52- Killing Machine

18.8K 546 45
                                    


KISMETH'S POV

" Text me kapag may napansin kang kakaiba. I need to go " sabi ko kay Juxton. A week after ng paguusap namin, pumayag akong tulungan sya kapalit ng lahat ng impormasyon na alam nya. Pareho lang rin naman kami ng gusto. Tsss

" Okay Que---, I mean Kismeth " sinabi ko kasi sa kanyang Kismeth na lamang ang itawag sa akin at baka may makarinig pang iba. Nag nod naman ako sa kanya bago tumalikod at naglakad paalis sa pool area. Tuwing maguusap kasi kami, dito kami lagi nagkikita. Nirereport nya sakin lahat ng kakaibang kinikilos ng mga studyante.

Naglalakad na ako papunta sa room namin ng mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko. Ano na namang meron?

"gosh hindi na nahiya!"
"oo nga girl! Dina nakuntento!"
"swerte nya kay King tapos gaganyan sya?"

Napakunot naman ang noo ko ng mapadaan dun sa grupo ng mga babaeng alam ko namang pinaparinggan ako. Ano bang pinagsasasabi nila?

Isinantabi ko muna ang pagtataka at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa room. May sampung minuto pako bago mag bell.

Nakarating ako sa tapat ng room at mula dito ay rinig ang daldalan ng mga kaklase ko. Natahimik naman sila ng makitang pumasok ako pero agad ring tinuloy ang daldalan. Tulad kanina, karamihan sa mga kaklase kong babae ay nakatingin sa akin ng masama. Ang ilan ay mukhang nandidiri pa. Ano na namang problema nila!?

Tinaasan ko naman ng kilay si Sydney at beks dahil pagkaupo ko pa lang ay agad silang lumapit sa akin. Bakit ba katanghaliang tapat eh ganyan sila makatingin?

" What? " hindi nako nakatiis at inis na nagtanong.

" San ka nagpunta ng lunch break? Hindi ka namin nakita sa cafeteria. Hinahanap ka nila Crystal at King James sa amin " sagot ni beks. Hinahanap?

" Tumambay ako sa lumang garden " sagot ko sabay pikit at sandal sa upuan ko. Alam kong nakatingin silang pareho sa akin pero pinabayaan ko nalang. Ano bang big deal dun!?

" Sinong kasama mo? " Sydney. Tsss

" Ako lang " plain kong sagot.

" True ba? Eh teh, yung totoo? May nakakita sayo sa pool area e. May kasama ka pa nga " beks. Napadilat at napaayos naman ako ng upo dahil sa sinabi nya.

" What did you say? " dahan dahan kong tanong sa kanya. Mukhang natakot naman sya dahil agad syang napalunok.

" K-kasi mamsh ganito nga, diba kaninang lunch, nung bigla kang nawala, nagpunta na kami sa cafeteria ni Sydney. Tapos habang kumakain kami, may biglang lumabas sa computer bulletin na picture mo habang nakikipag usap sa lalaki sa pool area. K-kaya nagalit si King. Umalis sila. Kasunod yung Queen Myrtle at mga alipores nya " kaya pala. Kaya pala pinagtitinginan ako. That bitch! Alam kong sya may pakana nito! Tssssk

" Hindi mo manlang ba pupuntahan si King para magpaliwanag? Sa tingin ko nasa private room sila " napatingin naman ako kay Sydney ng bigla syang magsalita. Pupuntahan ko nga ba? Aish. Bahala na

" Fine. Magtetext nalang ako kapag papasok pa ako o hindi na " hindi ko na inintay ang sagot nila at lumabas na agad ng room bitbit ang bag ko. Makasalubong ko lang talaga ang bitch na yun sisiguraduhin kong mang hihiram sya ng mukha sa aso. Gusto yatang binyagan ko na naman ang retokada nyang mukha!

Wala pang sampong minuto ay nakarating na ako sa private room nila. Bakit ang bilis ko yata ngayon?

" Si Zachary? " seryosong tanong ko sa pito pagkapasok ko pa lamang sa loob. Mukhang nagulat naman sila sa bigla kong pagsulpot pero wala akong pake. Ni hindi ko na nga nagawang kumatok at hintayin na pagbuksan ako ng pinto. Tsssk.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon