29 ~ Truth

307K 8.8K 286
                                    



CHAPTER TWENTY NINE

"WHAT happened is not only a miracle, because we all know that Brianna's really wanted to wake up and live her life again. She fight for her life."

The doctor told him before patting his shoulder, then leave. Pinakawalan ni Brooke ang hangin na kanina pa naipon sa kanyang dibdib. Ngayon ay makakahinga na siya ng maluwag. Everything is getting fine.

"Tita, mom's awake. Come on." Brooke caress Bettina's back.

"Y-yes. Sobrang saya ko lang at sobrang emosyonal sa nangyari kay Brianna."

"Naiintindihan ko. At masaya rin po ako na may kaibigan siyang katulad mo. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa mommy ko."

Nagpahid ng luha sa pisngi si Bettina at pilit na ngumiti. He appreciate everything that she's done to his mother and to his wife. Bettina is really part of their lives.

"Para ko na kayong pamilya, Brooke. Masaya ako na maayos na ang lahat." Luminga ito. "Si Gelicah?"

"She's inside. I'll go and get her."

"Sige. At sumunod nalang kayo sa bagong silid ng mommy mo, ha."

Tumango siya bago binagtas ang dating silid ng ina. Sa pagpasok niya sa loob ay nabungaran niya kaagad si Gelicah na nakayukyok sa kama na walang laman, umiiyak.

Uh, his poor wife. She's very emotional and she was crying hard. For sure she's thinking that their mother is gone. Oh, no!

Mabilis niya itong nilapitan at dinala sa bisig niya. Nanghinina na ito, basang-basa ng luha ang buong mukha.

"Si m-mommy...h-hindi ko kaya n-na mawala s-siya sa-kin." Tapos ay humagulgol na naman sa dibdib niya. "W-Where's my m-mom? Where's s-she?!"

Hinagod niya ang likod ng asawa at hinalik-halikan ito sa ibabaw ng ulo.

"Mom is fine. They transferred her to another room that's why she wasn't here." He kissed her head again. "Stop crying. Mom is alive."

Marahas na nag-angat ng tingin sa kanya si Gelicah, naghahalo ang emosyon sa maliit na mukha. Sakit at kalituhan sa nangyayari. Namumugto na rin ang mga mata.

"She's a-alive?"

Brooke kissed her forehead. "Yeah,"

Mas lalong naiyak ang asawa, pero sigurado na siya na ang mga luhang 'yon ay dahil sa kasiyahan.

"Natakot ako, Brooke. Natakot ako ng sobra."

"Hindi mo na kailangan matakot. Nasa atin pa rin siya, makakasama na ulit natin siya."

Tumango-tango ang asawa sa dibdib niya habang pinipigil na ang mga luhang nagbabagsakan sa pisngi. Brooke keeps on stroking his wife's hair with his fingers, while kissing her head.

Ipinikit niya ang mga mata. Dinama sa bisig niya ang asawa at inalala ang napaka gandang balita. Gising na ang mommy niya. Makikita na siya ulit nito pagkatapos nang mahabang panahon.

He's wondering what his mother's would feel once she saw him again? Shock? Regrets? Longing?

"Let's go to her room. I wanna hug her." Gelicah said sweetly.

Tumayo ito at siya ay ganoon din. Inayos niya ang nagulong buhok ng asawa. Ang namumugtong mga mata nito ay nakatingin sa mga mata niya.

"Ikaw lang muna ang magpakita sa kanya."

"Bakit ako lang?" Nagsalubong ang kilay ni Icah.

"I don't want to surprise my mother yet with my presence. That would only make her very emotional and that will not help with her condition right now."

Territorial Men 3: Brooke Montero (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon