hindi niya ito pinakikinggan. Lalo niya itong aasarin.

            Iyon ang dahilan kung bakit dumalang ang pagkuha sa kanya ng Mommy niya. Na okay lang. Dahil sa totoo lang, he hates his Mom.

            Iyon din ang reason kung bakit ayaw niya sa flirt girls. Na kung bakit elementary pa lang, lapitin na siya ng mga gano’ng type of girls. Yung titingin sa kanya, magbubulungan, maghahagikhikan.

            Noong high school nga, hindi lang basta tumitingin. Nakikipagkilala pa ang mga girls sa kanya sa mga malls. Kinukuha ang cellphone number niya. Magte-text. Mayayayang lumabas. Mag-frap sa Starbucks. Manood ng movie.

            Noong una, hindi niya pinapansin. Pero dahil sa dami, naisip niya na pagbigyan ang mga ito.

            “I thought ayaw mo sa flirt girls?” tanong ng bestfriend at kaklase niyang si Adie. Adie is not that goodlooking kaya hindi lapitin ng girls. Kaya nagtataka ito kay Edge na parang allergic sa pretty girls.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon